NBI, inaresto ang isang lalaking sangkot sa pag hack ng gas account ng food company

Arestado na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa Pasig City dahil sa pag-hack ng gas account ng isang food company at pagnanakaw ng mahigit Php 14 milyong halaga ng gasolina. Sa report ng NBI, pumasok sa Shell Fleet Hub Account ng Gardenia Bakeries Philippines ang suspect na si Gurdeepo Singh Evora… Continue reading NBI, inaresto ang isang lalaking sangkot sa pag hack ng gas account ng food company

Ilang kalsada sa Pasay, pansamantalang isasara sa mga motorista

Nagbigay abiso ang Pamahalaang lungsod ng Pasay sa publiko para sa pansamantalang pagsasara sa Harrison St. at Libertad cor. Arnaiz St. patungong Taft Ave. at Roxas Blvd. Ito ay upang bigyang daan ang pagkumumpuni ng mga nabanggit na kalsada sa lungsod na tinatayang aabutin aniya ng anim na buwan. Dahil dito pinapayuhan ang mga motorista… Continue reading Ilang kalsada sa Pasay, pansamantalang isasara sa mga motorista

Chinese national na nakapasok sa bansa ng walang kahit anong papeles, iniimbestigahan na ng BI

Malalimang pagsisiyasat ang isinasagawa ng Bureau of Immigration para malaman kung paano nakapasok ang isang babaeng Chinese nang walang record ang kawanihan. Ito ay matapos pigilan ang paglabas ng bansa ng 23 anyos na dayuhan sa NAIA T3 noong June 15. Blangko pa rin ang BI kung paano pumasok sa bansa ang Chinese national gayung… Continue reading Chinese national na nakapasok sa bansa ng walang kahit anong papeles, iniimbestigahan na ng BI

Libreng chemo therapy sa Makati, naramdaman na ng halos 9000 pasyente ayon sa alkalde nito

Ipinagmalaki ni Makati Mayor Abby Binay na ang kanilang city-run Ospital ng Makati ay nakapag bigay na ng libreng chemo theraphy sa halos siyam na libong pasyente o 8980 patients simula pa noong 2020. Ayon kay Binay, layon nila na mabigyan ng tamang pangangalaga sa kalusugan ang kanilang mga residente nang hindi inaalala ang gastusin.… Continue reading Libreng chemo therapy sa Makati, naramdaman na ng halos 9000 pasyente ayon sa alkalde nito

Mas pinatinding manhunt operations ng SPD, nag resulta sa pagkaka aresto ng mga high value individuals

Arestado na ng Southern Police District ang 71 high value individuals matapos ang pinatinding manhunt operations nito. Ayon sa SPD, ginawa ang kanilang 20th warrant day nitong June 21 kung saan naaresto nga ang mga most wanted persons sa katimugang bahagi ng kalakhang Maynila. Sa datos na ibinahagi ng SPD, sa nasabing bilang, 11 sa… Continue reading Mas pinatinding manhunt operations ng SPD, nag resulta sa pagkaka aresto ng mga high value individuals

1st Lady Liza Marcos, nanguna sa pag-arangkada muli ng Lab for All program sa Mandaluyong City

Muling isinagawa ang Lab for All program ng Pamahalaan sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) sa Welfareville compound sa Brgy. Addition Hills. Pinangunahan ni First Lady Louise “Liza” Araneta – Marcos ang isinagawang programa kasama sina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos Sr, Vice Mayor Menchie Abalos at DILG Sec. Benhur Abalos Jr. Ang… Continue reading 1st Lady Liza Marcos, nanguna sa pag-arangkada muli ng Lab for All program sa Mandaluyong City

Tradisyunal na basaan kasabay ng “Wattah-Wattah” Festival, nagsimula na

Kasabay ng pagtunog ng mga sirena ng bumbero, ganap nang umarangkada ang tradisyunal na basaan kasabay ng taunang “Wattah-Wattah” Festival sa San Juan City ngayong araw. Sinabayan ito ng sayawan mula sa mga kabataang kalahok sa tinaguriang “watercade” o parada at street dance kasabay ng basaan. Nakaabang naman ang mga residente ng San Juan City… Continue reading Tradisyunal na basaan kasabay ng “Wattah-Wattah” Festival, nagsimula na

Phase 1C ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) project, dinaluhan ng First Couple

Nakiisa si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. at si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa inauguration ng Phase 1C ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) project ngayong araw, na layong muling biglang sigla ang kahabaan ng Pasig River. Ang nasabing proyekto ay bahagi ng pagpapatuloy ng Inter-Agency Council for Pasig River Urban Development (IAC-PRUD) sa… Continue reading Phase 1C ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) project, dinaluhan ng First Couple

First Couple, ininspeksyon ang progreso ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Project ngayong araw

Kapwa sinuri nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang progreso ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Project sa Maynila ngayong araw, na nagsimulang ilunsad ng pamahalaan Enero lamang ngayong taon. Sa isinagawang inspeksyon, binisita ng First Couple ang Phase 1C ng PBBM Project, na nag-uugnay sa showcase area sa likod… Continue reading First Couple, ininspeksyon ang progreso ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Project ngayong araw

Office of the Speaker, nakipag-ugnayan sa DSWD para sa agarang paglalabas ng P2.5 milyong ayuda sa mga nasunugan sa Tondo

Agad nakipag-ugnayan ang tanggapan ni Speaker Martin Romualdez sa DSWD upang mapabilis ang paglalabas mg nasa P2.5 million na tulong pinansyal sa 125 pamilyang nasunugan sa Brgy 58 sa Tondo nitong Hunyo 16. Kada pamilya ay pagkakalooban ng P20,000 na financial aid sa pamamagitan ng AICS na ipapamahagi sa tulong ni Manila 1st District Rep.… Continue reading Office of the Speaker, nakipag-ugnayan sa DSWD para sa agarang paglalabas ng P2.5 milyong ayuda sa mga nasunugan sa Tondo