Higit 100 tricycle sa Quezon City, na-impound dahil sa ipinatutupad na ‘No Plate, No Travel’ policy – LTO

Aabot sa 101 tricycle sa Quezon City ang na-impound ng Land Transportation Office (LTO) at City Local Government Unit sa loob lang ng isang linggong agresibong implementasyon ng “No Plate, No Travel” policy. Tiniyak ni LTO Chief Vigor Mendoza II na magtuloy-tuloy ang kanilang kampanya matapos magpakita ng tiwala at suporta ang mga Tricycle Operators… Continue reading Higit 100 tricycle sa Quezon City, na-impound dahil sa ipinatutupad na ‘No Plate, No Travel’ policy – LTO

Higit 600 kabataan, nakinabang sa libreng Operation Tuli ng Taguig LGU

Mahigit sa 600 kabataang Taguigeño mula sa pitong barangay sa lungsod ng Taguig ang matagumpay na sumailalim sa libreng circumcision services na alok ng Taguig LGU sa ilalim ng “Operation Libreng Tuli.” Ang programa, na isinagawa mula ika-1 hanggang 6 ng Hulyo, ay ginanap sa Upper Bicutan National High School, Post Proper Northside Barangay Hall,… Continue reading Higit 600 kabataan, nakinabang sa libreng Operation Tuli ng Taguig LGU

P7.8 milyon ng mga hindi sertipikadong household appliance, nakumpiska ng DTI Task Force Kalasag

Kumpiskado ng Task Force Kalasag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagtulungan kay ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo at Business Permit and Licensing Office ng Valenzuela City, ang aabot sa P7.8 milyong halaga ng hindi sertipikadong mga appliance sa bahay. Sa operasyon kamakailan, nasamsam ang nasa 9,874 na mga non-compliant appliances tulad ng… Continue reading P7.8 milyon ng mga hindi sertipikadong household appliance, nakumpiska ng DTI Task Force Kalasag

MMDA, bubuo ng technical working group para sa masterplan ng intermodal terminal sa QC Circle

Photo courtesy of MMDA

Bubuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng technical working group upang bumalangkas ng masterplan para sa itatayong intermodal terminal sa Quezon City Memorial Circle. Ang nasabing terminal ay itatayo sa lupang pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS) na matatagpuan sa kanto ng Commonwealth Avenue. Layon ng proyekto na magbigay ng mas maayos at… Continue reading MMDA, bubuo ng technical working group para sa masterplan ng intermodal terminal sa QC Circle

PNP, walang na-monitor na banta sa SONA ng Pangulo

Walang na-monitor ang Philippine National Police (PNP) na seryosong banta sa pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22. Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, ang possibleng epekto lang sa trapiko ng seguridad na ipatutupad ng PNP ang kanilang pinag-aaralan upang hindi mahirapan… Continue reading PNP, walang na-monitor na banta sa SONA ng Pangulo

Pamunuan ng Sofitel at mga empleyado nito, nagkasundo na walang aalisin empleyado hanggang sa muling magbalik operasyon

Pumayag na ang Philippine Plaza Holdings, Inc. na walang aalisin na empleyado hanggang sa muling magbalik operasyon ang isinara na Sofitel Hotel. Ito ang resulta ng isinagawang mediation proceedings na pinangunahan ng National Conciliation and Mediation Board ng Department of Labor and Employment sa Maynila. Sa naturang pulong, hiningi ng mga naapektuhan na mga empleyado… Continue reading Pamunuan ng Sofitel at mga empleyado nito, nagkasundo na walang aalisin empleyado hanggang sa muling magbalik operasyon

MMDA, hinikayat ang mga alkalde at kinatawan ng 17 LGUs sa NCR na makilahok sa Metro Manila Shake Drill

Photo courtesy of MMDA

Hinikayat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes ang mga alkalde at kinatawan ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) na makilahok sa malawakang pagsasagawa ng Metro Manila Shake Drill na gaganapin sa July 31. Layon ng nasabing shake drill na mas lalo pang mapahusay ang kasanayan… Continue reading MMDA, hinikayat ang mga alkalde at kinatawan ng 17 LGUs sa NCR na makilahok sa Metro Manila Shake Drill

Pasay City LGU, binigyan ng forum ang mga ama sa lungsod

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng Forum on Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities sa Pasay City Astrodome. Dito tinipon ng pamahalaang lungsod ang mga kalalakihan — mga ama, amahin, at mga tumatayong father figure para sa isang makabuluhang talakayan na may temang “Erpat kong Tapat”. Pinangunahan ito ni Pasay City Mayor Emi Calixto… Continue reading Pasay City LGU, binigyan ng forum ang mga ama sa lungsod

Balete tree sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City, idineklara ng DENR bilang heritage tree

Photo courtesy of Pasig LGU

Isang balete tree na tinatayang nasa pitong dekada na sa Maybunga Rainforest Park sa Lungsod ng Pasig ang idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang Pamanang Puno o “heritage tree.” Ito na ang ika-42 puno na idineklara ng DENR-NCR bilang heritage tree, at ika-apat naman sa lungsod. Pinangunahan ni Mayor Vico Sotto… Continue reading Balete tree sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City, idineklara ng DENR bilang heritage tree

Pasig City Children’s Hospital, isasailalaim sa renovation at conversion para gawing isang general hospital

Nagsagawa ngayong araw ng groundbreaking ceremony para sa renovation at conversion ng Pasig City Children’s Hospital upang maging isang general hospital. Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang seremonya. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng alkalde na nakita nila ang pangangailangan na mapalawak ang serbisyo ng ospital upang mas maraming residente ng lungsod ang mabigyan… Continue reading Pasig City Children’s Hospital, isasailalaim sa renovation at conversion para gawing isang general hospital