11 e-trike, idineploy ng QC LGU para magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada

Hindi ramdam ang transport strike sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City. Marami pa rin kasing mga pampasaherong jeep ang tuloy ang byahe ngayong Lunes ng umaga. Bukod pa sa regular na mga jeepney ay may dagdag na libreng sakay ang pamahalaang lungsod ng Quezon para umalalay sa mga pasaherong posibleng tamaan ng tigil-pasada. Kasama… Continue reading 11 e-trike, idineploy ng QC LGU para magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada

Iba’t ibang iregularidad sa Sitio Kapihan, natuklasan ng mga senador

Ibinahagi ni Senador Risa Hontiveros na mas malala pa sa inaasahan ang natuklasan nilang sitwasyon sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kung saan naninirahan ang mga miyembro ng sinasabing kulto ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI). Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng naging occular inspection sa lugar ng Senate Committee on… Continue reading Iba’t ibang iregularidad sa Sitio Kapihan, natuklasan ng mga senador

SAMASAMA 2023 Exercise, matagumpay na nagtapos

Natamo ang lahat ng “training objectives” sa isinagawang SAMASAMA 2023 Exercise sa pagitan ng Philippine Navy at US Navy na nagpahusay ng interoperability, kapabilidad, at kahandaan ng dalawang pwersa. Ito ang idineklara ni Naval Forces Southern Luzon Commander, Commodore Joe Anthony Orbe, na siyang Officer Conducting the Exercise, nang pormal niyang isara ang taunang bilateral… Continue reading SAMASAMA 2023 Exercise, matagumpay na nagtapos

Kaso ng pagpatay sa OFW na si Marjorette Garcia, mahigpit na tututukan ng DMW

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa naulilang pamilya ni Marjorette Garcia na mahigpit nilang tututukan ang kaso nito. Iyan ang binigyang-diin ni DMW Officer-In-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac makaraang bumisita ito sa burol ni Marjorette sa Pangasinan kasama si OWWA Chief Arnel Ignacio nitong weekend. Si Marjorette ang 32-taong gulang na OFW na… Continue reading Kaso ng pagpatay sa OFW na si Marjorette Garcia, mahigpit na tututukan ng DMW

Number Coding Scheme, mananatili — MMDA; Epekto ng nakaambang tigil-pasada, maliit lang

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magiging maliit lamang ang epekto ng nakaambang na tigil-pasada ng ilang grupo ng transportasyon ngayong araw. Ito ang pahayag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makaraang dumalo ito sa ipinatawag na pulong ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa mga transport group na hindi… Continue reading Number Coding Scheme, mananatili — MMDA; Epekto ng nakaambang tigil-pasada, maliit lang

Philippine Navy, pumalag sa Chinese Navy

Nag-isyu ng challenge ang BRP Benguet (LS507) sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) matapos magtangka ang barko ng China na tumawid sa harapan nito. Ang insidente, kung saan 350 metro ang naging pinakamalapit na distansya ng dalawang barko, ay nangyari sa layong 5.8 Nautical Miles sa timog-kanluran ng Pag-asa Island nitong Biyernes… Continue reading Philippine Navy, pumalag sa Chinese Navy

Kamara, nanindigan na wala nang pork barrel

Nanindigan ang miyembro ng Kamara de Representantes na walang pork barrel ang Kapulungan. Tugon ito ng political party leaders ng Kamara sa pahayag ni dating Pang. Rodrigo Duterte na pinakatiwaling institusyon ang Mababang Kapulungan dahil sa pork barrel. Kaya marapat lamang na silipin ng Commission on Audit (COA) ang paggasta nito ng pondo. Sa joint… Continue reading Kamara, nanindigan na wala nang pork barrel

DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Naging makabuluhan ang isinagawang pulong ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco sa mga dayuhang stakeholder ng turismo sa Cebu City kung saan kanilang natalakay ang mga hamon at oportunidad ng English as a Second Language (ESL) sa Pilipinas. Ang nasabing pulong ay bahagi ng listening tours ng kalihim, na layuning makakuha ng… Continue reading DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Latin Patriach ng Jerusalem umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land; Simbahang Katoliko, nananawagan ng panalangin

Sa gitna ng krisis na kinahaharap ng Israel dahil conflict na nararanasan sa Israel, nananawagan ang Latin Patriarch ng Jerusalem, si His Eminence Pierbattista Cardinal Pizzaballa, ng panalangin at sakripisyo para sa kapayapaan at pagkakasundo para sa Holy Land. Kaya naman sa isang liham, inanyayahan ni Fr. Carmelo Arada Jr., Vice Chancellor ng Archdiocese of… Continue reading Latin Patriach ng Jerusalem umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land; Simbahang Katoliko, nananawagan ng panalangin

Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA

Isinailalim na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Gaza sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon. Ibig sabihin nito, kailangan nang umalis ng Gaza ang lahat ng mga Pilipino na nandoon. Sa ngayon, nakapag-account na ang Philippine Government ng 131 na Pilipino sa Gaza, at hindi bababa sa… Continue reading Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA