Ilang mga kumpanya ng langis, naglabas na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas

Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis para sa mangyayaring dagdag bawas sa produktong petrolyo bukas. Simula bukas ng alas-6 ng umaga ng Martes magpapatupad ang kumpanyang Pilipinas Shell at SeaOil ng dagdag na ₱0.55 centavos sa kada litro ng gasolina, habang may tapyas na ₱0.95 centavos kada litro ng diesel at ₱0.95 centavos naman… Continue reading Ilang mga kumpanya ng langis, naglabas na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas

MMDA, mahigpit ding mino-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada

Nakapagpakalat na ng kanilang service units ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa mga maii-stranded na pasahero dulot ng ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group. Ayon sa MMDA, dalawang bus units na nito ang kanilang ipinakalat sa bahagi ng Quirino Avenue sa Baclaran, Parañaque City na biyaheng Baclaran – Sucat. May ipinadala na… Continue reading MMDA, mahigpit ding mino-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada

Surigao solon, suportado ang hakbang para pagandahin ang Pag-asa Island

Nakakuha ng suporta mula kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang paglalaan ng pondo sa pagsasaayos ng 37.2 ektaryang Pag-asa Island sa West Philippine Sea. Ayon kay Pimentel, malaking tulong ang P3 billion na pondo na inilaan ng House leadership sa ilalim ng 2024 National Budget para i-upgrade ang mga pasilidad sa isla at… Continue reading Surigao solon, suportado ang hakbang para pagandahin ang Pag-asa Island

Sapat na suporta para sa mga mangingisda, panawagan ng isang mambabatas

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas na bigyan ng karampatang suporta ang mga malilit na mangingisda. Ito ay sa gitna na rin ng pagtaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng isda sa huling bahagi ng taon. Ayon sa BFAR bababa ng hanggang 57,839 MT… Continue reading Sapat na suporta para sa mga mangingisda, panawagan ng isang mambabatas

Taguig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa 14 na lugar sa lungsod upang umagapay sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng libreng sakay sa mga residente ng kanilang lungsod na maaapektuhan ng ikinasang tigil-pasada ngayong araw. Ayon sa pamunuang ng Taguig City, bagamat wala namang banta ng tigil-pasada ang ilang transport groups sa lungsod at walang suspensyon ng pasok sa mga mag-aaral ay nakahanda ang kanilang command tents… Continue reading Taguig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa 14 na lugar sa lungsod upang umagapay sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Transport strike ng Manibela, hindi nakaparalisa sa umagang biyahe ng mga PUV sa QC

Hindi nakaapekto sa pang-umagang biyahe ng mga pampasaherong jeep at bus sa QC ang ikinasang transport strike ng grupong Manibela. Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, marami ang bumiyaheng mga jeepney at normal ang naging sitwasyon sa mga pangunahing kalsada sa lungsod kaya walang na-stranded na pasahero kaninang morning… Continue reading Transport strike ng Manibela, hindi nakaparalisa sa umagang biyahe ng mga PUV sa QC

PNP Chief, nanawagan sa kolaborasyon ng lahat ng sektor para sa tagumpay ng BSKE

Nanawagan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang pamahalaan, civil society, academe, mga relihiyosong samahan, at pribadong sektor na magtulungan para sa isang matagumpay na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE). Ang panawagan ay ginawa ng PNP Chief sa regular na Monday flag raising ceremony sa… Continue reading PNP Chief, nanawagan sa kolaborasyon ng lahat ng sektor para sa tagumpay ng BSKE

Mandatory na paglalagay ng nutrition label sa food packaging, ipinapanukala

Itinutulak ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar na gawing mandatory ang paglalagay ng nutrition label sa lahat ng pre-packed food products. Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 9344 o Philippine Nutrition Labeling Act lahat ng pre-packed food products ay dapat maglagay ng label na naglalaman ng nutrisyong makukuha sa produkto.… Continue reading Mandatory na paglalagay ng nutrition label sa food packaging, ipinapanukala

Mga nagbibigay ng lagay sa LTFRB, dapat ding imbestigahan — SEKYU

Nanawagan ang non-governmental organization na SEKYU (Seguridad Kontra Katiwalian at Abuso) sa mga mambabatas na isama na sa kanilang gagawing imbestigasyon ang mga nakinabang sa umano’y “lagayan system” sa napaulat na korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang pahayag ay ginawa ng grupo nang sabihin ng Kongreso at National Bureau of Investigation… Continue reading Mga nagbibigay ng lagay sa LTFRB, dapat ding imbestigahan — SEKYU

Ilang lungsod sa southern part ng Metro Manila, sinuspinde na ang klase ngayong araw

Suspendido na ngayong araw ang ilang klase sa iba’t ibang lungsod sa southern part ng Metro Manila, kasunod pa rin ng tigil-pasada na ikinakasa ng ilang transport group ngayong araw. Kabilang sa mga nagsuspinde ang Lungsod ng Las Piñas at Parañaque habang ang Lungsod naman ng Pasay ay suspendido lamang ang face-to-face classes pero tuloy… Continue reading Ilang lungsod sa southern part ng Metro Manila, sinuspinde na ang klase ngayong araw