Japan, nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas

Nagpahayag ng interes ang Japan na isulong ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas. Ito ay sa sektor ng renewable energy, sustainable technology, infrastructure at fixed income instrument. Kabilang ito sa mga natalakay sa pagpupulong ni Finance secretary Benjamin Diokno sa mga kinatawan ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC), Mizuho Securities at Nomura Holdings sa sidelines… Continue reading Japan, nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas

Mahigit 100 sasakyan at 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa NCR para sa transport strike

Nag-deploy ang Philippine National Police ng 105 sasakyan sa National Capital Region (NCR) para umalalay sa mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela. Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brig. General Melencio Nartatez Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., 88 sasakyan mula… Continue reading Mahigit 100 sasakyan at 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa NCR para sa transport strike

Hakbang ng Cebu Provincial Gov’t na labanan ang malnutrisyon sa kanilang mga mag-aaral, ikinatuwa ni VP Sara Duterte

Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu para labanan ang malnutrisyon sa kanilang mga mag-aaral. Ito’y kasunod ng pakikipagpulong ni VP Sara kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong weekend kung saan, tinalakay din ang ilang mga programa ng lalawigan sa mga estudyanteng Cebuano. Kasunod nito,… Continue reading Hakbang ng Cebu Provincial Gov’t na labanan ang malnutrisyon sa kanilang mga mag-aaral, ikinatuwa ni VP Sara Duterte

February 25, ipinadedeklara bilang regular national public non-working holiday

Inihain ngayon ni Liberal Party President at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang House Bill 9405 na layong ideklara bilang regular national public non-working holiday ang February 25. Ito ay upang ma-institutionalize ang pag-alala at selebrasyon ng EDSA People Power. Muling bubuo ng isang EDSA Commission salig sa una nang nilagdaang Executive Order No.… Continue reading February 25, ipinadedeklara bilang regular national public non-working holiday

Ilang mga kumpanya ng langis, naglabas na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas

Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis para sa mangyayaring dagdag bawas sa produktong petrolyo bukas. Simula bukas ng alas-6 ng umaga ng Martes magpapatupad ang kumpanyang Pilipinas Shell at SeaOil ng dagdag na ₱0.55 centavos sa kada litro ng gasolina, habang may tapyas na ₱0.95 centavos kada litro ng diesel at ₱0.95 centavos naman… Continue reading Ilang mga kumpanya ng langis, naglabas na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas

MMDA, mahigpit ding mino-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada

Nakapagpakalat na ng kanilang service units ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa mga maii-stranded na pasahero dulot ng ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group. Ayon sa MMDA, dalawang bus units na nito ang kanilang ipinakalat sa bahagi ng Quirino Avenue sa Baclaran, Parañaque City na biyaheng Baclaran – Sucat. May ipinadala na… Continue reading MMDA, mahigpit ding mino-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada

Surigao solon, suportado ang hakbang para pagandahin ang Pag-asa Island

Nakakuha ng suporta mula kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang paglalaan ng pondo sa pagsasaayos ng 37.2 ektaryang Pag-asa Island sa West Philippine Sea. Ayon kay Pimentel, malaking tulong ang P3 billion na pondo na inilaan ng House leadership sa ilalim ng 2024 National Budget para i-upgrade ang mga pasilidad sa isla at… Continue reading Surigao solon, suportado ang hakbang para pagandahin ang Pag-asa Island

Sapat na suporta para sa mga mangingisda, panawagan ng isang mambabatas

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas na bigyan ng karampatang suporta ang mga malilit na mangingisda. Ito ay sa gitna na rin ng pagtaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng isda sa huling bahagi ng taon. Ayon sa BFAR bababa ng hanggang 57,839 MT… Continue reading Sapat na suporta para sa mga mangingisda, panawagan ng isang mambabatas

Taguig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa 14 na lugar sa lungsod upang umagapay sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng libreng sakay sa mga residente ng kanilang lungsod na maaapektuhan ng ikinasang tigil-pasada ngayong araw. Ayon sa pamunuang ng Taguig City, bagamat wala namang banta ng tigil-pasada ang ilang transport groups sa lungsod at walang suspensyon ng pasok sa mga mag-aaral ay nakahanda ang kanilang command tents… Continue reading Taguig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa 14 na lugar sa lungsod upang umagapay sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Transport strike ng Manibela, hindi nakaparalisa sa umagang biyahe ng mga PUV sa QC

Hindi nakaapekto sa pang-umagang biyahe ng mga pampasaherong jeep at bus sa QC ang ikinasang transport strike ng grupong Manibela. Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, marami ang bumiyaheng mga jeepney at normal ang naging sitwasyon sa mga pangunahing kalsada sa lungsod kaya walang na-stranded na pasahero kaninang morning… Continue reading Transport strike ng Manibela, hindi nakaparalisa sa umagang biyahe ng mga PUV sa QC