QC LGU, naglabas ng traffic advisory kaugnay ng gaganaping Pride PH Festival sa Sabado

Nag-abiso na ang Quezon City Government sa posibleng pagbigat sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod kaugnay ng gaganaping PRIDE PH festival sa darating na Sabado, June 24. Nasa tinatayang 50,000 na miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ ang inaasahan sa naturang pagtitipon, kaya’t posible ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsadang… Continue reading QC LGU, naglabas ng traffic advisory kaugnay ng gaganaping Pride PH Festival sa Sabado

Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng tatlong istasyon ng MMDA Pasig River Ferry Service ngayong araw. Batay sa abiso na inilabas ng MMDA, ito ay dahil sa nasirang pontoon o bangka at low tide. Kabilang sa mga istasyon ng Pasig River Ferry Service na tigil ang operasyon ay ang Valenzuela, PUP, at Maybunga. Samantala, regular pa… Continue reading Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52

Tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID- 19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa higit 200 na lang . Ayon sa OCTA Research, mula sa 89 average daily cases bumaba na ito sa 52 kaso batay sa huling tala sa lungsod. Nakitaan na rin ng pagbaba ng positivity rate sa 11.3% mula sa… Continue reading Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52

Philippine Red Cross, rumesponde sa nangyaring sunog at ammonia leak sa isang cold storage facility sa Navotas City

Nagpadala ang Philippine Red Cross o PRC ng truck at dalawang ambulansya matapos sumiklab ang sunog at magka-ammonia leak sa isang cold storage facility sa Barangay North Bay Boulevard sa Navotas City. Ito ay upang mabigyan ng paunang tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente. Ayon sa PRC, nasa 10 pamilya ang agad na kailangang… Continue reading Philippine Red Cross, rumesponde sa nangyaring sunog at ammonia leak sa isang cold storage facility sa Navotas City

Mga pasahero sa Valenzuela, ikinatuwa ang bawas-pasahe sa tricycle sa lungsod

Kung may dagdag-pasahe sa ilang pampublikong transportasyon, bawas-singil naman ang ipinatupad sa lungsod ng Valenzuela. Epektibo nitong Lunes, June 19, ang bawas-pasahe sa mga tricycle sa Valenzuela kung saan ang minimum na pasahe ay ibinaba sa ₱10 mula sa dating ₱12 kada pasahero. May bawas singil din sa special trip na ₱40 na lang mula… Continue reading Mga pasahero sa Valenzuela, ikinatuwa ang bawas-pasahe sa tricycle sa lungsod

Parcel na naglalaman ng mga Tarantula, naharang sa NAIA

Naharang at kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na nglalaman ng 4 na Tarantula sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Mahigit 2,000 senior citizens sa Parañaque City, tumanggap na ng social pension

Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen o mga nakatatanda sa kanilang lungsod. Isinagawa ang payout sa Old Brgy. San Dionisio Gymnasium ang unang araw ng payout sa Brgy. San Dionisio kung saan, aabot sa 2,164 na mga lolo at lola sa nasabing barangay ang… Continue reading Mahigit 2,000 senior citizens sa Parañaque City, tumanggap na ng social pension

Week-long city wide mourning sa San Juan City, idineklara kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Jose Warren Villa

Idineklara ang week-long city wide mourning sa Lungsod ng San Juan kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Jose Warren Villa. Naglabas ng Executive Order si San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw na nagdedeklara ng week-long city wide mourning sa lungsod mula June 19 hanggang June 25. Kaugnay nito, naka-half mast na ang lahat… Continue reading Week-long city wide mourning sa San Juan City, idineklara kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Jose Warren Villa

Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

Nagkataon lamang na natapat sa pagbubukas ng klase sa Agosto ang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) LRT-1 at LRT-2 ayon yan sa Department of Transportation (DOTr). Sa naging pulong balitaan kaninang hapon, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na kinailangan na mailabas sa mga pahayagan ang aprubadong taas-pasahe ng… Continue reading Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sana ay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang magmando ng panghuhuli ng mga motoristang lalabag sa batas-trapiko sa EDSA Busway. Ito ay matapos na ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ililipat na sa Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang monitoring ng EDSA… Continue reading MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway