Panawagang palayain na ng Hamas ang mga hawak nitong bihag, sinegundahan ng ICRC

Nakiisa ang International Committee of the Red Cross sa panawagang palayain na ng rebeldeng Hamas ang mga hawak nitong bihag. Ginawa ng ICRC ang pahayag kasunod ng paglapit sa kanila ng pamilya ng ilang mga napaulat na bihag na nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay. Batay sa ulat ng ICRC, nakikipag-ugnayan na sila… Continue reading Panawagang palayain na ng Hamas ang mga hawak nitong bihag, sinegundahan ng ICRC

Paggamit ng Artificial Intelligence sa edukasyon, dapat gamitin sa kabutihan — VP Sara

Pinaalalahanan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga guro at mag-aaral na dapat maging responsable sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa edukasyon Ayon sa Pangalawang Pangulo, bagaman batid niya ang tulong na naibibigay ng AI sa pag-aaral ng mga kabataan dapat din aniyang tingnan ang mga disadvantage nito. Giit ni… Continue reading Paggamit ng Artificial Intelligence sa edukasyon, dapat gamitin sa kabutihan — VP Sara

PNP, handang muling magpadala ng mga tauhan para magbantay sa mga penal colony

Muling tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kanilang kahandaan na magpadala ng mga tauhan sa mga penal colony sa bansa gaya ng New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo bilang tulong sa pagnanais ng BuCor na malinis ang mga penal… Continue reading PNP, handang muling magpadala ng mga tauhan para magbantay sa mga penal colony

IMF, nakabantay sa nagbabantang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa global economy

Masusi ngayong binabantayan ng International Monetary Fund o IMF ang Israel-Hamas conflict na nagbabantang makaapekto sa global economy. Ayon kay IMF Managing Director Kristalina Georgieva, bagaman masyado pang maaga upang malaman ang epekto nito sa ekonomiya, mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon lalo ang oil market. Ito ang kanyang pahayag sa ginaganap ngayong annual meeting ng… Continue reading IMF, nakabantay sa nagbabantang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa global economy

LRT-2, balik operasyon na kasunod ng nangyaring magnitude 5 na lindol sa Calaca, Batangas

Balik-operasyon na ang LRT-2 matapos ang naramdamang magnitude 5 na lindol sa Calaca, Batangas. Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ligtas at walang structural defects na nakita sa lahat ng istasyon at mga riles ng LRT-2. Ito ay matapos ang isinagawang safety inspection sa mga pasilidad ng linya para matiyak ang kaligtasan ng lahat… Continue reading LRT-2, balik operasyon na kasunod ng nangyaring magnitude 5 na lindol sa Calaca, Batangas

₱25 milyong halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang Malaysian sa NAIA

Arestado ang isang biyaherong Malaysian matapos makuha sa kanyang bagahe ang ₱25.3 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport. Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang suspek na si Mohammad Ahtsham Bin Mohammad Afzal. Dumating ang suspek sa bansa kagabi sakay ng… Continue reading ₱25 milyong halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang Malaysian sa NAIA

Mga Pilipinong ililikas mula sa Israel at Palestine, handang tulungan ng DSWD

Handang umagapay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga manggagawang Pilipino na maililikas mula sa bansang Israel at Palestine. Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Operations Group nitong makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa detalye ng mga Pinoy na nais nang ma-repatriate mula sa Israel. Kasama sa… Continue reading Mga Pilipinong ililikas mula sa Israel at Palestine, handang tulungan ng DSWD

Mga Pinoy caregiver sa Israel, binigyang pugay ng isang mambabatas; Kasambahay Law, hiniling na amyendahan

Kinilala ni House Committee on Senior Citizens Chair at Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga OFW sa Israel, partikular ang caregivers. Aniya, natatangi ang ipinakitang pagmamalasakit ng mga Pinoy caregiver na hindi iniwan ang kanilang mga inaalagaang nakatatanda at bata sa gitna ng nangyayaring sigalot doon. “Dakila ang malasakit ng OFW caregivers sa… Continue reading Mga Pinoy caregiver sa Israel, binigyang pugay ng isang mambabatas; Kasambahay Law, hiniling na amyendahan

Pag-designate sa Hamas bilang teroristang organisasyon, gagawing prayoridad ni National Security Adviser Sec. Año

Bilang pakikiisa sa Israel, gagawing prayoridad ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang pagsulong ng designasyon ng Anti-Terrorism Council sa Hamas bilang teroristang organisasyon sa ilalim ng RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020. Ito ang inihayag ni Sec. Año sa isang statement kasunod ng teroristang pag-atake ng Hamas sa Israel kung saan mahigit… Continue reading Pag-designate sa Hamas bilang teroristang organisasyon, gagawing prayoridad ni National Security Adviser Sec. Año

Pilipinas, nakatakdang mag-host sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa 2024

Nakatakdang mag-host ang Pilipinas sa taunang Asia Pacific on Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction and Management Council sa susunod na taon. Sa launching ng official hosting ng Pilipinas sa ASIA Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang kahalagahan ng naturang ministerial meeting dahil isa ang ating… Continue reading Pilipinas, nakatakdang mag-host sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa 2024