12 Pinoy at 8 dayuhang sangkot sa investment scam, arestado ng CIDG

Nasakote sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation & Detection Group NCR katuwang ang Securities and Exchange Commission at Presidential Anti-Organized Crime Commission ang 12 Filipino at 8 foreign nationals na sangkot sa umano’y investment scam sa isang hotel sa Makati nitong Linggo. Nag-ugat ang operasyon makaraang magpasaklolo sa pulisya ang Enforcement and Investor Protection Department… Continue reading 12 Pinoy at 8 dayuhang sangkot sa investment scam, arestado ng CIDG

IRR ng Maharlika Investment Fund, pinasususpinde ni Pangulong Marcos Jr.

Isang emorandum order ang inilabas ngayon ng Office of the Executive Secretary para sa pagsuspinde ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023. Ang kautusan ay inilabas sa bisa na rin ng direktiba mula mismo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasuspinde muna ito habang patuloy na ito… Continue reading IRR ng Maharlika Investment Fund, pinasususpinde ni Pangulong Marcos Jr.

Malacañang, naglabas ng Memorandum Circular para sa agarang implementasyon ng “Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing Strategy”

Inilabas ngayon ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 37 para sa mabilisang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 o NACS. Pirmado ang memorandum circular ni Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan dito’y inaatasan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga GOCC na bumalangkas at magpatupad ng plano… Continue reading Malacañang, naglabas ng Memorandum Circular para sa agarang implementasyon ng “Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing Strategy”

PBBM, pinatitiyak na naipatutupad ang strategic investments ng pamahalaan gaya ng Green Lane Policy

Binigyang-diin sa isinagawang sectoral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paninigurong naipatutupad ang mas maluwag na proseso sa pamumuhunan sa bansa. Ito’y sa pamamagitan ng Green Lane na para sa mga nag-i invest ng negosyo sa bansa. Sa Malacañang briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry Philippines (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na… Continue reading PBBM, pinatitiyak na naipatutupad ang strategic investments ng pamahalaan gaya ng Green Lane Policy

SIM Registration, hiniling na suspendihin muna hanggang matiyak ang seguridad ng impormasyon ng subscribers

Nanawagan si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na suspendihin muna ang implementasyon ng R.A. 11934 o SIM Card Registration Act sa gitna ng cybersecurity attacks sa government websites at data systems. Diin ng mambabatas, kailangan munang tiyakin ng pamahalaan na matatag ang cybersecurity ng bansa at hindi muna dapat kumuha ng anumang dagdag na data… Continue reading SIM Registration, hiniling na suspendihin muna hanggang matiyak ang seguridad ng impormasyon ng subscribers

Presyo ng karneng baboy sa ikalawang bahagi ng Setyembre, bahagyang tumaas — PSA

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng bahagyang pagtaas sa presyo ng karneng baboy nitong ikalawang bahagi ng Setyembre. Sa datos ng PSA, umabot sa ₱289.80 ang average retail price ng karneng baboy na mas mataas kumpara sa unang bahagi ng Setyembre. Mas mataas rin ito kumpara sa naitalang average retail price ng karneng baboy… Continue reading Presyo ng karneng baboy sa ikalawang bahagi ng Setyembre, bahagyang tumaas — PSA

7 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide — BFAR

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa pitong baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao, Camanci, Batan sa Aklan); karagatan ng… Continue reading 7 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide — BFAR

Mga bansa sa EU, maganda ang tugon sa ginagawang panghihikayat ni PBBM na maglagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas

Positibo ang tugon ng mga bansa sa European Union (EU) kaugnay ng ginagawang panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanila para mag- invest sa Pilipinas. Ayon kay Department of Trade and Industry Philippines (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo, nang nagdeklara ang Pangulo na open for business na ang bansa ay pumasok na ang EU… Continue reading Mga bansa sa EU, maganda ang tugon sa ginagawang panghihikayat ni PBBM na maglagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas

Naranasang cybersecurity attacks ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinagkakasa ng Investigation in aid of Legislation nina 4Ps Party-list Representative JC Abalos at Minority Leader Marcelino Libanan ang Kamara para siyasatin ang magkakasunod na cyberattack sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Kamara Sa kanilang House Resolution 1392, partikular na pinakikilos ang House Committee on Information and Communications Technology upang… Continue reading Naranasang cybersecurity attacks ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pagbibigay ng reward money para mahuli ang mga hacker, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano

Iminumungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano ang pag-aalok ng reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang cybercriminal. Sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology tungkol sa nangyaring cyberattack sa sistema ng PhilHealth, sinabi ni Cayetano na maaaring mag-alok ang pamahalaan ng ₱250,000 hanggang ₱500,000 pesos na reward sa sinumang magre-report tungkol… Continue reading Pagbibigay ng reward money para mahuli ang mga hacker, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano