DSWD, pinahalagahan ang mga LGU sa pagpapatupad ng Kalahi-CIDSS

Binigyang halaga ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang papel na ginagampanan ng mga Local Chief Executive sa pagpapahusay ng pagpapatupad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS). Ito ang sinabi ni Gatchalian sa mga Local Chief Executive sa ginanap na National Consultative Meeting sa… Continue reading DSWD, pinahalagahan ang mga LGU sa pagpapatupad ng Kalahi-CIDSS

Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzalez Jr., nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD

Tatlong mambabatas ang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD. Ito ang inanunsyo ni Majority Leader Mannix Dalipe na kabilang sa mga nanumpa ay si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Matatandaang nitong Lunes, sa gitna ng pagtalakay sa House Resolution 1414 ay nagbitiw si Gonzales bilang kurtisiya sa kaniyang partido na PDP-Laban. Maliban kay… Continue reading Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzalez Jr., nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD

Agriculture production, may malakas na indikasyon na makapag-ambag ng pag-unlad sa ekonomiya – DA

Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na malaki ang indikasyon na makakapag-ambag pa rin ang sektor ng agrikultura sa paglago ng pambansang ekonomiya. Ito ay sa kabila ng bahagyang paghina sa 0.3 percent ng produksyon sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan. Ayon sa DA, tututukan nila ang magandang ipinapakita ng mga produktong pang agrikultural na… Continue reading Agriculture production, may malakas na indikasyon na makapag-ambag ng pag-unlad sa ekonomiya – DA

Pagpapaabot ng iba’t ibang tulong sa street dwellers sa Metro Manila, tinututukan na ng pamahalaan

Tinututukan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaabot ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na naninirahan sa mga kalsada, lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. “Itong ‘Oplan Pag-Abot’ ay ating bagong programa na ating ginagawa para tulungan ang ating mga kababayan na naninirahan sa kalye – iyong mga… kumbaga homeless… Continue reading Pagpapaabot ng iba’t ibang tulong sa street dwellers sa Metro Manila, tinututukan na ng pamahalaan

Vice President Sara Duterte, binigyang diin ang kahalagahan ng disaster preparedness ngayong ika-10 anibersyo ng pananalasa ng super typhoon “Yolanda”

Nakikiisa si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa. Sa mensahe ni VP Sara, inalala nito ang mga buhay na nasawi sa isa sa pinaka-mapanirang kalamidad sa kasaysayan ng bansa. Aniya, sa pangyayaring ‘yun naipakita ang katatagan ng mga apektado ng bagyo. Binigyang diin din… Continue reading Vice President Sara Duterte, binigyang diin ang kahalagahan ng disaster preparedness ngayong ika-10 anibersyo ng pananalasa ng super typhoon “Yolanda”

Pagpapatrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, itinutulak ng ACT-CIS lawmakers

Inihain ngayon sa Kamara ang House Resolution 1421, na layong payagan ng pamahalaan ang pag patrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea (WPS). Pangunahing may akda nito sina ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, Edvic Yap at Jocelyn Tulfo; at sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep.… Continue reading Pagpapatrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, itinutulak ng ACT-CIS lawmakers

LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Napapanahon na upang iangat ang kalidad at antas ng transportasyon sa bansa. Ito ang kapwa paniniwala ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ngayong araw, pormal nang inilunsad ng kumpanyang JoyRidePH ang kanilang super taxi na layong magbigay ng alternatibong ride hailing transport. Ayon… Continue reading LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Sen. Imee Marcos, nagpahayag ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

Naglabas ng pahayag si Senator Imee Marcos kaugnay ng nangyayaring iringan at pagkakaroon ng isyu ng destabilisasyon sa Kamara, kung saan nabanggit pa ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Sen. Imee, sa gitna ng paggunita ngayong araw ng ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda, maituturing aniyang kabastusan ang pinagkakaabalahan ng mga… Continue reading Sen. Imee Marcos, nagpahayag ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

MMDA, pinulong ang TWG para sa integration ng CCTV sa Metro Manila

Pinaplantsa na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gayundin ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang gagawing integration sa lahat ng closed-circuit television o CCTVs sa National Capital Region (NCR). Ito ayon sa MMDA ay makaraang pulungin nito ang technical working group TWG buhat sa 16 na lungsod at isang bayan sa Metro… Continue reading MMDA, pinulong ang TWG para sa integration ng CCTV sa Metro Manila

Kamara, tuloy lang sa trabaho sa kabila ng rigodon sa liderato

Tuloy ang kamara sa pagtatrabaho. Ito ang sinabi ni Ways and Means Committee Chair Representative Joey Salceda ng hingan ng reaksyon kaugnay sa rigodon sa House leadership. Ayon kay Salceda, naniniwala siyang hindi sagabal sa trabaho ng Kamara ang nangyaring “intramurals.” Kumpiyansa rin ang Albay solon, na hindi makakaapekto sa performance nina Pamapanga Rep. Gloria… Continue reading Kamara, tuloy lang sa trabaho sa kabila ng rigodon sa liderato