Panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Pilipinas, dapat nang iakyat sa UN General Assembly — solon

Itinutulak ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro na pangunahan ng Pilipinas ang pag-aakyat ng ginagawang panggigipit ng China sa United Nations General Assembly. Kasunod ito ng panibagong insidente kung saan binangga ng Chinese Coast Guard ang isang resupply-boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bahagi ng West… Continue reading Panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Pilipinas, dapat nang iakyat sa UN General Assembly — solon

Aplikasyon ng Student Permit at Drivers License, target nang gawing full digital ng LTO

Tina-target ng Land Transportation Office (LTO) na gawin nang full digital mode ang aplikasyon ng Student Permit, Driver’s License, at maging ang renewal nito. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, puspusan na sila sa pagsusulong ng digitalisasyon sa ahensya bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Punto nito, sa… Continue reading Aplikasyon ng Student Permit at Drivers License, target nang gawing full digital ng LTO

Ilang pamilya, maaga nang bumisita sa Bagbag Public Cemetery isang linggo bago ang Undas

Paisa-isa nang nagtutungo sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City ang mga pamilyang may binibisitang namayapang mahal sa buhay isang linggo bago mag-Undas. Ayon kay Nestor Lanuevo, head of security ng Bagbag Cemetery, mayroong higit sa 100 indibidwal ang bumisita na sa sementeryo nitong linggo, maliban pa sa mga nagpalibing. Bukas ang sementeryo mula… Continue reading Ilang pamilya, maaga nang bumisita sa Bagbag Public Cemetery isang linggo bago ang Undas

SP Zubiri, kinondena ang panibagong aksyon ng China sa West Philippine Sea

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa China Coast Guard na respetuhin ang buhay ng mga tao at sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at iba pang international law tungkol sa Safe Maritime Travel. Ginawa ni Zubiri ang naturang pahayag kasabay ng pagkondena sa pagbangga ng China Coast… Continue reading SP Zubiri, kinondena ang panibagong aksyon ng China sa West Philippine Sea

Ikatlong batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw— DMW

Aabot sa humigit kumulang 25 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Israel ang nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw. Ito’y ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ang ikatlong batch ng mga Pilipinong magbabalik bansa matapos maipit sa pagsiklab ng gulo sa Israel. Ayon sa DMW, sakay ang mga naturang OFW ng Etihad Airways flight EY424… Continue reading Ikatlong batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw— DMW

Halos 1,000 sundalo, ipinadala sa BARMM para tiyakin ang seguridad sa Barangay at SK Elections

Ipinadala na ng Philippine Army ang nasa halos 1,000 sundalo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Ito’y para tumulong sa pagtitiyak ng seguridad para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30. Ayon kay Army Spokesperson, Colonel Xerses Trinidad, nagmula sa iba’t ibang Army unit sa Luzon at… Continue reading Halos 1,000 sundalo, ipinadala sa BARMM para tiyakin ang seguridad sa Barangay at SK Elections

Pagpapalawig ng Full Alert status ng hanggang Pasko, ipauubaya na sa PNP Regional Directors

Ipinaubaya na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga Regional Director kung palalawigin nila ang Full Alert status sa kanilang nasasakupan hanggang sa Pasko. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, depende ito sa pagtaya ng Regional Directors ng political at crime environment status sa… Continue reading Pagpapalawig ng Full Alert status ng hanggang Pasko, ipauubaya na sa PNP Regional Directors

Regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, magpapatuloy — Sec. Año

Hindi magpapatinag ang pamahalaan at itutuloy pa rin ang mga regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa gitna ng walang-patid na pangha-harass ng China. Ito ang inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año kaugnay ng huling dalawang insidente sa Ayungin Shoal kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng regular na resupply… Continue reading Regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, magpapatuloy — Sec. Año

Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Dumating na sa Negros Occidental ang bangkay ng ikatlong overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marie June Castro, Executive Assistant ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, sinabi nito na dumating sa lalawigan ang bangkay ng nasawing caregiver na si Loreta… Continue reading Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Suporta ng Kamara sa pagpapaunlad sa Bicol region, susuklian din ng pagsuporta ng Bicol Saro party-list sa House leadership

Bilang sukli sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng Bicol Region ay mananatiling buo ang tiwala at kumpiyansa ng Bicol Saro party-list kay Speaker Martin Romualdez at sa kaniyang inklusibo at action-oriented na pamumuno. Punto ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan, ang paghimok sa kanila ni Romualdez na pag-igihan ang pagtatrabaho ay nagersulta sa mabilis na… Continue reading Suporta ng Kamara sa pagpapaunlad sa Bicol region, susuklian din ng pagsuporta ng Bicol Saro party-list sa House leadership