Pulis na suspek sa pagkawala ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon, humarap kay PNP Chief Acorda

Humarap na kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. si Police Major Allan De Castro, ang pulis na sinasabing karelasyon umano ni Ms. Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon ng Batangas. Ito ang kinumpirma ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Police Major General Romeo Caramat Jr. matapos ipatawag ni… Continue reading Pulis na suspek sa pagkawala ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon, humarap kay PNP Chief Acorda

Karagdagang 1,000 units ng handheld ticketing device, nakatakdang bilhin ng MMDA para sa iba’t ibang LGU sa Metro Manila

Inaasahang maipatutupad na sa buong National Capital Region (NCR) ang Single Ticketing System bago matapos ang taong kasalukuyan. Ito’y ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes ay dahil sa naplantsa na rin ng iba pang mga LGUs ang digital payment channels at customization ng mga ipinamahaging handheld ticketing device. Ayon… Continue reading Karagdagang 1,000 units ng handheld ticketing device, nakatakdang bilhin ng MMDA para sa iba’t ibang LGU sa Metro Manila

Pahayag ng UN rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC, inalmahan ni Sec. Año

Inalmahan ni National Security Advisor at National Task Force to End the Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Chairperson Secretary Eduardo Año ang panawagan ni UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry na buwagin ang NTF-ELCAC kaugnay ng isyu sa climate change.  Sa isang statement, sinabi ni Año na ang panawagan ni Dr. Fry na… Continue reading Pahayag ng UN rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC, inalmahan ni Sec. Año

Pulis na suspek sa pagkawala ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon, humarap kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Humarap na kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen Benjamin Acorda Jr. si P/Maj. Allan De Castro, ang pulis na sinasabing karelasyon umano ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon ng Batangas. Ito ang kinumpirma ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, P/MGen. Romeo Caramat Jr. matapos ipatawag ni Acorda si De… Continue reading Pulis na suspek sa pagkawala ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon, humarap kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Dagdag pondo para sa Marawi Compensation Board, isinusulong ni Senador Robin Padilla

Pinatitiyak ni Senador Robin Padilla sa pamahalaan na magkakaroon ng sapat na pondo para sa compensation program para sa mga biktima ng 2017 Marawi seige. Sa kanyang naging interpellation sa panukalang 2024 budget ng Marawi Compensation Board, iginiit ni Padilla na dapat nang madaliin ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Marawi seige. Babala… Continue reading Dagdag pondo para sa Marawi Compensation Board, isinusulong ni Senador Robin Padilla

3 rehiyon sa bansa, hindi pa nagpapatupad ng dagdag pasweldo sa mga manggagawa

Tatlong rehiyon na lang sa bansa ang hindi pa nagpapatupad ng taas sahod sa mga manggagawa. Sa budget deliberation ng Senado para sa panukalang 2024 budget ng Department of Labor and Employment (DOLE), tinanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang estado ng mga petisyon para sa taas-sweldo na nakabinbin sa mga regional wage boards.… Continue reading 3 rehiyon sa bansa, hindi pa nagpapatupad ng dagdag pasweldo sa mga manggagawa

Amnesty program para sa mga benepisyaryo ng government housing program na atrasado sa renta, ipinapanukala

Photo by Rep. Florida Robes FB page

Isang panukala ang inihain ni San Jose Del Monte Bulacan Representative Florida Robes upang matulungan ang mga benepisyaryo ng pabahay projects ng gobyerno, na bigong mabayaran ang kanilang buwanang amortization o association dues na nauuwi sa pagbebenta o pagpapaupa ng naturang mga unit. Sa kaniyang House Bill 1925 o National Housing Authority (NHA) Amnesty and… Continue reading Amnesty program para sa mga benepisyaryo ng government housing program na atrasado sa renta, ipinapanukala

P2.9-M na bagong tablets, makatutulong sa anti-drug campaign ng DILG

Tatlong daang (300) bagong tablets ang tinanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mula sa Cherry Mobile Philippines. Ang donasyong gadgets na nagkakahalaga ng mahigit P2.9 million ay para sa mga piling community-based drug rehabilitation centers. Bahagi ito ng napagkasunduan ng DILG at mobile firm upang mapalakas ang partnership para sa Buhay… Continue reading P2.9-M na bagong tablets, makatutulong sa anti-drug campaign ng DILG

Paglabas ng ‘summon’ ng QC Prosecutor laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, normal na proseso lamang – DOJ

Nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na normal na proseso sa pisklaya ang pagpapatawag sa isang inirereklamo sa pamamagitan ng summon.  Sagot ito ni Sec. Remulla matapos maglabas ng subpoena ang Quezon City Prosecutor’s Office laban kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa kasong grave threat na isinampa ni Alliance of Concern Teacher… Continue reading Paglabas ng ‘summon’ ng QC Prosecutor laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, normal na proseso lamang – DOJ

QC LGU, tinututukan na ang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa lungsod

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Lungsod Quezon. Dahil dito, nagsasagawa na ng case investigation ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit para labanan ang HFMD. Ginawa ang hakbang upang matukoy ang mga indibidwal na nakakaranas ng mga sintomas, at mapigilan ang patuloy na hawaan ng sakit… Continue reading QC LGU, tinututukan na ang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa lungsod