Toll Regulatory Board, pinaigting ang operasyon sa mga toll expressway bilang paghahanda sa Undas 2024

Bilang paghahanda sa dagsa ng mga motorista sa Undas nagpakalat ang Toll Regulatory Board o TRB Road Safety Team para magbantay sa sitwasyon ng trapiko at suriin ang kahandaan ng Toll Service Facilities. Layon nitong magbigay ng ligtas at maginhawang biyahe sa lahat ng mga motorista. Ayon sa TRB, mayroon ding 24/7 Emergency Vehicle Repair… Continue reading Toll Regulatory Board, pinaigting ang operasyon sa mga toll expressway bilang paghahanda sa Undas 2024

Pamahalaan ng UAE, namahagi ng relief goods sa mga residente ng Barangay Malanday na apektado ng Bagyong #KristinePH

Sinimulan na ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Kristine sa Sta. Teresita Village Court sa Barangay Malanday, Marikina City. Ang donasyon ay binubuo ng 33,000 kahon ng family food packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng delata, bigas, tubig, gatas,… Continue reading Pamahalaan ng UAE, namahagi ng relief goods sa mga residente ng Barangay Malanday na apektado ng Bagyong #KristinePH

Meralco, naka-alerto na sa panahon ng Undas; tiniyak na nakahandang rumesponde sa banta ng Bagyong #LeonPH

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko na handa silang rumesponde sa anumang problema sa kuryente ngayong Undas, sa kabila na rin ng banta ng Bagyong Leon. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, bagama’t sarado ang mga Meralco Business Center sa November 1 at 2, may mga… Continue reading Meralco, naka-alerto na sa panahon ng Undas; tiniyak na nakahandang rumesponde sa banta ng Bagyong #LeonPH

PNP, naka-heightened alert na sa Undas 2024

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa paggunita ng Undas 2024. Dinagdagan din ng PNP ang bilang ng mga pulis na itatalaga upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, aabot sa 21,000 na mga pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar. Kabilang dito ang mga sementeryo, pampublikong… Continue reading PNP, naka-heightened alert na sa Undas 2024

Random drug test ng PDEA sa bus terminal sa PITX, tatlo nagpositibo— LTO

Tatlong driver sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang nagpositibo sa iligal na droga sa ginawang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Drug Check Philippines. Sa ulat ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR), sa kabuuang bilang na sumailalim sa drug test, 86 ang nag negatibo at tatlo ang nag positibo.… Continue reading Random drug test ng PDEA sa bus terminal sa PITX, tatlo nagpositibo— LTO

Paglipat sa voter registration ng mag-asawang Lino at Fille Cayetano, ibinasura ng COMELEC-Taguig

Ibinasura ng COMELEC-Taguig ang inihaing aplikasyon ni dating Mayor Lino Cayetano at asawa nitong si Fille para ilipat ang kanilang rehistro sa pagka-botante ng lungsod. Nais kasi ng mag-asawa na ilipat ang kanilang voter registration sa unang distrito mula sa ikalawang distrito. Sa 24 na pahinang desisyon, sinuri ng Lokal na COMELEC ang paliwanag ng… Continue reading Paglipat sa voter registration ng mag-asawang Lino at Fille Cayetano, ibinasura ng COMELEC-Taguig

Seguridad sa mga bus terminal, nakalatag na para sa dagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsiya

Nakalatag na sa iba’t-ibang bus terminal ang mga tauhan ng Quezon City Police District dalawang araw bago ang Undas. Ayon kay QCPD Acting Director PCol Melecio Buslig Jr., inaasahan ang dagsa ng pasahero na magsisiuwian sa probinsya at simula ngayong araw hanggang bukas. Sa 5 Star Bus Terminal, pansin na ang pag dating ng mga… Continue reading Seguridad sa mga bus terminal, nakalatag na para sa dagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsiya

Pasig River Ferry Service, tigil operasyon ngayong UNDAS

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tigil-operasyon ang Pasig River Ferry Service sa unang 2 araw ng Nobyembre. Ito’y bilang pagbibigay daan sa mga tauhan ng Pasig River Ferry Service na makasabay sa paggunita ng mga Pilipino sa UNDAS. Dahil dito, hanggang bukas, Oktubre 31 na lamang ang regular na operasyon… Continue reading Pasig River Ferry Service, tigil operasyon ngayong UNDAS

MMDA, umapela sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo ngayong Undas

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo at kolumbaryo sa Metro Manila. Maaga pa lamang, sinimulan na ng MMDA ang paglilinis sa paligid ng mga sementeryo sa pangunguna ng Metro Parkways Clearing Group. Ipakakalat ang mga naturang tauhan ng MMDA sa mga sementeryo hanggang sa November… Continue reading MMDA, umapela sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo ngayong Undas

Higit 4.7k tauhan ng QCPD, ipakakalat sa araw ng Undas

Nakahanda na ang deployment plan ng Quezon City Police District para matiyak ang seguridad sa paparating na Undas 2024. Sa QC Journalists Forum, sinabi ni QCPD Acting Chief PCol. Melecio Buslig Jr. na aabot sa 4,786 personnel ang ipakakalat sa mga sementeryo at kolumbaryo gayundin sa mga terminal ng bus, mga istasyon ng tren at… Continue reading Higit 4.7k tauhan ng QCPD, ipakakalat sa araw ng Undas