Ilang kalsada sa Navotas na malapit sa mga sementeryo, isasara ngayong Undas

Muling nagpaalala ang Navotas local government sa ipatutupad na traffic scheme ngayong Undas sa ilang sementeryo sa lungsod. Inabisuhan nito ang mga motorista na pansamantalang isasara ang Gov. Pascual St. (Bacog hanggang A. Santiago St.) mula mamayang alas-12 ng tanghali hanggang alas-12 ng hatinggabi sa November 2. Ito ay para bigyang daan ang dagsa ng… Continue reading Ilang kalsada sa Navotas na malapit sa mga sementeryo, isasara ngayong Undas

PNP Chief sa mga nanalong kandidato: ‘wag sayangin ang pagtitiwala ng mamamayan

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng nagwagi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasabay ng panawagan sa mga ito na ‘wag sayangin ang pagtitiwalang ipinagkaloob ng taong bayan. Hinimok ng PNP Chief ang mga nagwagi na samantalahin ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila para paunlarin ang bansa.… Continue reading PNP Chief sa mga nanalong kandidato: ‘wag sayangin ang pagtitiwala ng mamamayan

Nakuhang mataas na Trust at Satisfaction Rating, dahil sa teamwork ng Kamara — Speaker Romualdez

Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa publiko matapos makakuha ng mataas na Satisfaction at Trust Rating sa isinagawang survey ng OCTA Research kamakailan. Aniya, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa tulong at dedikasyon sa pagtatrabaho ng lahat ng miyembro ng Kamara. “These ratings are not just numbers. They mirror the dedication and teamwork of… Continue reading Nakuhang mataas na Trust at Satisfaction Rating, dahil sa teamwork ng Kamara — Speaker Romualdez

Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, nag-inspeksyon sa ilang sementeryo bilang paghahanda sa Undas

Nag-ikot si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa ilang pampublikong sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa #Undas2023. Kasama sa ininspeksyon ng alkalde ang kaayusan at kalinisan ng bawat sementeryo. Siniguro rin nitong lahat ng sementeryo ay may mga nakalatag na medical booth at public assistance help desks para sa kaligtasan ng mga magtutungo sa sementeryo. Una… Continue reading Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, nag-inspeksyon sa ilang sementeryo bilang paghahanda sa Undas

Wall of Remembrance sa Tugatog Cemetery sa Malabon, bukas na sa publiko

Tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga bisita sa Tugatog Cemetery sa Malabon kasunod ng binuksang Wall of Remembrance ng pamahalaang lungsod. Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, dito maaaring magunita pa rin ng mga residente ang alaala ng kanilang mga yumao habang nagpapatuloy ang pagsasaayos sa Tugatog Cemetery na 57% pa lang na kumpleto. Ang… Continue reading Wall of Remembrance sa Tugatog Cemetery sa Malabon, bukas na sa publiko

Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa mga idineklarang nanalo sa katatapos na BSK Elections

Binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng mga bago at muling nahalal sa katatapos lang na eleksyon sa Baranggay level at Sangguniang Kabataan. Sa naging mensahe ng Pangulong Marcos ay muli nitong binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga nasa Barangay sa lipunan. Isang magandang pagkakataon ayon sa Pangulo para sa mga pinalad… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa mga idineklarang nanalo sa katatapos na BSK Elections

DSWD, naghatid na rin ng tulong sa ikaapat na batch ng repatriates mula sa Israel

Patuloy sa paglalaan ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Pilipinong inililikas mula sa Israel. Kasama rin ang DSWD sa sumalubong sa ikaapat na batch ng repatriates na dumating sa bansa kahapon. Karamihan sa mga ito ay hotel workers at caregivers. Ayon sa DSWD, agad na tumanggap ng tig-₱10,000… Continue reading DSWD, naghatid na rin ng tulong sa ikaapat na batch ng repatriates mula sa Israel

Bagbag Public Cemetery, inaasahang dadagsain ngayong bisperas ng Undas

Inaasahang mas dadami na ang bisitang magtutungo sa Bagbag Public Cemetery ngayong bisperas ng Undas. Mula pagbukas ng sementeryo kaninang alas-6 ng umaga, tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga bisita sa sementeryo na ang karamihan ay magkakamag-anak. Sa tala ng Bagbag, mayroon nang higit sa 4,800 ang bumisita sa sementeryo kahapon. Posible pa aniyang dumoble… Continue reading Bagbag Public Cemetery, inaasahang dadagsain ngayong bisperas ng Undas

QC LGU, nagpasalamat sa mga gurong nagsilbi sa BSKE sa lungsod

Nagpaabot ng pasasalamat ang Quezon City government sa 12,488 na mga guro mula sa Departmemt of Education (DepEd) Schools Division Office – Quezon City sa kanilang dedikasyon para maging maayos ang daloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa lungsod. Sa isang pahayag, pinasalamatan ng pamahalaang lungsod ang mga gurong nagsilbing Electoral Boards, DepEd… Continue reading QC LGU, nagpasalamat sa mga gurong nagsilbi sa BSKE sa lungsod

Buwanang ₱1,000 hazard pay sa mga barangay tanod, ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang pagsasabatas ng buwanang ₱1,000 na hazard pay para sa mga Barangay Tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang komunidad. Sa paghahain ng Senate Bill 794, ipinunto ng senador na sa kasalukuyan ay binibigyan lang ng hindi bababa sa ₱600 kada buwan… Continue reading Buwanang ₱1,000 hazard pay sa mga barangay tanod, ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada