Food Safety Awareness Week 2023, inilunsad ng DA

Photo courtesy of DA

Inilunsad ngayong araw ng Department of Agriculture (DA) ang Food Safety Awareness Week 2023, na may tema ngayong taon na, “Pagkaing ligtas, masustansiya, at sapat, susi sa magandang kalusugan ng lahat.” Layon ng selebrasyon na paigtingin ang kamalayan ng publiko, at ang pakikilahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagtataguyod ng kaligtasan… Continue reading Food Safety Awareness Week 2023, inilunsad ng DA

PNP Chief sa mga botante: ‘wag magpapadala sa pananakot at panlilinlang ng mga kandidato sa BSKE

Pinaalalahanan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga botante na ‘wag magpadala sa pananakot at panlilinlang ng mga kandidato sa Barangay at SangGuniang Kabataan Elections (BSKE). Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief sa kanyang mensahe sa send-off ceremony para sa mga tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philipine… Continue reading PNP Chief sa mga botante: ‘wag magpapadala sa pananakot at panlilinlang ng mga kandidato sa BSKE

NEDA, DHSUD inayos ang outdated price ceiling para sa socialized housing

Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development at National Economic and Development Authority na i-adjust ang price ceiling para sa socialized subdivision at condominium projects. Ayon sa DHSUD, ang kasalukuyang pag-presyo ay hindi na tumutugon sa umiiral na mga kondisyon sa ekonomiya. Nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at NEDA Secretary… Continue reading NEDA, DHSUD inayos ang outdated price ceiling para sa socialized housing

Paggamit ng Bureau of Immigration ng body camera, pinuri ng House Minority Leader

Welcome para kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang hakbang ng Bureau of Immigration (BI) na gumamit ng body camera, bilang bahagi ng kanilang security inspection. Ayon kay Libanan, magsisilbing proteksyon ito sa kapwa immigration security personnel at pasahero. “The donning of body cameras will provide an accurate recording of events… Continue reading Paggamit ng Bureau of Immigration ng body camera, pinuri ng House Minority Leader

Security forces ng pamahalaan, all set na para sa Barangay at SK elections

Nakahanda na ang iba’t ibang law enforcement at security units ng bansa para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 31. Ito’y makaraang pangunahan ng Commission on Elections o COMELEC ang simultaneous send-off ceremony para sa may 1,155 mga miyembro security forces na isinagawa sa Kampo Crame ngayong araw. Mula sa nasabing… Continue reading Security forces ng pamahalaan, all set na para sa Barangay at SK elections

MIAA, target maabot ang on-time performance sa lahat ng flights sa bansa sa Undas at BSKE 2023

Target maabot ng Manila International Airport Authority ang on-time performance sa lahat ng flights sa bansa ngayong paparating na Undas at 2023 BSKE ngayong Oktubre. Ayon kay MIAA General Manager Bryan Co, nakikipag-ugnayan na sila sa mga airline company para sa contigency plan ng mga ito sakaling bumuhos ang bilang ng mga pasahero sa apat… Continue reading MIAA, target maabot ang on-time performance sa lahat ng flights sa bansa sa Undas at BSKE 2023

Iba’t ibang unit ng MMDA, kumikilos na para sa Undas

Nakalatag na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas 2023. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, kumikilos na ang kanilang iba’t ibang unit para sa kanilang ‘Oplan Undas’ para sa taong ito. Sinabi ni Artes, maglalatag ng Public Assistance Centers tent ang kanilang… Continue reading Iba’t ibang unit ng MMDA, kumikilos na para sa Undas

DSWD, nagpasalamat sa DBM sa tiyak na pondo para sa food stamp program

Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagtitiyak nitong mapopondohan ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) sa susunod na taon. Matatandaang sinabi ng DBM na aprubado na ang anim na bilyong pisong pondo para sa inplementasyon ng flagship program ng administrasyong Marcos. Ayon… Continue reading DSWD, nagpasalamat sa DBM sa tiyak na pondo para sa food stamp program

Apat na iligal na e-lotto operators, inireklamo ng PCSO

Naghain ng reklamo ngayong araw sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO. Laban ito sa apat na electronic o e-Lotto na iligal na nag-ooperate sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakapag-remit ng 4.7 bilyong piso sa isang kumpanya. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, kabilang sa kanilang inireklamo… Continue reading Apat na iligal na e-lotto operators, inireklamo ng PCSO

Chinese Ambassador Huang Xilian, ipinatawag na ng DFA

Kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs na ipinatawag na nito si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kasunod ng panibagong tensyon sa West Philippine Sea. May kinalaman ito sa insidente ng pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa resupply boat ng AFP na papuntang Ayungin Shoal at at pagsagi rin ng barko… Continue reading Chinese Ambassador Huang Xilian, ipinatawag na ng DFA