MMDA, iimbestigahan ang insidente ng pagkakahuli sa sasakyan ng ilang mambabatas na dumaan sa EDSA Busway

Iniimbestighan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakadawit ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., kaninang umaga. Ito ay makaraang mahuli ng mga tauhan ng MMDA ang sasakyan umano ni Revilla na iligal na dumaan sa EDSA Busway, kung saan sinasabing nakita umanong sakay ang Senador. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes,… Continue reading MMDA, iimbestigahan ang insidente ng pagkakahuli sa sasakyan ng ilang mambabatas na dumaan sa EDSA Busway

Magnificent 7 na transport group, ‘di sasali sa tigil pasada sa susunod na linggo 

Walang planong makiisa ang tinaguriang Magnificent 7 na transport group sa ikinakasang tigil pasada ng grupong Pinagkaisahang Samahan ng Transportasyon at Operators Nationwide o PISTON.  Ayon kay Orlando Marquez, Pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP, hindi nila suportado ang tigil pasada dahil lagi namang bukas ang pintuan ng Department of… Continue reading Magnificent 7 na transport group, ‘di sasali sa tigil pasada sa susunod na linggo 

3 sarhento, inaresto ng IMEG sa robbery extortion

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang tatlong aktibong pulis ng Rodriguez Municipal Police station, matapos ireklamo ng pangingikil ng P100,000. Kinilala ang mga suspek na sina: PSMS Jose Reyes; PSSg Ramel Delorino at PSSg Glenn Libres na nahuli sa entrapment operation sa 289 Linco Street, Brgy… Continue reading 3 sarhento, inaresto ng IMEG sa robbery extortion

VP Sara Duterte, nagpasalamat sa lahat ng bumubuo ng OVP ngayong ika-88 taong anibersaryo ng opisina

Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa lahat ng suporta sa bumubuo ng Office of the Vice President (OVP). Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Ika-88 Anibersaryo ng OVP ngayong araw. Sa mensahe ni VP Sara, nagpaabot ito ng pagbati sa lahat ng kaniyang kasamahan sa OVP mula sa central office hanggang sa mga satellite… Continue reading VP Sara Duterte, nagpasalamat sa lahat ng bumubuo ng OVP ngayong ika-88 taong anibersaryo ng opisina

Pamilya ng nawawalang Batangas beauty queen, nagbigay ng DNA sample sa PNP

Nakakuha na ng DNA sample ang Philippine National Police (PNP) mula sa pamilya ng nawawalang Batangas beauty Queen na si Catherine Camilon. Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A chief, Police Colonel Jacinto Malinao Jr., sumailalim ang mga magulang at kapatid ni Camilon sa Buccal Swab Collection ng Batangas Forensic Unit kahapon.… Continue reading Pamilya ng nawawalang Batangas beauty queen, nagbigay ng DNA sample sa PNP

Single Ticketing System, inilunsad sa Lungsod ng San Juan

Pormal nang ipatutupad ang Single Ticketing System sa Lungsod ng San Juan o ang pinag-isang multa para sa mga traffic violation. Pinangunahan ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes at Land Transportation Office (LTO) Regional Director Atty. Noreen San Luis-Lutey ang ceremonial… Continue reading Single Ticketing System, inilunsad sa Lungsod ng San Juan

LTFRB, magpupulong hinggil sa nakaambang na transport strike sa Lunes

Kinumpirma ni Celine Pialago, bagong tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon ng pulong ngayong araw ang mga opisyal ng ahensya upang talakayin ang mga hakbang sa nakaambang na transport strike ng grupong PISTON. Ayon kay Pialago, pangungunahan ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang pulong kasama ang mga miyembro ng… Continue reading LTFRB, magpupulong hinggil sa nakaambang na transport strike sa Lunes

Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang panukala para i-tap ang sobrang pondo ng mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporations pampondo sa unprogrammed funds. Salig sa House Bill 9513 na inihain ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, aamyendahan ang RA 11936 o 2023 General Appropriations Act kung saan nagdagdag ng criterion o… Continue reading Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Malugod na tinanggap ni Philippine Army Vice Commander Brig. Gen. Leodevic B. Guinid ang pagbisita ni United States Army Pacific (USARPAC) Deputy Commanding General, Lt. Gen. James B. Jarrard, sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig kahapon. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napag-usapan ang mga nakalinyang bilateral activity sa pagitan ng dalawang pwersa. Ito… Continue reading US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM

Photo courtesy of PNA by Alfred Frias

Mainit ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng mga Pinoy na nagtipon-tipon sa San Francisco Conference Center para sa filcom event. Hindi magkamayaw ang mga Pilipinong nagsama-sama sa pagsalubong sa Punong Ehekutibo na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Amerika na sinadya ang San Francisco para makadaupang palad ang Pangulo. Sa… Continue reading Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM