PNP, pinaalalahanan ang mga kandidato sa BSKE na sumunod sa election guidelines

Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato sa Barangay at Sangunguniang Kabataan Elections na sumunod sa Commission on Elections (COMELEC) guidelines sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame sinabi kahapon ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na binilinan ni PNP Chief Police General… Continue reading PNP, pinaalalahanan ang mga kandidato sa BSKE na sumunod sa election guidelines

Mas maigting na aksyon ng mga paaralan vs. hazing, ipinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian

Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga paaralan na paigtingin ang mga hakbang kontra hazing. Ginawa ng Senate Committee on Basic Education Chairperson ang pahayag kasabay ng pakikiramay sa pagkasawi ng 25-year-old na criminology student na si Ahldryn Bravente, na sinasabing namatay dahil sa hazing. Giit ng senador, may legal na responsibilidad ang mga eskwelahan… Continue reading Mas maigting na aksyon ng mga paaralan vs. hazing, ipinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian

Deputy Speaker Arroyo, tiwala sa naging hakbang ni Pangulong Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund

Tiwala si dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na para sa interes din ng bansa ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na suspindihin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF). Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi niya na naniniwala siyang may sapat na rason… Continue reading Deputy Speaker Arroyo, tiwala sa naging hakbang ni Pangulong Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund

Suspensyon ng IRR ng Maharlika Investment Fund, iginagalang ng mga senador

Nirerespesto ng mga senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin muna ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) law. Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan pang mapag-aralang maigi ang IRR ng naturang batas ay iginagalang nila ito. Kaisa aniya… Continue reading Suspensyon ng IRR ng Maharlika Investment Fund, iginagalang ng mga senador

Konstruksyon ng housing units para sa uniformed personnel, OFWs at informal settler families sa Zamboanga, sisimulan na – NHA

Uumpisahan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagpapatayo ng Cabaluay Township sa Sitio Catumbal, Brgy. Cabaluay, Zamboanga City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang housing project ay para sa mga sundalo, pulis, bumbero, jail personnel, Coast Guard, OFWs at informal Settler families na miyembro ng PAG-IBIG Fund. Sa ilalim ng Government Employees… Continue reading Konstruksyon ng housing units para sa uniformed personnel, OFWs at informal settler families sa Zamboanga, sisimulan na – NHA

Pagbawas sa pondo para sa national greening program ng DENR, napuna ni Senadora Cynthia Villar

Kinuwestiyon ni Senadora Cynthia Villar ang pagbaba ng alokasyon para sa National Greening program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng panukalang 2024 budget ng DENR, pinunto ni Villar na mula kasi sa P4.5 billion ay naging P2.5 billion na lang ang hinihinging alokasyon para sa naturang programa. Giit… Continue reading Pagbawas sa pondo para sa national greening program ng DENR, napuna ni Senadora Cynthia Villar

Mga returning OFW na naipit sa gulo sa Middle East, tiniyak na mabibigyan ng tulong ng DSWD

Nakahanda na ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga overseas Filipino worker (OFW), na uuwi sa Pilipinas mula sa kaguluhan sa Gitnang Silangan. Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Undersecretary for Operations Pinky Romualdez na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers para makuha ang listahan ng returning… Continue reading Mga returning OFW na naipit sa gulo sa Middle East, tiniyak na mabibigyan ng tulong ng DSWD

187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng Barangay at SK elections

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pag-arangkada ng panahon ng kampanya kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), sa Oktubre 30. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, aabot sa 187,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa para tiyakin ang… Continue reading 187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng Barangay at SK elections

16 na OFWs mula Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-3:26 ng hapon dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 16 na overseas Filipino workers (OFW), na boluntaryong umuwi sa Pilipinas mula sa Israel matapos maipit sa kaguluhan doon. Sa bilang na ito 15 ang caregivers, isang hotel worker, at isang buwang sanggol. Ang orihinal na bilang ay 17 OFWs pero… Continue reading 16 na OFWs mula Israel, dumating na sa Pilipinas

Suspensyon sa IRR ng Maharlika Investment Fund, walang magiging malaking epekto sa pagpapatupad ng batas

Walang nakikitang malaking epekto sa Maharlika Investment Fund (MIF) si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas. Ayon kay Salceda, nasa kapangyarihan naman ng ehekutibo na ipatupad ang suspensyon lalo na kung may nakikita itong isyu… Continue reading Suspensyon sa IRR ng Maharlika Investment Fund, walang magiging malaking epekto sa pagpapatupad ng batas