PNP, may larawan na ng 2 suspek sa pamamaril at pagpatay kahapon sa broadcaster sa Misamis Occ.

Nasa kamay na ng Philippine National Police (PNP) ang kuha sa CCTV ng dalawang suspek sa pamamaril at pagpatay sa Radio broadcaster na si Juan Jumalon. Ayon kay Misamis Occidental Provincial Police Office (PPO) Spokesperson Alma Laurie Pescador, isasailalim nila sa enhancement ang naturang video para matukoy ng malinaw ang mga mukha ng mga suspek… Continue reading PNP, may larawan na ng 2 suspek sa pamamaril at pagpatay kahapon sa broadcaster sa Misamis Occ.

San Jose Delmonte City Rep. Robes, iginagalang ang resulta ng plebesito sa lungsod

Iginagalang ni San Jose del Monte City Representative Rida Robes ang desisyon ng mga residente ng lungsod na manatili bilang component city ng Bulacan ang bayan. Sa nakaraang October 30 plebescite, nanaig ang ‘No’ vote para gawing Highly Urbanized City ang SJDM. Aniya, bagaman nabigo ang tuntunin na kanilang sinuportahan, ay tinatanggap aniya nila ang… Continue reading San Jose Delmonte City Rep. Robes, iginagalang ang resulta ng plebesito sa lungsod

Mga negosyong sumusuporta sa priority programs ng QC gov’t, pagkakalooban ng tax incentive

Magkakaroon na ng tax incentive ang mga negosyo sa Quezon City na makakatuwang ng pamahalaang lokal sa mga serbisyo lalo na para sa marginalized sectors. Kasunod ito ng paglagda ni Mayor Joy Belmonte ng City Ordinance SP-3213, S-2023, na layong bigyan ng Tax Credit Certificate ang private donors na maaari nilang magamit sa business tax… Continue reading Mga negosyong sumusuporta sa priority programs ng QC gov’t, pagkakalooban ng tax incentive

Bagong talagang DA Sec. Laruel Jr., nanguna sa flag raising ceremony ng DA Central Office

Pinangunahan ngayong umaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang flag-raising ceremony sa Central Office ng kanyang bagong tanggapan sa Elliptical Road, Quezon City. Ito ang unang beses na humarap ang kalihim sa mga kawani ng Department of Agriculture mula nang maitalaga ni Pangulong Marcos noong Biyernes. Kasama ng kalihim sa kanyang unang flagraising… Continue reading Bagong talagang DA Sec. Laruel Jr., nanguna sa flag raising ceremony ng DA Central Office

LTFRB Chair Guadiz, nagpasalamat kay Pres. Marcos sa pagpapahintulot nitong maibalik siya sa pwesto

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III makaraang maibalik ito sa kanyang pwesto bilang pinuno ng LTFRB. Sa isang pahayag, sinabi ni Chair Guadiz na ikinararangal nito ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo na maipagpatuloy niya ang kanyang pagseserbisyo sa… Continue reading LTFRB Chair Guadiz, nagpasalamat kay Pres. Marcos sa pagpapahintulot nitong maibalik siya sa pwesto

Mabigat na volume ng mga sasakyan, nararanasan sa ilang bahagi ng NLEX ngayong umaga

Mabigat na trapiko ang bumungad sa mga motorista sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway ngayong umaga. Sa monitoring ng pamunuan ng NLEX-SCTEX, as of 6am, nararanasan ngayon sa bahagi ng Meycauayan Interchange Southbound at pati na sa Valenzuela patungong NLEX Harbor Link Interchange Southbound ang mabigat na volume ng mga sasakyan. Dahil dito, nasa… Continue reading Mabigat na volume ng mga sasakyan, nararanasan sa ilang bahagi ng NLEX ngayong umaga

Kamara, tututukan ang nalalabing 11 LEDAC bills at tuluyang pagsasabatas ng 2024 budget sa pagbabalik sesyon

Matapos ang limang linggo na break ay balik trabaho ngayong araw ang Kamara. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pangunahin nilang tututukan ang nalalabing Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at State of the Nation Address (SONA) priority bills ng administrasyong Marcos Jr. Kabilang dito ang panukala para sa pagbuo ng Department of Water Resources… Continue reading Kamara, tututukan ang nalalabing 11 LEDAC bills at tuluyang pagsasabatas ng 2024 budget sa pagbabalik sesyon

Mga nanalong BSK officials sa Malabon, nanumpa na sa tungkulin ngayong araw

Isinagawa na ngayong araw sa Malabon City ang Mass Oath Taking Ceremony para sa lahat ng nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa 21 barangay sa lungsod. Pinangunahan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng nasa higit 336 bagong halal na opisyal sa Malabon Sports Complex alas-7:30 ng umaga. Bilang… Continue reading Mga nanalong BSK officials sa Malabon, nanumpa na sa tungkulin ngayong araw

Senate Minority Leader Pimentel, nanawagan sa mayorya ng Senado na huwag madaliin ang pag-apruba ng panukalang 2024 National Budget

Aapela si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Majority Bloc ng Senado na huwag madaliin ang pagpapasa ng 2024 General Appropriations Bill (GAB). Ito ay matapos sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Mataas na Kapulungan na maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang 2024 GAB sa November 27. Sinabi ni Pimentel na kakausapin… Continue reading Senate Minority Leader Pimentel, nanawagan sa mayorya ng Senado na huwag madaliin ang pag-apruba ng panukalang 2024 National Budget

100% na suporta ng PNP sa Pangulo, tiniyak ng PNP Chief

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 100 porsyentong suporta ng PNP sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pagtiyak ng PNP chief ay kasunod ng lumutang na ulat na may namumuong destabilization plot laban sa pamahalaan, na una na ring pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).… Continue reading 100% na suporta ng PNP sa Pangulo, tiniyak ng PNP Chief