DSWD, naghanda na ng relief goods para sa mga lalawigan na naapektuhan ng easterlies

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda itong magbigay ng tulong at resource augmentation sa local government units at komunidad na sinalanta ng mga pagbaha dahil sa epekto ng easterlies. Katunayan, may ginagawa nang pakikipag-ugnayan ang DSWD sa lahat ng local government units na nakararanas ng pagbaha simula noong Nobyembre 7.… Continue reading DSWD, naghanda na ng relief goods para sa mga lalawigan na naapektuhan ng easterlies

DOH, nagbabala sa pekeng Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Sa isang Facebook post, nagpahayag ang Department of Health (DOH) ng babala sa publiko hinggil sa isang Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya. Ayon sa DOH, ginagamit ng FB page na “DOH Hotnews” ang kaparehong pangalan at logo upang gayahin ang departamento. Ang nasabing page, diin ng DOH, ay peke, at hindi sa… Continue reading DOH, nagbabala sa pekeng Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Planong destabilisasyon sa Administrasyon, itinanggi ng mga retiradong heneral ng Militar at Pulisya

Nilinaw ng ilang retiradong heneral ng Militar at Pulisya na patuloy nilang sususportahan ang liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y makaraang itanggi ng mga ito na may niluluto umanong destabilisasyon o tangkang pabagsakin ang administrasyon. Para kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dati ring heneral ng Philippine National Police, hindi magandang pag-usapan… Continue reading Planong destabilisasyon sa Administrasyon, itinanggi ng mga retiradong heneral ng Militar at Pulisya

SUV na pinaniniwalaang pinaglipatan ng katawan ng beauty queen sa Batangas City, sinusuri na ng Pulisya

Isinasailalim na ngayon sa pagsusuri ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Sports Utility Vehicle (SUV) na sinasabing pinaglipatan ng katawan ng beauty queen na si Catherin Camilon sa Batangas City. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, tinitingnan na ngayon kung ang naturang SUV nga ang hinahanap… Continue reading SUV na pinaniniwalaang pinaglipatan ng katawan ng beauty queen sa Batangas City, sinusuri na ng Pulisya

Higit 89,000 na mga guro, kulang pa sa buong bansa

Nasa 89,506 na mga guro pa ang kulang sa buong bansa base sa datos ng Department of Education (DepEd). Sa Senate Plenary Budget Deliberations, ibinahagi ng sponsor ng panukalang 2024 Budget ng DepEd na si Senador Pia Cayetano na para matugunan ang kakulangan sa guro, plano ng ahensya na mag-empleyo ng 20,000 na guro para… Continue reading Higit 89,000 na mga guro, kulang pa sa buong bansa

Kamara, patuloy na nakasuporta sa pagpapalakas ng AFP

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kanyang paghanga at pasasalamat sa kagitingan at dedikasyon ng mga sundalong Pilipino. Kasabay nito ay muling siniguro ng House leader ang pangako ng Kamara na palakasin ang operational capabilities ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kaniyang talumpati sa Defense Forum na inorganisa ng National Defense College of… Continue reading Kamara, patuloy na nakasuporta sa pagpapalakas ng AFP

Speaker Romualdez, mariing kinondena ang panibagong insidente ng pambobomba ng water canon ng China sa bangka ng Pinas

Mariing kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa bangka ng Pilipinas na nagdala ng suplay sa mga sundalo na naka-destino sa West Philippine Sea (WPS). Aniya, malinaw itong paglabag sa karapatan ng Pilipinas at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). “The harassment, blocking,… Continue reading Speaker Romualdez, mariing kinondena ang panibagong insidente ng pambobomba ng water canon ng China sa bangka ng Pinas

Panibagong insidente ng harassment ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, banta sa international peace and security ayon sa mga senador

Giniit ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Francis Tolentino na ang panibagong mapanganob na aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea ay nagdudulot ng direktamg banta sa international peace at security. Ayon kay Tolentino, ang patuloy na paglabag ng China sa obligasyon nito sa… Continue reading Panibagong insidente ng harassment ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, banta sa international peace and security ayon sa mga senador

Mga may ari ng Smartweb Technology, pinapa-subpeona ng Senate panel

Pinapa-subpoena ng Senate Committee on Women ang mga nakalistang incorporator o may ari ng Smartweb Technology …. ang POGO company na ni-raid kamakailan ng mga otoridad kung saan may natuklasang torture chamber at nagiging pugad ng prostitusyon. Sa pagdinig ng senate committee kanina matapos ang ocular inspection sa gusali ng Smartweb sa Pasay, nagmosyon si… Continue reading Mga may ari ng Smartweb Technology, pinapa-subpeona ng Senate panel

VP Sara Duterte, bumisita sa mga pamilya ng apektado ng baha sa Davao City

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa mga pamilya na apektado ng baha sa Davao City, ngayong araw. Personal na kinumusta at nagbigay ng tulong pinansyal ang Pangalawang Pangulo sa mga apektadong pamilya sa Bago Aplaya, Davao City. Nagbigay din ng karagdagang tulong ang Office of the Vice President Davao Satellite Office kabilang dito ang… Continue reading VP Sara Duterte, bumisita sa mga pamilya ng apektado ng baha sa Davao City