Sunog sa isang gusali sa San Antonio, Makati, patuloy na inaapula ng BFP

Patuloy na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa San Antonio, Makati ngayong umaga. Bandang 6:34 kaninang umaga ng maiulat ang sunog sa lugar, kung saan nagmula sa ikaapat na palapag ng gusali nagsimula ang sunog. Umabot sa ikaapat na alarma ang nasabing… Continue reading Sunog sa isang gusali sa San Antonio, Makati, patuloy na inaapula ng BFP

Daan-daang kilo ng ‘hot meat’ nasabat ng NMIS sa Las Piñas

Aabot sa halos 400 kilos ng karneng hindi dumaan sa accredited slaughterhouse ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa meat stall sa Las Piñas City Public Market. Ikinasa ng NMIS Enforcement Unit ang operasyon noong June 7 kung saan katuwang nito ang Las Piñas City Veterinary Services Office. Ayon kay NMIS Enforcement Unit… Continue reading Daan-daang kilo ng ‘hot meat’ nasabat ng NMIS sa Las Piñas

Reaksyon ng mga residente ng Makati sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Makati at Taguig

Tinawag na iresponsable ng Lungsod ng Makati ang Lungsod ng Taguig hinggil sa mga alegasyon nito na diumano’y nakipagpulong si Makati City Mayor Abby Binay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na may kinalaman sa territorial dispute sa Fort Bonifacio at mga EMBO… Continue reading Reaksyon ng mga residente ng Makati sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Makati at Taguig

Taguig LGU, bukas sa pakikipagdiyalogo sa Makati LGU hinggil sa usapin ng agawan ng teritoryo sa BGC

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na nananatiling bukas ang kanilang linya ng komunikasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Ito’y sa gitna na rin ng usapin hinggil sa agawan ng teritoryo ng dalawang lungsod sa Bonifacio Global City gayundin ng mga karatig barangay nito. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, sa kabila ng pagiging… Continue reading Taguig LGU, bukas sa pakikipagdiyalogo sa Makati LGU hinggil sa usapin ng agawan ng teritoryo sa BGC

Payout para sa social pension ng mga indigent Senior Citizen sa Las Piñas City, umarangkada na

📸 LAS PIÑAS PIO

Halos 2k motorista, nahuli sa iba’t ibang paglabag sa nakalipas na buwan — LTO

May kabuuang 1,737 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office-National Capital Region sa Metro Manila dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko. Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, karaniwang kasalanan na nagawa ng mga motorista ay ang hindi pagsunod sa Land Transportation and Traffic Code; ang hindi pagsusuot ng seat belt device,… Continue reading Halos 2k motorista, nahuli sa iba’t ibang paglabag sa nakalipas na buwan — LTO

Ilang lugar sa Taguig City, mawawalan ng tubig mamayang gabi

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Lungsod ng Taguig simula mamayang alas-10 ng gabi. Batay sa inilabas na advisory ng Manila Water, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Palingon at Barangay Ibayo-Tipas, partikular sa kalye ng Daang Manunuso sa may Labao corner Gen. Natividad St. Ito ay dahil sa isasagawang line meter replacement… Continue reading Ilang lugar sa Taguig City, mawawalan ng tubig mamayang gabi

Half-mast, isinagawa sa Lungsod ng Muntinlupa bilang pagpupugay sa yumaong dating Sen. Rodolfo Biazon

Inilagay sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaan ngayong araw sa Lungsod ng Muntinlupa Ito’y bilang pakikiramay ay pagbibigay pugay ng mga Muntinlupeño sa ama ng kanilang Alkalde Ruffy Biazon na si dating Senador Rodolfo “Pong” Biazon. Inilabas ni Muntinlupa City Administrator Engr. Allan Cachuela ang nasabing kautusan na… Continue reading Half-mast, isinagawa sa Lungsod ng Muntinlupa bilang pagpupugay sa yumaong dating Sen. Rodolfo Biazon

Drug-testing sa mga jail personnel at PDLs sa QC Jail Male Dormitory, negatibo ang resulta

Napanatili ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang pagiging “drug free” facility sa National Capital Region. Sa isinagawang random drug tests ngayong buwan, hindi nakitaang gumamit ng bawal na gamot ang mga jail personnel at Persons Deprived of Liberty. May 205 tauhan ng BJMP at 790 Persons Deprived of Liberty ang nag negatibo sa… Continue reading Drug-testing sa mga jail personnel at PDLs sa QC Jail Male Dormitory, negatibo ang resulta

Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nanatiling mapayapa sa pangkalahatan ang mga ikinasang aktibidad kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan. Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng okasyon bagaman… Continue reading Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO