Grupong BAN Toxics sa mga kandidato: Gumamit ng recyclable at environmental friendly materials sa pangangampanya

Sa pag-arangkada ng campaign period ay hinihikayat ng environmental group BAN Toxics ang mga kumakandidato na huwag maging epal kundi maging “Environment PAL” o “Kaibigan ng Kalikasan.” Sa isang pahayag, hinimok ng grupo ang mga kandidato na sumunod sa mga panuntunan sa pangangampanya at iprayoridad ang pagtugon sa environmental issues sa kanilang barangay. Ipinunto rin… Continue reading Grupong BAN Toxics sa mga kandidato: Gumamit ng recyclable at environmental friendly materials sa pangangampanya

OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

Pormal na binista ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa Tel Aviv Sourasky Medical Center dahil pa rin sa patuloy na kaguluhan doon. Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joey Pagsolingan ay nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery… Continue reading OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

DFA, suportado ang UN sa pagbibigay ng humanitarian relief sa mga lugar na apektado ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Foreign Affairs sa mga pagsisikap ng United Nations na magbigay ng humanitarian relief sa mga lugar kung saan nagaganap ang labanan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas. Ayon sa DFA, lubos na ikinalulungkot ng Pilipinas ang nangyaring pambobomba sa Al Ahli Arab Hospital sa Gaza kamakailan kung… Continue reading DFA, suportado ang UN sa pagbibigay ng humanitarian relief sa mga lugar na apektado ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Dalawa pang suspek sa hazing ng graduating student na si Ahldryn Bravante, sumuko na rin

Anim na ang suspek na hawak ng Quezon City Police District na sangkot sa hazing incident na ikinasawi ng graduating criminology student na si Ahldryn Bravante. Kasunod ito ng pagsuko ng dalawa pang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity sa pulisya. Unang sumuko kagabi sa QCPD Police Station 1 ang 18 taong gulang na si… Continue reading Dalawa pang suspek sa hazing ng graduating student na si Ahldryn Bravante, sumuko na rin

18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP

18 na ang kumpirmadong election-related incidents na naitala ng Philippine National Police sa loob ng election period ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Agosto 28 hanggang hanggang Oktubre 18. Inulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon na 12 sa mga insidenteng ito… Continue reading 18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP

Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Nagpulong na ang Secretariat ng Kamara at Senado para plantsahin ang paghahanda sa gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF). Kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host ngayong taon. Pinangunahan ito nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr. Kabilang sa napag-usapan ay ang registration ng APPF member countries kung… Continue reading Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Pagkuha ng senior high, itinutulak na hindi na maging mandatory

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na huwag nang gawing mandatory ang pagkuha ng senior high school. Ang naturang substitute bill ng Education Pathways Act ang mag-aamyenda sa K to 12 basic education program. Sa ilalim ng panukala, ang mga junior high school completers ay bibigyan ng opsyon na… Continue reading Pagkuha ng senior high, itinutulak na hindi na maging mandatory

PSA, nagbabala sa di awtorisadong pag-scan ng PhilID at e-PhilID

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa hindi awtorisadong scanning ng PhilID o ePhillD. Sa isang pahayag, nilinaw ng PSA na hindi ito nagsasagawa ng anumang aktibidad na may kinalaman sa pag-scan ng PhilID cards o ePhilID, o iba pang uri ng data collection o verification. Ayon sa PSA, hindi ito… Continue reading PSA, nagbabala sa di awtorisadong pag-scan ng PhilID at e-PhilID

Bureau of Immigration, may paalala sa mga nagbalik na OFWs mula Israel

Nagbigay babala ang Bureau of Immigration sa repatriated OFWs mula sa bansang Israel na huwag magpasilaw sa mga trabahong alok upang makapagtrabaho muli sa ibang bansa. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ginawa nila ang naturang babala dahil target umano dito ng mga sindikato ang mga na-repatriate na mga OFW mula Israel. Dagdag pa ni… Continue reading Bureau of Immigration, may paalala sa mga nagbalik na OFWs mula Israel

Insidente ng hazing na ikinasawi ng estudyanteng si Ahldryn Bravante, kinondena ng QC LGU

Mariing kinondena ng Quezon City Government ang nangyaring hazing sa lungsod na nagresulta sa pagkasawi ng criminology student na si Ahldryn Bravante. Batay sa imbestigasyon ng QCPD, naganap ang initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity sa isang abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City. Sa isang pahayag, sinabi ng QC LGU na… Continue reading Insidente ng hazing na ikinasawi ng estudyanteng si Ahldryn Bravante, kinondena ng QC LGU