Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

Himas rehas na ngayon ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), makaraang arestuhin ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa Brgy. Don Galo, Parañaque City. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Police Brigadier General Kirby John Kraft, ang naarestong ASG member na si Salahuddin Alpin alyas Almad Pantangan, 38 taong gulang,… Continue reading Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

MSMEs sa QC, tutulungang makapagbenta ng export quality na produkto

Palalawakin pa ng Quezon City Local Government ang suporta nito para sa mga Micro Small and Medium Enterprises sa lungsod sa tulong ng Food and Drug Administration. Ito matapos na lumagda sa memorandum of agreement sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at FDA Dir Gen Samuel Zacate para sa paglulunsad ng programang Bigyang-halaga, Bangon MSMEs… Continue reading MSMEs sa QC, tutulungang makapagbenta ng export quality na produkto

Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

Mariing pinabulaanan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang kumakalat sa social media na nagsasabing kanselado umano ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw dahil sa bagyong Amang. Ayon sa Pasay City LGU, hindi nagmula sa kanilang tanggapan ang lumabas na abiso kaya’t malinaw na hindi ito opisyal at hindi dapat kilalanin ng… Continue reading Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA

Aabot sa dalawang kilo ng high-grade marijuana (kush) ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang controlled delivery operation sa Sta.Cruz Maynila. Ayon kay PDEA Director General Amoro Vergilio Lazo, nagkakahalaga ang illegal drugs ng Php 3,923,700. Ang parcel na isang malaking kahon ay nabawi ng PDEA agents sa consignee na si Jeric Herrera,… Continue reading Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA

Sen. Nancy Binay, hinikayat ang Dept of Tourism na rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito. Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5-billion na tourism oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA).… Continue reading Sen. Nancy Binay, hinikayat ang Dept of Tourism na rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila, pinagtibay na

Pormal nang pinagtibay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Council (MMC) at ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng Single Ticketing System. Ito’y sa paamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong nabanggit sa punong tanggapan ng MMDA sa Pasig City ngayong araw. Bago ito, pinangunahan ni MMDA Acting Chairman,… Continue reading Pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila, pinagtibay na

2nd booster shot, sinimulan na sa Lungsod ng Maynila

Umarangkada na ang ikalawang booster shot sa Lungsod ng Maynila sa lahat ng mga Health Centers nito. Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drugs Administration ang emergency use authority ng ikalawang booster para sa general public o 18 anyos pataas. Hinikayat ng Health Department ng Manila City Hall ang kanilang mga residente na magtungo na… Continue reading 2nd booster shot, sinimulan na sa Lungsod ng Maynila

Mahigit ₱6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Lungsod ng Taguig

Timbog sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District Drug Enforcement Unit ang nagkakahalaga ng mahigit 6.8 milyong piso na shabu sa lungsod ng Taguig kagabi. Ayon kay SPD Chief Police Brigader General Kriby John Kraft pasado alas-10:45 kagabi nahuli ang pusher na si Jun Musay Salonga na alyas “Boy” sa Arca South Compound sa… Continue reading Mahigit ₱6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Lungsod ng Taguig

MRT-3, irerekomenda na malagyan ng platform barriers ang mga istasyon ng tren

Igigiit pa rin ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang mungkahi na malagyan ng platform barriers ang linya ng MRT-3. Ginawa ang pahayag kasunod ng insidente ng pagtalon sa riles ng isang pasaherong babae, kahapon Ayon kay Asec. Jorjette Aquino, Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer in Charge, ang paglalagay ng… Continue reading MRT-3, irerekomenda na malagyan ng platform barriers ang mga istasyon ng tren

Higit 3,000 residente, nakinabang sa libreng X-ray test ng Caloocan LGU

Aabot sa higit 3,000 residente ang nakatanggap ng libreng x-ray mula sa Caloocan City government bilang bahagi ng pinaigting na anti-tuberculosis campaign sa lungsod. Pinangunahan ng Caloocan City Health Department (CHD) ang naturang kampanya sa pamamagitan ng pagset up ng mobile clinic, at pagiikot sa mga barangay. Mula sa kabuuang 3,052 residenteng nasuri, natukoy na… Continue reading Higit 3,000 residente, nakinabang sa libreng X-ray test ng Caloocan LGU