Pagpapatrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, itinutulak ng ACT-CIS lawmakers

Inihain ngayon sa Kamara ang House Resolution 1421, na layong payagan ng pamahalaan ang pag patrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea (WPS). Pangunahing may akda nito sina ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, Edvic Yap at Jocelyn Tulfo; at sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep.… Continue reading Pagpapatrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, itinutulak ng ACT-CIS lawmakers

LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Napapanahon na upang iangat ang kalidad at antas ng transportasyon sa bansa. Ito ang kapwa paniniwala ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ngayong araw, pormal nang inilunsad ng kumpanyang JoyRidePH ang kanilang super taxi na layong magbigay ng alternatibong ride hailing transport. Ayon… Continue reading LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Sen. Imee Marcos, nagpahayag ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

Naglabas ng pahayag si Senator Imee Marcos kaugnay ng nangyayaring iringan at pagkakaroon ng isyu ng destabilisasyon sa Kamara, kung saan nabanggit pa ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Sen. Imee, sa gitna ng paggunita ngayong araw ng ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda, maituturing aniyang kabastusan ang pinagkakaabalahan ng mga… Continue reading Sen. Imee Marcos, nagpahayag ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

MMDA, pinulong ang TWG para sa integration ng CCTV sa Metro Manila

Pinaplantsa na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gayundin ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang gagawing integration sa lahat ng closed-circuit television o CCTVs sa National Capital Region (NCR). Ito ayon sa MMDA ay makaraang pulungin nito ang technical working group TWG buhat sa 16 na lungsod at isang bayan sa Metro… Continue reading MMDA, pinulong ang TWG para sa integration ng CCTV sa Metro Manila

Kamara, tuloy lang sa trabaho sa kabila ng rigodon sa liderato

Tuloy ang kamara sa pagtatrabaho. Ito ang sinabi ni Ways and Means Committee Chair Representative Joey Salceda ng hingan ng reaksyon kaugnay sa rigodon sa House leadership. Ayon kay Salceda, naniniwala siyang hindi sagabal sa trabaho ng Kamara ang nangyaring “intramurals.” Kumpiyansa rin ang Albay solon, na hindi makakaapekto sa performance nina Pamapanga Rep. Gloria… Continue reading Kamara, tuloy lang sa trabaho sa kabila ng rigodon sa liderato

Higit 600 maliliit na negosyante sa Lungsod Quezon, binigyan ng puhunan ng QC LGU

Photo by QC LGU

Aabot sa 621 residente ang nabigyan ng puhunan para sa kanilang mga negosyo sa Quezon City. Sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC Program ng Quezon City Government, natulungan ang mga residente para magkaroon ng pagkakakitaan partikular na ang mga walang trabaho. Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo, habang… Continue reading Higit 600 maliliit na negosyante sa Lungsod Quezon, binigyan ng puhunan ng QC LGU

Kaalaman at aksyon sa Climate Change, dapat na palaging nakapaloob sa national policy – Pangulong Marcos Jr.

Photo courtesy of PNA by Alfred Frias

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na ipaloob ang usapin ng Climate Change sa bawat national policy, mga programa, at inisyatibo na ipatutupad ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, masisiguro ng gobyerno ang pagigigng matatag ng mga komunidad, anomang natural calamity ang tumama sa Pilipinas. Sa ika-10 taon ng komemorasyon ng pananalasa… Continue reading Kaalaman at aksyon sa Climate Change, dapat na palaging nakapaloob sa national policy – Pangulong Marcos Jr.

Panukalang 2024 budget na prinisinta ng Senado, sinisigiuro ang patuloy na pagpapatupad ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon – Sen. Angara

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na patuloy na maipapatupad ang 8-point socioeconomic agenda ng Administrasyong Marcos Jr., at iba pang strategic goals para sa ikauunlad ng Pilipinas sa ilalim ng panukalang 2024 national budget. Pagdating sa food security, sinabi ng senador na naglaan ng P107.75 billion na pondo para sa banner… Continue reading Panukalang 2024 budget na prinisinta ng Senado, sinisigiuro ang patuloy na pagpapatupad ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon – Sen. Angara

Mga ginagawa ng DOST upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng Pilipinas sa mga sakuna, kinilala ni Pangulong Marcos Jr.

Photo courtesy of PNA by Alfred Frias

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Handa Pilipinas sa Tacloban City ngayong araw (November 8), kung saan ibinida ang effort ng administrasyon para sa disaster risk reduction and management initiatives ng pamahalaan. Sa kaganapan, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pag-alala sa aral at karanasang iniwan ng pagtama ng Super… Continue reading Mga ginagawa ng DOST upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng Pilipinas sa mga sakuna, kinilala ni Pangulong Marcos Jr.

Ikatlong batch ng repatriated OFWs mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa Pilipinas mamayang gabi

Inaasahang darating sa Pilipinas mamayang gabi ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na inilikas mula sa Lebanon. Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW na umuwi sa bansa mula sa Lebanon dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel military forces at Hezbollah, na isang militanteng grupo sa Lebanon na nakikisimpatya sa Hamas.… Continue reading Ikatlong batch ng repatriated OFWs mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa Pilipinas mamayang gabi