“LAB for ALL” ng Unang Ginang, nagdala ng serbisyo ng gobyerno sa Lucena City

Dinayo ng “LAB for ALL Caravan” ang mga residente sa Lucena City sa Quezon Province para maghatid ng tulong mula sa gobyerno. Mismong si Unang Ginang Liza Araneta Marcos, kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga kapus-palad. Ang… Continue reading “LAB for ALL” ng Unang Ginang, nagdala ng serbisyo ng gobyerno sa Lucena City

Taguig City Mayor Lani Cayetano, binisita ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay West Rembo

Binisita ni Mayor Lani Cayetano ang 18 indibiduwal mula sa apat na pamilya na naapektuhan ng sunog, na pansamantala munang nanunuluyan sa barangay hall. Ang mga apektadong residente ay agad binigyan ng Taguig Social Welfare and Development Office ng paunang tulong para sa kanilang muling pag-uumpisa ng kanilang buhay. Muling pinaalalahan ni Mayor Lani ang… Continue reading Taguig City Mayor Lani Cayetano, binisita ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay West Rembo

DA, nagpatupad ng import ban sa poultry products mula Belgium at France dahil sa bird flu outbreak

Simula kahapon Enero 8, ipinagbawal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga manok at iba pang produkto nito mula sa Belgium at France. Batay sa ulat ng DA, apektado ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) ang mga manok kabilang ang wild birds sa nasabing mga bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu… Continue reading DA, nagpatupad ng import ban sa poultry products mula Belgium at France dahil sa bird flu outbreak

League of Municipalities Albay Chapter at Ako Bicol Party-list, itinangging may abutan ng pera sa pulong ng planong People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon

Kapwa itinanggi nina AKO BICOL Party-list Representative Raul Angelo “Jil” Bongalon at Polangui, Albay Mayor Raymond Adrian Salceda, Presidente ng League of Municipalities-Albay Chapter, ang alegasyon na nagkaroon ng bayaran sa ginawang pulong tungkol sa itinutulak na People’s Initiative para amyendahan ang Saligang Batas. Ito’y matapos isiwalat ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman na… Continue reading League of Municipalities Albay Chapter at Ako Bicol Party-list, itinangging may abutan ng pera sa pulong ng planong People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon

Transportation Sec. Bautista, pinasalamatan ang CAAP sa matagumpay na pagsasagawa ng Oplan Biyaheng Ayos 2023

Pinasalamatan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa maayos na pamamalakad nito hinggil sa maayos na air traffic system, at sa mga pasilidad ng paliparan na hawak nito, sa isinagawang Oplan Biyaheng Ayos 2023 nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon. Kung saan umabot sa 280,000 ang kabuuang bilang… Continue reading Transportation Sec. Bautista, pinasalamatan ang CAAP sa matagumpay na pagsasagawa ng Oplan Biyaheng Ayos 2023

4Ps, KALAHI-CIDSS beneficiaries, pinapurihan ng DSWD sa ginanap na nationwide clean-up

Pinapurihan ng Department of Social Welfare and Development ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programat KapitBisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services dahil sa kanilang masigasig na partisipasyon sa nationwide clean-up drive nitong nakaraang Enero 6, 2024. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang nasabing clean-up drive na tinawag na… Continue reading 4Ps, KALAHI-CIDSS beneficiaries, pinapurihan ng DSWD sa ginanap na nationwide clean-up

Mga electric coop na naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Occidental, pinagsusumite ng status report ng NEA

Pinagsusumite ng status report ng National Electrification Administration ang lahat ng electric cooperatives na naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Occidental kaninang madaling araw. Ayon sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, kailangan maipadala ang damage at power situation reports hanggang ngayong hapon. Kasabay nito, inatasan ang mga EC na ibalik agad ang… Continue reading Mga electric coop na naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Occidental, pinagsusumite ng status report ng NEA

Pangulong Marcos Jr., mahigpit na tututukan ang pagpapatuloy ng clean-up program sa buong bansa

Sisiguruhin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” nationwide clean-up program, mula sa mga barangay at youth officials sa buong bansa. Ayon sa Pangulo, kada buwan, susukatin ng pamahalaan ang performance ng bawat barangay council sa pagsusulong at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kanilang lugar. “Ano ba ang… Continue reading Pangulong Marcos Jr., mahigpit na tututukan ang pagpapatuloy ng clean-up program sa buong bansa

127 bagong istasyon ng pulis sa buong bansa, itatayo ngayong taon

Target ng Philippine National Police (PNP) na magtayo ng 127 bagong istasyon ng pulis sa buong bansa ngayong taon. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ay para maging mas epektibo ang PNP sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at kaayusan sa mga mamamayan. Sa pamamagitan din aniya ng mga karagdagang istasyon ay… Continue reading 127 bagong istasyon ng pulis sa buong bansa, itatayo ngayong taon

Pagbili ng mga modernong jeepney, nasa mga kooperatiba ang desisyon, hindi sa gobyerno — LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi nito maaaring diktahan kung anong brand o modelo ng jeepney units ang kukunin ng mga kooperatiba at operator bilang pagsunod sa public utility vehicle modernization program (PUVMP). Sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na “walang say” ang LTFRB o ang gobyerno kung anong unit… Continue reading Pagbili ng mga modernong jeepney, nasa mga kooperatiba ang desisyon, hindi sa gobyerno — LTFRB