Pagkamatay ng isang criminology student dahil sa hazing, kinondena ng Philippine College of Criminology

Nagpahayag ng kalungkutan ang Philippine College of Criminology (PCCr) sa pagkamatay ng kanilang 4th year college student dahil sa hazing ng Tau Gamma Phi.  Sa isang statement, sinabi ng PCCr na walang puwang sa kanila ang ganitong uri ng gawain at kailanman ay hindi ito pinapayagan sa paaralan.  Ginawa ng PCCr ang pahayag nito, matapos… Continue reading Pagkamatay ng isang criminology student dahil sa hazing, kinondena ng Philippine College of Criminology

Drug den sa Bulacan, sinalakay ng PDEA at PNP; 3 naaresto

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bataan Provincial Police Office ang isang drug den sa Recanati Homes Quarry, Barangay Proper City of San Jose Del Monte Bulacan. Tatlong tao ang naaresto kabilang na ang operator ng drug den, at nasamsam ang nasa P172,500 na halaga ng shabu. Kinilala ang… Continue reading Drug den sa Bulacan, sinalakay ng PDEA at PNP; 3 naaresto

2 aktibistang namahiya sa militar, kinasuhan ng DND

Kinasuhan na ng Department of National Defense (DND) ang mga aktibistang sina Jonila Castro at Jed Tamano dahil sa ginawa nilang pagbaliktad ng kwento tungkol sa kanilang kusang pagsuko sa militar na nagresulta sa pagkapahiya ng gobyerno. Ayon kay DND Sec. Gilbert Teodoro, sinampahan nila ng kasong perjury at grave oral defamation ang dalawa sa… Continue reading 2 aktibistang namahiya sa militar, kinasuhan ng DND

250th Presidential Airlift Wing, may bagong commander

Pormal na nanungkulan bilang bagong Commander ng 250th Presidential Airlift Wing si Col. Loreto B. Pasamonte, na dating Deputy Wing Commander ng 300th Air Intelligence and Security Wing. Ang Change of Command Ceremony ay pinangunahan ni Air Mobility Commander Major General Joannis Leonardi B. Dimaano, sa Villamor Air Base, Pasay City kahapon. Pinalitan ni Col.… Continue reading 250th Presidential Airlift Wing, may bagong commander

LTO, hiningi na ang tulong ng automotive dealers association para sa pagresolba sa plate backlogs

Hiningi na ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II ang kooperasyon na isa sa pinakamalaking automotive dealers association sa bansa. Ito’y para makatuwang sa pagresolba sa backlogs sa car plates at delay sa pagpapalabas ng car registration documents. May itinatag nang Technical Working Group ang LTO na siyang nagsusuri at bumubuo ng mga solusyon… Continue reading LTO, hiningi na ang tulong ng automotive dealers association para sa pagresolba sa plate backlogs

Dagdag pondo ng DICT para sa cybersecurity, nakasalalay sa bicam

Sa Bicameral Conference Committee na maisasapinal ang kahihinatnan ng pondo ng Department of Information and Communications Technology lalo na pagdating sa kanilang confidential funds. Ayon kay House Committee on Information and Communications Technology Chair at Negros Occidental Rep. Kiko Benitez, dahil pasado na sa Kamara ang 2024 General Appropriations Bill, ang pinakatamang lugar para pag-usapan… Continue reading Dagdag pondo ng DICT para sa cybersecurity, nakasalalay sa bicam

Mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, inalerto kaugnay sa mga aktibidad ng mga PDL nito

Inalerto ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro. Sa isang pahayag, binilinan ni Catapang ang mga opisyal nito sa nasabing penal farm na maging mapagmatyag at bantayan ang galaw ng kanilang mga Person Deprived of Liberty o PDLs.… Continue reading Mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, inalerto kaugnay sa mga aktibidad ng mga PDL nito

Chief ng AFP WesMinCom pinalitan; ilan pang matataas na opisyal ng AFP, binalasa

Nakatakdang umupo sa mga bagong pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang mga appointment. Si Lt.Gen. William Gonzales ang uupo bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command, kapalit ni Major General Steve Crespillo na papalit naman kay Gonzales bilang AFP… Continue reading Chief ng AFP WesMinCom pinalitan; ilan pang matataas na opisyal ng AFP, binalasa

VP Sara Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga kinahaharap na hamon ng bansa

Nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang mga tagasuporta ilang araw matapos tanggalan ng confidential fund ang Office of the Vice President at ang Department of Education. Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na itinuturing niyang inspirasyon at lakas ang patuloy na paniniwala ng kaniyang mga tagasuporta para ipagpatuloy ang… Continue reading VP Sara Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga kinahaharap na hamon ng bansa

Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya

Nakamit ng Pilipinas ang pagkilala bilang isa sa mga nangungunang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya. Ang pagkilala ng ito ay ibinigay sa katatapos lamang ng 3rd Annual World Cruise Award na ginawa sa Dubai. Mahigpit na nakatunggali ng Pilipinas ang South Korea, Singapore, India, Japan, Sri Lanka, Taiwan, Thailand at Vietnam. Tinanghal naman ang… Continue reading Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya