DOT, patuloy na palalakasin ang komportableng tourism experience sa Pilipinas

Patuloy na palalakasin ng Department of Tourism ang komportableng tourism experience at mas makapanghikayat pa ng mas maraming dayuhang turista sa bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga national government agencies tulad ng Department of Foreign Affairs ay Bureau of Immigration sa pagpapabilis ng proseso ng visa sa mga foreign… Continue reading DOT, patuloy na palalakasin ang komportableng tourism experience sa Pilipinas

Hungary at Austria, nangangailangan ng 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa — DMW

Nangailangan ang mga bansang Hungary at Austria ng nasa 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa. Ayon kay Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Atty. Patricia Yvonne Caunan, nakipag-usap na silasa naturang mga bansa at bukod sa trabahong alok, ay nais din nilang magbigay ng scholarship at training program sa mga Pinoy.… Continue reading Hungary at Austria, nangangailangan ng 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa — DMW

DOTr, bubuksan ang kanilang tanggapan hanggang weekend para sa mga nais pang humabol sa PUV Consolidation

Upang mas marami pang makahabol sa deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicles (PUVs), bubuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tangapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Office of Transportation Cooperative hanggang Sabado at Linggo. Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy Batan, layon ng kanilang pagbubukas ng kanilang mga tanggapan over… Continue reading DOTr, bubuksan ang kanilang tanggapan hanggang weekend para sa mga nais pang humabol sa PUV Consolidation

₱5,000 Productivity Enhancement Incentive, tatanggapin ng mga tauhan ng PNP

Makatatanggap ngayong araw ang mga aktibong Philippine National Police (PNP) personnel ng ₱5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI). Ito ang kinumpirma ni PNP Director for Comptrollership Police Major General Rommel Francisco Marbil. Ang distribusyon ng PEI ay alinsunod sa guidelines ng Section 6 ng Executive Order (EO) 201, para sa lahat ng kwalipikadong empleyado ng gobyerno.… Continue reading ₱5,000 Productivity Enhancement Incentive, tatanggapin ng mga tauhan ng PNP

Joint memo circular para sa paglalaan ng programa sa senior citizens at PWDs, nilagdaan

Para mas mapangalagaan pa ang kapakanan ng mga senior citizen at Persons with Disability, lumagda sa isang Joint Memorandum Circular (JMC) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Budget and Management (DBM) para mapatatag ang mga programa na nakatutok sa naturang sektor. Ito ay alinsunod na rin sa Section 36 ng… Continue reading Joint memo circular para sa paglalaan ng programa sa senior citizens at PWDs, nilagdaan

Nationwide Simultaneous Wreath-Laying Ceremony, pinangunahan ni Gen. Brawner

Nag-alay ng bulaklak para sa “fallen soldiers” si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig ngayong umaga. Bahagi ito ng nationwide wreath-laying ceremony sa iba’t ibang kampo militar kaugnay ng pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP sa Disyembre 21. Sa kanyang… Continue reading Nationwide Simultaneous Wreath-Laying Ceremony, pinangunahan ni Gen. Brawner

Suporta sa AFP para maprotektahan ang bansa, siniguro

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang bansa. Ang pahayag na ito ni Romualdez ay kasabay ng inorganisang HOR-AFP Fellowship sa pangunguna ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner. Bukod kay… Continue reading Suporta sa AFP para maprotektahan ang bansa, siniguro

MMDA, pinasinayaan ang bagong Metro Manila Film Fest auditorium

Pinasinayaan ng Metro Manila Develoment Authority (MMDA) ang bagong Metro Manila Film Fest Auditorium bilang pagsuporta sa mga pelikulang lumalahok sa inaabangang film fest sa bansa tuwing Pasko. Dumalo ang mga sikat na artista sa bansa tulad nila Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Derek Ramsey, Alden Richards, Eugene Domingo, Enchong Dee, Alessandra de… Continue reading MMDA, pinasinayaan ang bagong Metro Manila Film Fest auditorium

Mas maikling oras ng biyahe sa MRT-3, ipatutupad sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Inilabas na ng MRT-3 management ang iskedyul ng biyahe ng mga tren sa bisperas ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon sa pamunuan ng MRT-3, hanggang 7:45 lamang ng gabi ang huling biyahe sa December 24 at December 31 para sa North Avenue Station habang 8:23 naman ng gabi sa Taft Avenue Station. Pagsapit… Continue reading Mas maikling oras ng biyahe sa MRT-3, ipatutupad sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Healthy Philippines Alliance, pinaghihinay-hinay ang publiko sa pagkain ng sobra ngayong holiday season

Ngayong kaliwa’t kanan ang mga Christmas party ay nagpaalala ang Healthy Philippines Alliance (HPA), network ng civil society organizations sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain ng marami lalo ng mga unhealthy food upang maiwasang tamaan ng noncommunicable diseases (NCDs). Ayon sa HPA, hangga’t maaari ay iwasan ang pagkain ng sobra ng mga mataas sa sugar… Continue reading Healthy Philippines Alliance, pinaghihinay-hinay ang publiko sa pagkain ng sobra ngayong holiday season