MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag-singil sa kuryente para sa buwan ng Nobyembre. Batay sa abiso ng MERALCO, P0.23 kada kilowatt hour ang magiging dagdag dulot ng mas mataas na transmission charge, kaya’t P0.12 kada kilowatt hour ang aasahang magiging dagdag sa monthly bill ng mga residential customer. Ayon sa… Continue reading MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

40 Pilipino na nakatawid na sa border ng Egypt, posibleng makauwi na sa bansa bukas — DFA

Posibleng makabalik na bukas sa bansa ang 40 Pilipino na nailikas mula sa Gaza Strip at nakatawid sa Rafah crossing. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, sa ngayon ay nasa Embahada na ng Pilipinas sa Cairo ang mga kababayan natin at hinihintay na lamang ang kanilang ticket pauwi. Bukod dito, may… Continue reading 40 Pilipino na nakatawid na sa border ng Egypt, posibleng makauwi na sa bansa bukas — DFA

Pagkakalagay sa ikatlong best performing cabinet official, ikinatuwa ni DOTr Sec. Jaime Bautista

Nangako si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na pag-iibayuhin pa nito ang kaniyang trabaho para sa pagtataguyod ng ligtas, maginhawa, at angkop na sistema ng transportasyon sa bansa Ito ang pahayag ni Bautisa makaraang malagay siya sa ikatlong puwesto sa best performing cabinet secretaries ng Administrasyong Marcos Jr., batay sa pinakahuling survey ng… Continue reading Pagkakalagay sa ikatlong best performing cabinet official, ikinatuwa ni DOTr Sec. Jaime Bautista

Office of the Vice President, ‘di na manghihingi ng confidential fund para sa susunod na taon

Iaatras na ng Office of the Vice President (OVP) ang paghiling nito ng confidential fund para sa susunod na taon. Sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang pondo ng OVP, natanong ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang tungkol sa confidential fund ng OVP. Bilang tugon, binasa ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny… Continue reading Office of the Vice President, ‘di na manghihingi ng confidential fund para sa susunod na taon

Piso one-way base fare, alok ng Cebu Pacific Airline, para sa piling local at int’l destination

Inanunsyo ng Cebu Pacific na simula November 8 hanggang November 11, 2023, maaaring mag-book ang mga manlalakbay para sa mga piling local at international destination sa halagang ₱1 one-way base fare na walang babayarang surcharge. Sa abiso ng Cebu Pacific magagamit ang ₱1 one-way base fare sa panahon ng paglalakbay mula April 1 hanggang October… Continue reading Piso one-way base fare, alok ng Cebu Pacific Airline, para sa piling local at int’l destination

DSWD, nagpaabot na ng tulong sa kaanak ng nasawing broadcaster sa Misamis Occidental

Naghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naulilang pamilya ng pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang ‘DJ Johnny Walker,’ SA DSWD Media Forum, kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na nagtungo na ang kanilang mga social worker sa pamilya… Continue reading DSWD, nagpaabot na ng tulong sa kaanak ng nasawing broadcaster sa Misamis Occidental

Panukalang pondo ng Office of the President, isinalang sa plenaryo ng Senado

Tinapos na ng Senado ang deliberasyon at debate sa plenaryo ng panukalang P10.6 bilyong pondo ng Office of the President at P812 milyon na panukalang pondo ng Presidential Management Staff para sa susunod na taon. Sa interpellation ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, sinabi nitong wala siyang isyu sa pagbibigay ng confidential funds sa OP… Continue reading Panukalang pondo ng Office of the President, isinalang sa plenaryo ng Senado

MMDA, nagsagawa ng operasyon laban sa mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA Bus Carousel Lane

Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang kampanya laban sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa EDSA Busway Lane kahit hindi awtorisado. Mula sa Quezon City, dumiretso ang mga tauhan ni MMDA Task Force Special Operations Head, Colonel Edison Bong Nebrija sa bahagi ng EDSA-Shaw sa Mandaluyong City. Sa darating na… Continue reading MMDA, nagsagawa ng operasyon laban sa mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA Bus Carousel Lane

Bilang ng mga namamalimos sa lansangan sa Metro Manila, nababawasan na dahil sa ‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD

Nakikita na ng Department of Social Welfare and Development na nagbubunga na ang ikinakasa nitong Oplan Pag-abot sa mga lansangan sa Metro Manila. Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na sa kanilang monitoring ay nabawasan na ang mga namamalimos ngayon sa NCR dahil sila ay naaabot na sa mga reach out operation… Continue reading Bilang ng mga namamalimos sa lansangan sa Metro Manila, nababawasan na dahil sa ‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD

Senate Committee on Ethics, iimbestigahan ang sinasabing ‘leak’ sa naging caucus ng mga senador nitong Lunes

Magco-convene na ang Senate Committee on Ethics and Privileges para imbestigahan ang sinsabing pag-leak ng impomasyon sa mga napag-usapan sa ginawang all-senators caucus nitong Lunes, ika-6 ng Nobyembre. Ayon kay Committee Chairperson Sen. Nancy Binay, ito ay bilang pagsunod sa naging utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos umalma ang mga senador sa isang… Continue reading Senate Committee on Ethics, iimbestigahan ang sinasabing ‘leak’ sa naging caucus ng mga senador nitong Lunes