Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Umabot sa mahigit 200 aplikante ang pumila sa job fair at one-stop shop ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, ngayong araw. Nasa 33 kumpanya ang lumahok sa job fair para sa first-time jobseekers kabilang ang Philippine Army at Bureau of Jail Management and Penology. Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Jelene… Continue reading Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Resulta ng mga petisyon sa wage increase, malapit nang ilabas ayon sa DOLE

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipalalabas na sa publiko sa lalong madaling panahon ang ilang desisyon hinggil sa mga petisyon sa dagdag-sahod sa bansa. Ayon kay DOLE Chief Sec. Bienvenido Laguesma gumagalaw na ang mga usapin sa sahod at proseso na may kinalaman sa mga nakahaing petisyon sa iba’t ibang tripartite… Continue reading Resulta ng mga petisyon sa wage increase, malapit nang ilabas ayon sa DOLE

DOH Supplemental Immunization Kick-Off, umarangkada na sa Pasay City

Nagsimula na ang DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off sa Brgy. 183 Villamor, Pasay City. Aabot sa 40 mga bata ang nakibahagi sa Chikiting Ligtas na layong protektahan ang mga bata laban sa Polio, Rubella, at Tigdas. Ayon kay Cerissa Marie Caringal, Medical Coordinator ng DOH, subok na epektibo ang mga bakuna at ito ay sinang-ayunan… Continue reading DOH Supplemental Immunization Kick-Off, umarangkada na sa Pasay City

Kampanyang Chikiting Ligtas ng DOH, umarangkada na sa QC

Nagsimula na rin ang isang buwang bakunahan sa mga bata sa Quezon City laban sa mga sakit na tigdas, rubella at polio. Ito ay bilang pakikiisa sa kampanyang Chikiting Ligtas ng DOH para sa mga batang edad apat pababa. Pinangunahan nina DOH Metro Manila Center for Health Development ARD Dr. Pretchell P. Tolentino at ni… Continue reading Kampanyang Chikiting Ligtas ng DOH, umarangkada na sa QC

3-minute response time ng QCPD sa krimen, pinuri ng PNP Chief

Pinuri ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang 3-minute response time ng Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD), na maaring gayahin nationwide. Ito’y sa isinagawang Command Visit ng PNP Chief sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal kahapon. Si Gen. Acorda ay malugod na tinanggap ni QCPD Director Brig.… Continue reading 3-minute response time ng QCPD sa krimen, pinuri ng PNP Chief

DOH, hinimok ang mga magulang sa Pasay City na pabakunahan ang kanilang mga anak vs Polio, Rubella, Tigdas

Hinihimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na samantalahin ang libreng bakuna kontra sa Polio, Rubella, at Tigdas. Sa ngayon sinimulan na ang Registration sa Brgy. 183 Villamor, Pasay para sa ChikitingLigtas bakunahan ng DOH. Ayon kay Cerissa Marie Caringal Nip, medical coordinator ngDOH, kabilang sa mga babakunahan ang edad 9-59 months para… Continue reading DOH, hinimok ang mga magulang sa Pasay City na pabakunahan ang kanilang mga anak vs Polio, Rubella, Tigdas

Manila LGU, handa nang makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program ng DOH

Ready na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa inilunsad na Chikiting Ligtas Immunization Program ng Department of Health (DOH) mula ngayong araw hanggang May 31, 2023. Sa abiso ng Manila LGU, isasagawa ang pagbabakuna sa 44 na health centers sa Maynila. Ito’y para mabakunahan ang mga batang wala pang limang taong gulang laban sa… Continue reading Manila LGU, handa nang makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program ng DOH

QC LGU, kampante na naibibigay nito ang serbisyo para sa mga manggagawa

Tinitiyak ng Quezon City government na sinisikap nito na matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa lungsod. Ngayong Labor Day, binibigyan ng lokal na pamahalaan ng pagkilala ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Sinisiguro naman ng pamahalaang lungsod na tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng mga programa at proyekto nito . Ito’y upang matiyak na ang… Continue reading QC LGU, kampante na naibibigay nito ang serbisyo para sa mga manggagawa

Bilang ng mga nag-apply sa job fair sa QC, aabot sa mahigit 600

Umabot ng 610 na applicants ang nag-apply ng trabaho sa ginanap na Cooperative Job Fair ngayong araw sa Quezon City. Ayon kay Ermilina Raceles, Senior Cooperative Specialist ng Cooperative Development Authority, ang mga nag-apply ay may oportunidad na maging miyembro ng isang kooperatiba na may mga benepisyo gaya ng pautang. May 14 na labor service… Continue reading Bilang ng mga nag-apply sa job fair sa QC, aabot sa mahigit 600

Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Libu-libong mga manggagawa na ang nakinabang sa libreng sakay na alok ng MRT-3 ngayong Labor Day. Sa ulat ng MRT-3 ay umabot na sa 9,486 na mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor ang nakalibre ng pamasahe mula 7:00 a.m. hanggang kaninang 9:00 a.m. Magpapatuloy naman ang libreng sakay sa tren mamayang 5:00 p.m.… Continue reading Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa