Seguridad sa mga terminal ng bus, paiigtingin pa ng DOTr, kasunod ng pamamaril sa isang bus sa Nueva Ecija

Paiigtingin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang ipinatutupad nitong seguridad sa mga terminal ng bus upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero nito. Inihayag ito ng kagawaran kasunod ng insidente ng pamamaril sa dalawang pasahero ng isang bus sa Carranglan, Nueva Ecija na pabiyahe sanang Maynila. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista,… Continue reading Seguridad sa mga terminal ng bus, paiigtingin pa ng DOTr, kasunod ng pamamaril sa isang bus sa Nueva Ecija

Pagpapalawak ng TUPAD program, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero

Iminumungkahi ni Senador Chiz Escudero sa Department of Labor and Employment (DOLE) na palawakin ang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mga biktima ng mga kalamidad. Sa plenary deliberations ng panukalang 2024 budget ng DSWD, isinulong ni Escudero na humugot ng P500 million mula sa calamity… Continue reading Pagpapalawak ng TUPAD program, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero

Fish kill sa Cavite, dulot ng algal bloom — BFAR

Ang presensya ng algal bloom o labis-labis na lumot ang nakikitang rason ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa nangyaring fish kill sa Cañacao Bay, Cavite City nitong Lunes. Ayon sa BFAR, ito ang lumabas sa kanilang inisyal na assessment sa lugar kung saan tone toneladang blackchin tilapia ang namataang nagsilutangan. Paliwanag ni… Continue reading Fish kill sa Cavite, dulot ng algal bloom — BFAR

Pagbebenta ng Philippine Birth Certificate sa mga dayuhang Chinese, itinuturing ng NSC na ‘national security threat’

Itinuturing ng National Security Council (NSC) na seryosong banta sa pambansang seguridad ang pagbebenta sa mga dayuhan ng Philippine Birth Certificate. Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, madaling nakakakuha ng pekeng birth certificate ang mga dayuhan, na karamihan ay mga Chinese, mula sa mga Civil Registrar sa… Continue reading Pagbebenta ng Philippine Birth Certificate sa mga dayuhang Chinese, itinuturing ng NSC na ‘national security threat’

AJEX-DAGITPA, matagumpay na magtatapos ngayong araw

Isasagawa ngayong umaga ang closing ceremonies ng Armed Forces of the Philippines Joint Exercise Dagat Langit at Lupa (AJEX-DAGITPA) sa Camp Aguinaldo. Panauhing pandangal sa seremonya si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na kakatawanin ni DND Sr. Undersecretary Irineo Espino. Dadalo rin sa aktibidad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice… Continue reading AJEX-DAGITPA, matagumpay na magtatapos ngayong araw

PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maii-stranded kaalinsabay ng tigil-pasada sa Lunes

Handa ang Philippine National Police (PNP) para sa posibleng epekto na dulot ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON sa Lunes, November 20. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, mayroon naman silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga motorista gayundin sa mga pasaherong maaabala dahil dito. Gagamitin… Continue reading PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maii-stranded kaalinsabay ng tigil-pasada sa Lunes

Nilagdaang kasunduan sa AI-powered weather forecasting, malaking tulong sa Pilipinas — Speaker Romualdez

Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang partnership sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at Atmos, Inc. sa paggawa ng AI-powered weather forecasting para sa buong bansa. Maliban kasi aniya sa disaster risk resiliency ay makatutulong din ito sa sektor ng agrikultura, maritime safety, paglinang ng imprastraktura, at turismo. “This welcome initiative… Continue reading Nilagdaang kasunduan sa AI-powered weather forecasting, malaking tulong sa Pilipinas — Speaker Romualdez

Pres. Marcos Jr. at Chinese Pres. Xi Jin Ping, magkakaroon ng pagkakataong makapag-usap ngayong araw tungkol sa West Philippine Sea

Mag-uusap sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jin Ping, ngayong araw tungkol sa usapin sa West Philippine Sea. Sa ibinahaging post ni Pangulong Marcos, sinabi nitong magkakaroon sila ng pag-uusap ng Chinese leader habang nagbahagi din ito ng naging laman ng kanilang pagkikita kahapon ni US Vice President Kamala Harris sa… Continue reading Pres. Marcos Jr. at Chinese Pres. Xi Jin Ping, magkakaroon ng pagkakataong makapag-usap ngayong araw tungkol sa West Philippine Sea

2 nuclear agreement sa pagitan ng Pilipinas at US, hakbang patungo sa mas mura, malinis at pangmatagalang kuryente para sa mga Pilipino —Speaker Romualdez

Pinapurihan Speaker Martin Romualdez ang dalawang kasunduan tungkol sa nuclear energy na naselyuhan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika. Aniya, hakbang ito para makamit ang mas mura, malinis at pangmatagalang suplay ng kuryente para sa mga Pilipino. Personal na sinaksihan ng Pangulo ang makasaysayang paglagda sa kasunduuan sa pagitan ng Meralco… Continue reading 2 nuclear agreement sa pagitan ng Pilipinas at US, hakbang patungo sa mas mura, malinis at pangmatagalang kuryente para sa mga Pilipino —Speaker Romualdez

Umano’y planong impeachment kay VP Sara Duterte, fake news

Pinabulaanan ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang umuugong na mga balita na may ihahaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Diin ni Dalipe, walang basehan ang mga balita na pinaplano ng ilang mambabatas na maghain ng impeachment complaint laban sa bise presidente. Ayon kay Dalipe, ang mga tsismis na ito ay layon… Continue reading Umano’y planong impeachment kay VP Sara Duterte, fake news