Paggunita sa Araw ng Maynila, pinangunahan ni Mayor Lacuna

Ginugunita ngayong araw ang Araw ng Maynila o ang ika-452 anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod Maynila kasabay ng kapistahan ni St. John the Baptist. Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rajah Sulayman sa Malate, Maynila. Pagkatapos ng maiksi at simpleng seremonya, isang civil and military parade naman… Continue reading Paggunita sa Araw ng Maynila, pinangunahan ni Mayor Lacuna

Mga abusadong Pulis, maaari nang ireklamo sa Muntinlupa City Barangay PLEB desks

Naglagay na ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) desk sa siyam na barangay sa lungsod. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, layon nito na ibaba sa mga barangay ang sumbungan laban sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan sa kanilang lungsod kabilang na ang Pulisya. Aniya, hindi lamang… Continue reading Mga abusadong Pulis, maaari nang ireklamo sa Muntinlupa City Barangay PLEB desks

Masikip na daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa QC asahan, dahil sa isasagawang Pride PH Festival

Asahan ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa Quezon City dahil sa isasagawang Pride PH Festival March, bukas. Batay sa abiso, magsisimula ang simultaneous march ng 3 PM sa North Avenue Gate ng Quezon Memorial Circle. Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang East Avenue, V. Luna Avenue, Kalayaan Avenue, at Elliptical Road.… Continue reading Masikip na daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa QC asahan, dahil sa isasagawang Pride PH Festival

Mahigit 40,000 estudyante sa Makati City, tumanggap ng Anti-Dengue Kit

Aabot sa 40,000 mga mag-aaral ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang nabahaginan ng mga Anti-Dengue Kit. Layunin ng proyekto na maiiwas ang mga mag-aaral sa banta ng dengue lalo’t naitatala ang pagtaas ng kaso nito tuwing panahon ng tag-ulan. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, tinatayang nasa 47,212 na mga mag-aaral mula sa iba’t… Continue reading Mahigit 40,000 estudyante sa Makati City, tumanggap ng Anti-Dengue Kit

Gentle Hands Orphanage, inisyuhan ng bagong ‘cease and desist order’ ng DSWD

Naglabas na ng bagong cease and desist order (CDO) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa Gentle Hands Orphanage sa Quezon City. Bunga ito ng pagbawi ng BFP sa fire safety inspection certificate (FSIC) ng naturang pasilidad matapos lumabas sa pag-iinspeksyon ang maraming violation ng ampunan kabilang ang kawalan ng fire exits,… Continue reading Gentle Hands Orphanage, inisyuhan ng bagong ‘cease and desist order’ ng DSWD

SSS, nagsagawa ng “RACE” activity sa lungsod ng Pasay

Nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity”o RACE activity ang Social Security System sa 10 establisyimento na sakop ng SSS CCP Complex Branch ngayong araw. Ang mga ito ay inisyuhan ng notice of violation matapos hindi naghuhulog ang mga employer ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Kabilang sa mga naihaing notice of violation ay mula… Continue reading SSS, nagsagawa ng “RACE” activity sa lungsod ng Pasay

Crime solution efficiency ng PNP, umabot sa 92% sa NCR

Ibinida ng PNP na nakamit nila ang 92.58 porsyentong crime solution efficiency sa National Capital Region sa unang quarter ng taon. Ito ang pinakamataas sa lahat ng rehiyon, kung saan pumangalawa ang Central Visayas na nakamit ang 92.51% crime solution efficiency habang 83.17% naman ang nakamit ng CALABARZON. Base sa datos ng PNP, 92,774 krimen… Continue reading Crime solution efficiency ng PNP, umabot sa 92% sa NCR

QC LGU, muling nanawagan sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalo ngayong tag-ulan

Patuloy ang apela ng Quezon City local government sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa mga kanal at estero. Kadalasan kasing mga tambak na basura ang nagdudulot ng pagbara sa mga creek at ilog sa lungsod na nagiging dahilan ng pagbaha lalo ngayong maulan ang panahon. Ayon sa LGU, dapat na maging responsable… Continue reading QC LGU, muling nanawagan sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalo ngayong tag-ulan

NCRPO, House Sgt at Arms, nagpulong para sa seguridad sa SONA

Nagkaroon ng pulong ngayong araw ang House Sgt at Arms at National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ilatag na seguridad sa ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24. Humarap mismo si NCRPO Dir. Edgar Alan Okubo na siya ring tagapamuno ng Task Force SONA kay… Continue reading NCRPO, House Sgt at Arms, nagpulong para sa seguridad sa SONA

Paghahanda sa kalamidad, posibleng pagtama ng ‘The Big One,’ tinalakay sa 2nd Quarter Metro Manila DRRMC

Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarter Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC). Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes ang pulong kasama ang local Disaster Risk Reduction and Management Office sa Metro Manila at member-agencies nito. Layon ng naturang pulong na talakayin ang mga paghahanda sa iba’t-ibang kalamidad… Continue reading Paghahanda sa kalamidad, posibleng pagtama ng ‘The Big One,’ tinalakay sa 2nd Quarter Metro Manila DRRMC