DSWD, palalawakin pa ang pilot rollout ng food stamp program sa Disyembre

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ilarga na ang full-scale pilot implementation ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa buwan ng Disyembre. Inanunsyo ito ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay matapos ang ikaapat na Redemption Day sa pilot beneficiaries in Tondo, Manila kahapon. Ayon kay Usec. Punay, dahil… Continue reading DSWD, palalawakin pa ang pilot rollout ng food stamp program sa Disyembre

Planong digitalization ng Marcos Jr. administration, posibleng mabalam kung hindi mapapalakas ang cybersecurity ng bansa

Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa pamahalaan na paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng public telecommunication entities (PTEs) at private cybersecurity experts upang mapalakas ang proteksyon sa may 105 million SIM database laban sa mga hacker. Ayon kay Villafuerte na isa sa may akda ng SIM Registration Law, dapat mapaglaanan ng dagdag na… Continue reading Planong digitalization ng Marcos Jr. administration, posibleng mabalam kung hindi mapapalakas ang cybersecurity ng bansa

DFA, kinumpirma na may isa na namang Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel

Malungkot na kinumpirma ng Departmen of Foreign Affairs (DFA) ang isa na namang Pilipinong nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Israel. Ang kumpirmasyon ay mula kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo matapos makumpirma sa Embahada ng Pilipinas sa Israel. Nagpaabot naman ng pakikiramay si Secretary Manalo sa pamilya ng namatay na OFW at nangakong magbibigay… Continue reading DFA, kinumpirma na may isa na namang Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel

Pamahalaan ginagawa ang lahat ng paraan para agad maiuwi ang labi ng 3 Pilipinong nasawi dahil sa gulo sa Israel

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez sa pamilyang Castelvi na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maiuwi sa Pilipinas ang labi ng namayapang kaanak. Sa pagbisita ng House leader sa naulilang pamilya ng Pinoy caregiver na si Paul Castelvi, isa sa tatlong OFW na nasawi dahil sa pag-atake ng Hamas sa Israel, sinabi nito na hinahanapan… Continue reading Pamahalaan ginagawa ang lahat ng paraan para agad maiuwi ang labi ng 3 Pilipinong nasawi dahil sa gulo sa Israel

Grupong BAN Toxics sa mga kandidato: Gumamit ng recyclable at environmental friendly materials sa pangangampanya

Sa pag-arangkada ng campaign period ay hinihikayat ng environmental group BAN Toxics ang mga kumakandidato na huwag maging epal kundi maging “Environment PAL” o “Kaibigan ng Kalikasan.” Sa isang pahayag, hinimok ng grupo ang mga kandidato na sumunod sa mga panuntunan sa pangangampanya at iprayoridad ang pagtugon sa environmental issues sa kanilang barangay. Ipinunto rin… Continue reading Grupong BAN Toxics sa mga kandidato: Gumamit ng recyclable at environmental friendly materials sa pangangampanya

OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

Pormal na binista ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa Tel Aviv Sourasky Medical Center dahil pa rin sa patuloy na kaguluhan doon. Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joey Pagsolingan ay nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery… Continue reading OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

DFA, suportado ang UN sa pagbibigay ng humanitarian relief sa mga lugar na apektado ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Foreign Affairs sa mga pagsisikap ng United Nations na magbigay ng humanitarian relief sa mga lugar kung saan nagaganap ang labanan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas. Ayon sa DFA, lubos na ikinalulungkot ng Pilipinas ang nangyaring pambobomba sa Al Ahli Arab Hospital sa Gaza kamakailan kung… Continue reading DFA, suportado ang UN sa pagbibigay ng humanitarian relief sa mga lugar na apektado ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Dalawa pang suspek sa hazing ng graduating student na si Ahldryn Bravante, sumuko na rin

Anim na ang suspek na hawak ng Quezon City Police District na sangkot sa hazing incident na ikinasawi ng graduating criminology student na si Ahldryn Bravante. Kasunod ito ng pagsuko ng dalawa pang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity sa pulisya. Unang sumuko kagabi sa QCPD Police Station 1 ang 18 taong gulang na si… Continue reading Dalawa pang suspek sa hazing ng graduating student na si Ahldryn Bravante, sumuko na rin

18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP

18 na ang kumpirmadong election-related incidents na naitala ng Philippine National Police sa loob ng election period ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Agosto 28 hanggang hanggang Oktubre 18. Inulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon na 12 sa mga insidenteng ito… Continue reading 18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP

Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Nagpulong na ang Secretariat ng Kamara at Senado para plantsahin ang paghahanda sa gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF). Kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host ngayong taon. Pinangunahan ito nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr. Kabilang sa napag-usapan ay ang registration ng APPF member countries kung… Continue reading Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum