Mas matinding pag-atake, pinaghahandaan na ng IT team ng Kamara; official website ng House of Representatives, naibalik na

Pasado alas-4 ng hapon nitong Lunes, nang tuluyang maibalik ang official website ng House of Representatives, matapos makaranas ng defacement nitong nakaraang Linggo. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, bagamat hindi masasabing hacking ang nangyari dahil wala naman datos o impormasyon na nakuha ay naghahanda na sila sa worst case scenario. Posible aniya na… Continue reading Mas matinding pag-atake, pinaghahandaan na ng IT team ng Kamara; official website ng House of Representatives, naibalik na

Serye ng hacking sa mga website ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Isinusulong ni Senador Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa aniya’y nakakabahalang serye ng hacking at data breaches na naranasan ng ilang mga website ng gobyerno nitong mga nakalipas na araw. Sa paghahain ng Senate Resolution 829, nais ni Hontiveros na masukat kung sapat ba ang mga umiiral na cybersecurity measures ng mga… Continue reading Serye ng hacking sa mga website ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Sen. Mark Villar, hinikayat ang pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para matulungan ang mga Pinoy sa Israel

Umapela si Senador Mark Villar sa pamahalaan ng Pilipinas na gawin ang lahat ng paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong naiipit sa giyera sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group na Hamas. Ginawa ng senador ang pahayag matapos itaas ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa… Continue reading Sen. Mark Villar, hinikayat ang pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para matulungan ang mga Pinoy sa Israel

Int’l Finance Corporation ng Worldbank, pinuri ang public-private partnership framework ng Pilipinas

Pinuri ng International Finance Corporation (IFC) ang bago at mas pinahusay na policy framework ng  Pilipinas sa public-private partnership o PPP. Ang IFC ay ang private sector investment arm ng World Bank. Sa ginawang bilateral meeting ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa ginanap na 2023 Annual World Bank-International Monetary Fund, sinabi ni IFC Regional Vice… Continue reading Int’l Finance Corporation ng Worldbank, pinuri ang public-private partnership framework ng Pilipinas

Heightened alert status ng PNP para sa BSKE, tuloy-tuloy hanggang Undas

Naka-heightened alert status na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon pagkatapos ng ipinatawag na Command Confernce ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.… Continue reading Heightened alert status ng PNP para sa BSKE, tuloy-tuloy hanggang Undas

Gold Medalist Meggie Ochoa, kinilala at binigyang parangal ng San Juan LGU

Binigyang pagkilala at parangal ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan si Margarita “Meggie” Ochoa. Ito’y matapos magwagi si Ochoa ng gintong medalya sa Jiu-Jitsu Women’s 48KG Category sa 19th Asian Games. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking karangalan aniyang maging kababayan ang isang kampeon. Magsisilbi aniyang inspirasyon si Meggie sa iba pang… Continue reading Gold Medalist Meggie Ochoa, kinilala at binigyang parangal ng San Juan LGU

MMDA, iginiit na bigo ang Manibela sa ikinasa nitong tigil-pasada

Tinawanan lamang ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson, Atty. Don Artes ang mga pahayag at patutsada ni Manibela National Chairperson Mar Valbuena. Ito’y makaraang sabihin ni Valbuena sa kanilang tigil-pasada kahapon na tila natakot umano ang pamahalaan dahil sa kinailangan pang magsuspinde ng klase ng ilang lokalidad upang hindi maramdaman ng taumbayan ang… Continue reading MMDA, iginiit na bigo ang Manibela sa ikinasa nitong tigil-pasada

8.4% na pagbaba ng index crime volume, ibinida ng PNP Chief

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagbaba ng 8.4% ng bilang ng mga kaso ng Index Crime mula January hanggang October 15 ng taong ito kumpara sa nakalipas na taon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame kasunod ng Command Conference kahapon, sinabi ni Acorda na ang pagbaba ng krimen… Continue reading 8.4% na pagbaba ng index crime volume, ibinida ng PNP Chief

Kabayan party-list solon, bumwelta sa paratang na pinopolitika ng Kamara ang confidential funds

Pinabulaanan ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang alegayson ni dating presidential spokesperson Harry Roque na pinopolitika ng Kamara ang paglilipat ng confidential funds. Ayon kay Salo, maliban sa walang basehan ay hypocritical din aniya ang mga pahayag ni Roque laban sa institusyon kung saan minsan na rin siyang naging miyembro. Kinuwestyon din ni Salo… Continue reading Kabayan party-list solon, bumwelta sa paratang na pinopolitika ng Kamara ang confidential funds

Sinasabing sister group ng SBSI, sisilipin rin ni Sen. Bato dela Rosa

Plano ring imbestigahan ng Senado ang sinasabing sister group ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa may kanlurang bahagi ng Socorro, Surigao del Norte. Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, gagawin nila ang imbestigasyon pagkatapos ng pagsisiyasat sa SBSI. Base sa mga impormasyong nakarating sa… Continue reading Sinasabing sister group ng SBSI, sisilipin rin ni Sen. Bato dela Rosa