Board of election inspector, may paalala sa mga pipiliing bumoto sa emergency accessible polling place

Pinaalalahanan ng mga Board of Election Inspectors ang mga botante lalo na ang mga matatanda, may kapansanan, at buntis, na samantalahin ang emergency accessible polling place (EAPP). Ang EAPP ay itinalaga para sa mga senior citizen, persons with disability at maging mga buntis na hindi na kakayaning umakyat pa sa kanilang mga polling precinct. Ayon… Continue reading Board of election inspector, may paalala sa mga pipiliing bumoto sa emergency accessible polling place

Dating aid ni suspended LTFRB Chair Guadiz na nakadetine sa Kamara, di na palalabasin para bumoto sa BSK Elections

Nagdesisyon ang House Committee on Transportation na hindi na palalabasin ang dating executive assistant ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na si Jefferson Tumbado para bumoto ngayong araw sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Matatandaan na noong October 23 ay ipina-contempt ng House Committee on Transportation si Tumbado… Continue reading Dating aid ni suspended LTFRB Chair Guadiz na nakadetine sa Kamara, di na palalabasin para bumoto sa BSK Elections

NGCP, 24/7 na nakatutok ngayon sa Barangay at SK polls

Pinagana na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 24/7 Command Center nito para i-monitor ang mga grid at overall power situation sa bansa sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw. Ayon sa NGCP, operational ngayon ang kanilang mga critical unit kabilang ang System Operations (SO) at Operations and… Continue reading NGCP, 24/7 na nakatutok ngayon sa Barangay at SK polls

Ilang botante ng Brgy. Highway Hills, maaga nagtungo sa eskuwelahan para hanapin ang kani-kanilang presinto

Ilan sa mga residente ng Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong ang maagang pumunta sa Highway Hills Integrated School para alamin ang kani-kanilang polling precinct. Bagamat alas-7 pa ang botohan, minabuti ng ilang botante na maaga magtungo sa eskuwelahan dahil hindi pa sila sigurado sa kanilang presinto. May mga empleyado ng baranggay na maaga rin pumila… Continue reading Ilang botante ng Brgy. Highway Hills, maaga nagtungo sa eskuwelahan para hanapin ang kani-kanilang presinto

Eskwelahan sa Batasan, maagang pinilihan ng mga botante ngayong BSKE

Maaga pa lang ay mahaba na agad ang pila ng mga botante sa President Corazon Aquino Elementary School sa Batasan, Quezon City. Kasama ito sa mga voting center na may malaking bilang ng mga botante sa lungsod. Kasama sa unang pumila rito si Nanay Joselyn na alas-4 pa lang ng madaling araw nakapila na para… Continue reading Eskwelahan sa Batasan, maagang pinilihan ng mga botante ngayong BSKE

Isang mall sa QC, handa na sa pag-arangkada ng BSKE ngayong araw

All set na ang SM City North Edsa Skydome para sa gaganaping 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na magsisimula alas-7 ng umaga. Isa ang SM City North Edsa sa tatlong mall sa Quezon City na sa kauna-unahang pagkakataon ay magsisilbing polling centers. Dito, boboto ang mga rehistradong botante na limang clustered precint mula… Continue reading Isang mall sa QC, handa na sa pag-arangkada ng BSKE ngayong araw

AFP Chief, nanawagan sa publiko na makilahok sa halalan ngayong araw

Nanawagan si Armed Forces of The Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga mamamayan na i-exercise ang kanilang karapatang bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).  Sa isang statement, sinabi ni Gen. Brawner na hindi dapat balewalain ang karapatan na pumili ng mga susunod na lider ng mga komunidad. Sa… Continue reading AFP Chief, nanawagan sa publiko na makilahok sa halalan ngayong araw

Palakasin na external defense ng Pilipinas – Tulfo

Nanawagan si House Majority Floor Leader Erwin Tulfo sa Executive Department at sa mga kasamahan sa lehislatura na mag-focus na sa pagpapaigting sa depensa ng Pilipinas laban sa mga bansa na gustong sakupin ang Pilipinas. Sa isang panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo na napapanahon na rin daw na pagtuunan ng pansin ang… Continue reading Palakasin na external defense ng Pilipinas – Tulfo

Maayos at payapang BSK elections, hangad ni Speaker Romuladez

Nanawagan si Speaker Martin Romualdez sa lahat na siguruhin ang isang maayos at payapang pagdaraos ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Lunes. Paghimok nito sa mga kandidao na huwag gumamit ng dahas at pahalagahan ang diwa ng demokrasya. Dagdag pa nito na ang ligtas na proseso ng halalan ay mahalaga upang… Continue reading Maayos at payapang BSK elections, hangad ni Speaker Romuladez

Liquor ban, umiiral na sa lungsod Quezon- QCPD

Pinaalalahanan ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko na umiiral na ang liquor ban sa lungsod Quezon simula ngayong araw hanggang bukas ng alas 11:59 ng gabi, Oktubre 30. Alinsunod sa Commission on Election (COMELEC) Resolution No. 10902, hindi na pinapayagan ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng anumang klase ng alak sa buong bansa… Continue reading Liquor ban, umiiral na sa lungsod Quezon- QCPD