Naval Forces West, nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagagumpay na paghatid ng pamasko sa mga tropa sa WPS

Nagpasalamat ang Naval Forces West (NFW) sa lahat ng sponsor, organisasyon, partner at stakeholder na nakiisa sa matagumpay na paghahatid ng pamasko sa mga tropang naka-deploy sa 9 na outpost ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea. Ang misyon na isinagawa kasabay ng regular na Rotation Operation at Resupply at maritime patrol… Continue reading Naval Forces West, nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagagumpay na paghatid ng pamasko sa mga tropa sa WPS

PNP, nagpaalala sa pagpo-post ng mga personal na aktibidad sa social media

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko, partikular ang mga bakasyonista, na mag-ingat sa pagpo-post ng mga personal na aktibidad sa social media. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, partikular na dapat iwasan ang ATM o “at the moment” post. Dapat din aniyang iwasan ang pag-post ng… Continue reading PNP, nagpaalala sa pagpo-post ng mga personal na aktibidad sa social media

Pasig City Mayor Vico Sotto, naglabas ng paalala laban sa mga naglipanang scammer ngayong holiday season

Inalerto ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang mga nasasakupan patungkol sa naglipanang scam. Ito’y matapos nilang madiskubre na sangkot sa hindi awtorisadong pagpapautang ang clothing company na BNY na aniya’y isang registered wholesaler. Sa isang vlog, inisa-isa ni Mayor Sotto ang mga palatandaan na dapat tingnan kung scam ang isang negosyo. Una, may pangako… Continue reading Pasig City Mayor Vico Sotto, naglabas ng paalala laban sa mga naglipanang scammer ngayong holiday season

Daloy ng trapiko sa Marcos Highway, tuloy-tuloy na muli matapos maialis ang mga nagtumbahang poste ng kuryente

Bukas na muli sa daloy ng trapiko ang magkabilang lane ng Marcos Highway na sakop ng Brgy. Barangka sa Marikina City. Inabot ng mahigit dalawang oras bago nabuksan sa trapiko ang naturang kalsada matapos bumagsak ang dalawang poste ng mga telco habang tumagilid naman ang dalawang iba pang poste. Mag-aalas onse kagabi nang isang truck… Continue reading Daloy ng trapiko sa Marcos Highway, tuloy-tuloy na muli matapos maialis ang mga nagtumbahang poste ng kuryente

Pambansang pondo sa susunod na taon, magsisilbing pro-poor at pro-growth budget

Para kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, ang bagong lagdang ₱5.768-trillion 2024 national budget ay isang pro-poor at pro-growth budget na makakapagpabuti sa buhay ng mga Pilipino at makapagpapa-angat sa ekonomiya ng bansa. Tinukoy nito na pasok sa 2024 budget ang dinobleng pondo para sa pensyon ng mga mahihirap na senior citizens para mula sa… Continue reading Pambansang pondo sa susunod na taon, magsisilbing pro-poor at pro-growth budget

5 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang lima pang baybayin sa bansa. Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa mga karagatan ng Pontevedra sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa… Continue reading 5 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Presyo ng lechong baboy sa La Loma, QC, nagtaas na

Tatlong araw bago ang Pasko, nagtaas na ang presyo ng ibinebentang lechong baboy sa ilang tindahan sa La Loma sa Quezon City na siyang kilalang Lechon Capital sa bansa. Sa pag-iikot ng RP1 team sa ilang lechonan, naglalaro na sa ₱500-₱1000 ang itinaas sa presyo ng lechon sa ilang tindahan depende pa sa laki. Ang… Continue reading Presyo ng lechong baboy sa La Loma, QC, nagtaas na

Oplan Bantay-Biyahe ng LTFRB, umarangkada na ngayong holiday season

Nakatutok na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampubliko at pampribadong terminal sa iba’t ibang sulok ng bansa ngayong ramdam na ang holiday exodus. Ito ay bahagi ng “Oplan Bantay-Biyahe Pasko 2023” ng ahensya tungo sa isang ligtas at komportableng pampublikong transportasyon sa pagsapit ng Pasko ngayong taon. Kaugnay nito, nag-iikot… Continue reading Oplan Bantay-Biyahe ng LTFRB, umarangkada na ngayong holiday season

Lagay ng trapiko sa NLEX, normal pa ngayong umaga

Hindi pa lubusang ramdam ngayong umaga ang buhos ng mga motoristang bumibyahe palabas ng Metro Manila para sa holiday season. Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX (North Luzon Expressway – Subic-Clark-Tarlac Expressway), as of 6am ay normal pa ang daloy ng mga sasakyan sa NLEX partikular sa RFID lanes. Bagamat may 100 metrong pila lang ng… Continue reading Lagay ng trapiko sa NLEX, normal pa ngayong umaga

Plano ng gobyerno sa pagresolba sa problema sa trapiko, nais silipin ni Sen. Joel Villanueva

Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magkaroon ng Senate Inquiry para masilip ang mga programa at proyekto ng pamahalaan sa pagresolba ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila at iba pang lungsod sa Pilipinas. Sa inihaing Senate Resolution 859 ni Villanueva, tinukoy nitong mayroong personal, social, environmental, at economic impact ang traffic… Continue reading Plano ng gobyerno sa pagresolba sa problema sa trapiko, nais silipin ni Sen. Joel Villanueva