Bagong istasyon ng EDSA busway sa QC, binuksan ng DOTR

Binuksan na ng Department of Transportation sa publiko ang pinakabagong istasyon ng EDSA Busway na PHILAM QC. Pinangunahan mismo ni Transportation Secretary Jaime Bautista, kasama sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Atty. Romando Artes at DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega ang pormal na pagbubukas ng karagdagang EDSA busway stations… Continue reading Bagong istasyon ng EDSA busway sa QC, binuksan ng DOTR

Panukala sa mas mahabang termino ng brgy. officials, iprinesenta ni Sen. Imee Marcos

Nakipagpulong ngayong araw si Sen. Imee Marcos sa mga brgy officials sa Quezon City para talakayin ang itinutulak nitong panukala na naglalayong pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay sa anim na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon. Ito ay sa ilalim ng Senate Bill 2629 na nagaamyenda sa batas upang lahat ng mga… Continue reading Panukala sa mas mahabang termino ng brgy. officials, iprinesenta ni Sen. Imee Marcos

Booster pump sa Estero de Binondo, natapos nang ma-install ng DPWH para sa paglaban sa pagbaha

Inaasahang mapapabuti ang sitwasyon sa lugar malapit sa area ng San Fernando Bridge sa Maynila matapos matapos makumpletong ma-install ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – North Manila District Engineering Office ang isang booster pump sa Estero de Binondo. Layunin ng nasabing proyekto na mapabilis ang pagdaloy ng tubig-baha mula sa area tuwing… Continue reading Booster pump sa Estero de Binondo, natapos nang ma-install ng DPWH para sa paglaban sa pagbaha

181 Taguigeños, nakapagtapos sa unang batch ng STEP ng TESDA

Ipinagdiwang ng 181 na mag-aaral mula sa Taguig ang kanilang pagtatapos mula sa Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA matapos isagawa ang kanilang graduation rites kahapon, July 12. Ang mga nasabing mag-aaral ang unang batch ng mga nagsipagtapos ng programang STEP ng TESDA sa lungsod kung saan nakamit ng mga ito ang National… Continue reading 181 Taguigeños, nakapagtapos sa unang batch ng STEP ng TESDA

Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy ang pagtaas –QC LGU

Muling pinaalalahanan ng Quezon City government ang publiko  sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue sa lungsod. Mula noong Hunyo 23 hanggang Hulyo 6 ,2024, nakapagtala ang Quezon City ng 138 na kaso ng dengue. Ayon sa Quezon City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, napansin ang biglang pagtaas ng sakit sa loob… Continue reading Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy ang pagtaas –QC LGU

Malabon LGU, nagbabala sa paggamit ng mga pekeng PWD ID

Nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon laban sa paggamit ng mga pekeng persons with disability (PWD) ID. Ginawa ang babala matapos makatanggap ng ulat ang Malabon Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na patuloy ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs na nagdudulot ng pang-aabuso at kawalan ng tiwala sa kanilang sistema. Ayon sa Malabon… Continue reading Malabon LGU, nagbabala sa paggamit ng mga pekeng PWD ID

Lungsod ng Taguig, nagasagawa ng annual free medical at physical examination sa lahat ng kanilang guro at non-teaching staff

Nagpaabot ng libreng annual free medical at physical examination ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig sa mga guro at non-teaching personnel. Libreng makukuha ang physical examination (PE), vital signs monitoring, chest X-ray, complete blood count (CBC), dental assessment, visual acuity check, clinical breast exam, Pap smear, at iba pang necessary diagnostic tests para… Continue reading Lungsod ng Taguig, nagasagawa ng annual free medical at physical examination sa lahat ng kanilang guro at non-teaching staff

Mahigit 2 libong trabaho, alok sa ikinasang Job Fair ng Pasig LGU at Indian Embassy

Magsasagawa ng kauna-unahang Jobs Fair ang Embahada ng India sa Pilipinas katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig Batay sa inilabas na abiso, gagawin ang Jobs Fair sa 3rd flr ng Robinsons Metro East mula alas-9 ng umaga at tatagal ng alas-5 ng hapon Aabot sa 2,500 trabaho na may mataas na suweldo ang alok sa… Continue reading Mahigit 2 libong trabaho, alok sa ikinasang Job Fair ng Pasig LGU at Indian Embassy

DPWH, isasailalim sa retrofitting ang EDSA-Guadalupe Bridge

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinakailangang i-retrofit o isaayos ng Guadalupe Bridge sa EDSA. Sa Build Better More Infra Forum, ipinaliwanag ni DPWH Usec. Maria Catalina Cabral na ito ay bilang paghahanda sakaling tumama ang the ‘Big One’ sa Metro Manila. Ayon sa opisyal, nakapagsumite na sila ng traffic management… Continue reading DPWH, isasailalim sa retrofitting ang EDSA-Guadalupe Bridge

4 kumpirmadong nasawi matapos ang nangyaring landslide sa Antipolo City

Apat na construction workers ang kumpirmadong nasawi habang 3 iba ang nasugatan matapos gumuho ang isang construction site sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City. Batay sa ulat ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakatanggap sila ng ulat dakong alas-3:32 ng hapon kahapon kaugnay sa nangyaring pagguho ng 2 palapag na bahay… Continue reading 4 kumpirmadong nasawi matapos ang nangyaring landslide sa Antipolo City