Mga biyaherong lumuwas sa probinsya, nagbabalikan na sa Maynila

Ramdam na sa terminal ng Victory Liner at Superlines ang pagdagsa ng mga biyaherong pauwi na ng Maynila matapos magbakasyon sa probinsya. Ayon sa mga nagbabantay na security personnel, nagsimula pa kagabi ang buhos ng mga pasaherong pabalik na ng Maynila. Kapansin-pansin na kada 30 minuto ay may dumadating na bus sa Cubao terminal. Inaasahang… Continue reading Mga biyaherong lumuwas sa probinsya, nagbabalikan na sa Maynila

‘Heightened Alert,’ ipatutupad ng PNP hanggang Lunes

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang “Heightened Alert Status” hanggang sa Lunes para sa seguridad ng mga bumiyahe at nagbakasyon nitong “long weekend.” Ito’y kasunod ng huling araw kahapon ng “Full Alert Status” na ipinatupad ilang araw bago ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel… Continue reading ‘Heightened Alert,’ ipatutupad ng PNP hanggang Lunes

Dayuhan na may dalang iba’t ibang iligal na droga, naharang sa NAIA

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Bolivian drug trafficker na inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon kay BI Anti-Terrorist Group (ATG) Airport Head Bienvenido Castillo III, ang suspek ay kinilalang si Roberth Lavadenz Alvarez, 30 taong gulang na… Continue reading Dayuhan na may dalang iba’t ibang iligal na droga, naharang sa NAIA

Pagbuti ng revenue collection sa huling bahagi ng taon, inaasahan — Finance Secretary Diokno

Inaasahan ang pagbuti ng revenue collection ng gobyerno sa natitirang buwan ng 2023 sa gitna ng masiglang aktibidad sa Christmas season. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang ‘manageable inflation’ na nakaapekto sa mga mamimili sa mga nakaraang buwan ay makatutulong sa gobyerno upang makalikom ng kita. Aniya, sa fourth quarter, inaasahan ang pagtaas ng… Continue reading Pagbuti ng revenue collection sa huling bahagi ng taon, inaasahan — Finance Secretary Diokno

Mga galing probinsya na pauwi na ng Metro Manila, nagsimula nang dumami

Nagsimula nang magsibalikan sa mga bakasyon sa mga probinsya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023. Partikular ito sa mga terminal ng Five Star Bus terminal sa EDSA Cubao na bumiyahe papuntang Norte. Ayon kay Jojo Español, konduktor na biyaheng San Carlos, Pangasinan-Metro Manila, kada 15 minuto na ang pag-alis ng mga… Continue reading Mga galing probinsya na pauwi na ng Metro Manila, nagsimula nang dumami

Mga house leader, pinuri ang natamong mataas na  survey rating ni House Speaker Martin Romualdez

Pinuri ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang mataas na rating ni House Speaker Martin Romualdez. Aniya, patunay ito ng kanyang epektibong pamumuno sa Kamara de Representantes. Sinabi ni Dalipe, na naging totoo na ang Kamara ay “House of the People” sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez dahil nakasentro sa publiko at mahihirap… Continue reading Mga house leader, pinuri ang natamong mataas na  survey rating ni House Speaker Martin Romualdez

Hernani, Eastern Samar, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ninayig ng magnitude 6.1 na lindol ang bayan ng Hernani sa Eastern Samar. Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol bandang alas-2:50 ng hapon. Natunton ang sentro nito 51 kilometro Timog Silangan ng Hernani Eastern Samar, at may lalim itong 48 kilometro, at tectonic ang dahilan. Naramdaman ang Instrumental Instensity: Intensity… Continue reading Hernani, Eastern Samar, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Mahigit 4,000 pasyente, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross sa paggunita ng Undas 2023

Umabot sa 4,276 na mga pasyente sa buong bansa ang naserbisyuhan ng Emergency Medical Services (EMS) teams ng Philippine Red Cross (PRC), sa paggunita ng Undas 2023. Sa bilang na ito, walo ang dinala sa medical facilities. Kabilang sa mga sakit na kinailangang bigyan ng atensyon medikal ay pagkahilo, panghihina ng katawan, pagsusuka, bali sa… Continue reading Mahigit 4,000 pasyente, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross sa paggunita ng Undas 2023

Partylist solon, umalma sa ipapataw na P50 na multa ng Globe telecom sa late payments ng kanilang subscribers

Sinabi ngayon ni House Deputy Minority Leader at Act teachers Party-list Representative France Castro, na dapat isaalang-alang ng Globe telecom ang additional fee na kanilang ipapataw sa late payments para sa kanilang mga subscriber. Ginawa ni Castro ang pahayag kasunod ng advisory ng Globe, na maniningil sila ng karagdagang P50 sa mga postpaid subscriber na… Continue reading Partylist solon, umalma sa ipapataw na P50 na multa ng Globe telecom sa late payments ng kanilang subscribers

Mga arestado sa paglabag sa gun ban, 2,077 na

Umakyat sa 2,077 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban. Batay ito sa huling tala as of 11:59 PM kagabi, na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo. Umabot naman sa 1,569 ang mga nakumpiskang armas sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban, na… Continue reading Mga arestado sa paglabag sa gun ban, 2,077 na