Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

Naramdaman na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga bilog na prutas sa ilang pamilihan sa Quezon City. Napansin ito ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa Farmers Market sa Cubao Quezon City, nasa P280 hanggang P300 na ang kada kilo ng carabao mango, P40 ang kada isang piraso ng mansanas, at mayroon… Continue reading Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

Pagkakaroon ng isang National Missing Persons Database, itinutulak ng Iloilo lawmaker

Upang mapadali ang muling pagsasama ng mga magkakapamilyang nawalay, ipinapanukala ng isang mambabatas ang pagtatatag ng isang National Missing Persons Database at pagkakaroon ng libreng DNA testing. Sa House Bill 9529 o National Missing Persons Database and DNA Testing Act ni Iloilo Representative Julienne Baronda, magkakaroon ng isang central repository ng lahat ng impormasyon patungkol… Continue reading Pagkakaroon ng isang National Missing Persons Database, itinutulak ng Iloilo lawmaker

Higit 500,000 MT ng imported rice darating ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero

Humigit-kumulang 76,000 metric tons ng bigas mula sa Taiwan at India ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ng Disyembre at sa unang bahagi ng Enero. Nauna nang nagsimulang dumating ang mga butil na inangkat ng private sector bilang paghahanda sa masamang epekto ng El Niño weather phenomenon. Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary… Continue reading Higit 500,000 MT ng imported rice darating ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero

Ayuda program na nakapaloob sa 2024 budget, makatutulong sa vulnerable sector na posibleng maaapektuhan ng El Niño

Positibo si House Minority Leader Marcelino Libanan na malaking tulong para sa mga mahihirap at vulnerable sector ang pinalawig na ayuda program ng pamahalaan na nakapaloob sa 2024 national budget. Ayon sa mambabatas, mahalaga ito lalo na at posibleng magdulot ng pagtaas sa presyo ng bilihin ang epekto ng El Niño sa mga tanim at… Continue reading Ayuda program na nakapaloob sa 2024 budget, makatutulong sa vulnerable sector na posibleng maaapektuhan ng El Niño

Mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng Bagong Taon, pinaalalahanan ng PNP na mag-report sa pinakamalapit na himpilan

Pinaalalahanan ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng Bagong Taon na mag-report sa kanilang pinakamalapit na himpilan ng pulis. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ito ay upang masiguro ang maximum deployment ng mga pulis para sa… Continue reading Mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng Bagong Taon, pinaalalahanan ng PNP na mag-report sa pinakamalapit na himpilan

DILG Sec. Abalos, muling nanawagan para sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon

Nanawagan sa local government units (LGUs) si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mahigpit na ipatupad ang kanilang mga ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng mga mapaminsalang paputok. Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng komunidad, at mabawasan kung hindi man tuluyang maalis ang mga pinsalang nauugnay sa pyrotechnics bago… Continue reading DILG Sec. Abalos, muling nanawagan para sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon

2 arestado dahil sa iligal na pagbebenta ng online na paputok online

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang indibidwal sa Caloocan City dahil sa pagbebenta ng mga paputok online. Sa panayam ng media kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief, Police Colonel Jay Guillermo, nahuli ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa noong Disyembre 19 at 21. Kinilala ang mga… Continue reading 2 arestado dahil sa iligal na pagbebenta ng online na paputok online

PH Army, naka-alerto sa posibleng paghihiganti ng NPA kasunod ng engkwentro sa Bukidnon

Naka-alerto ngayon ang Philippine Army sa posibleng paghihiganti ng New People’s Army (NPA) kasunod ng engkwentro sa Malaybalay, Bukidnon noong araw ng Pasko. Sa naturang enkwentro, siyam na miymebro ng teroristang grupo ang nasawi nang makasagupa nila ang mga tropa ng 403rd Infantry Brigade sa ilalim ng 4th Infantry Division. Ayon kay 4th Infantry Division… Continue reading PH Army, naka-alerto sa posibleng paghihiganti ng NPA kasunod ng engkwentro sa Bukidnon

Mga magulang at guardians sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program, nakatanggap na ng Cash for Work

Tinanggap na ng may 2,000 magulang at guardians ng mga estudyanteng benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program ang kanilang cash-for-work mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Isinagawa ang payout ng DSWD sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater ngayong araw. Kapalit ng pagdalo sa Nanay-Tatay learning sessions, binibigyan ng kabayaran na P235 kada… Continue reading Mga magulang at guardians sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program, nakatanggap na ng Cash for Work

4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dulot ng masamang panahon. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 504/505/506 at 507 na pawang mga biyaheng Maynila patungong Tuguegarao at pabalik. Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero… Continue reading 4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon