Mga mangingisdang biktima ng pagbangga ng foreign vessel sa karagatan ng Pangasinan, ibinahagi ang naging karanasan sa Senado

Humarap sa pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones ang mga mangingisdang nakaligtas sa naging pagbangga ng MT Pacific Anna sa kanilang bangka sa karagatan ng Agno, Pangasinan noong Oktubre 2. Sa pagdinig ay isinalasay ng isa sa mga survivor na si Johnny Manlolo na pasado alas-kwatro ng umaga ay nakasilong sila… Continue reading Mga mangingisdang biktima ng pagbangga ng foreign vessel sa karagatan ng Pangasinan, ibinahagi ang naging karanasan sa Senado

Magnitude 5 na lindol, tumama sa Batangas; pagyanig, naramdaman hanggang Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bahagi ng Calaca, Batangas ngayong umaga lang na naramdaman hanggang Metro Manila. Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol ganap na 8:24 ng umaga. Natukoy ang epicenter nito sa layong 5km Timog Kanluran ng Calaca at may lalim na 14km. Tectonic naman ang origin ng lindol. Naitala ang Instrumental… Continue reading Magnitude 5 na lindol, tumama sa Batangas; pagyanig, naramdaman hanggang Metro Manila

Pagbibigay ng umano’y security escort ng mga pulis sa mga Chinese POGO operator, handang paimbestigahan ng DILG

Nakahanda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na paimbestigahan ang umano’y pagbibigay ng security escort ng mga pulis sa Chinese POGO operators. Ito ang inihayag ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. Ayon kay Abalos, sakali man na may mga pulis na nagbibigay ng security escort sa Chinese POGO operators ay hindi ito… Continue reading Pagbibigay ng umano’y security escort ng mga pulis sa mga Chinese POGO operator, handang paimbestigahan ng DILG

Bilang ng PUV units na nabigyan ng fuel subsidy, sumampa na sa 120,000 — LTFRB

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidy sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers na naapektuhan ng walang prenong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Sa tala ng ahensya, as of October 11, umakyat na sa 120,496 units ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap… Continue reading Bilang ng PUV units na nabigyan ng fuel subsidy, sumampa na sa 120,000 — LTFRB

Pinakamahusay na LGUs, kinilala ng DILG sa 2023 Galing Pook Awards

Binigyang pugay at ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pinakamahuhusay na local government units (LGUs) at civil society organizations (CSOs) sa ginanap na 2023 Galing Pook Award. Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang awarding ceremony para sa naturang parangal na kumikilala sa mga LGU at CSOs na nagsusulong… Continue reading Pinakamahusay na LGUs, kinilala ng DILG sa 2023 Galing Pook Awards

PSA data breach, hindi isang ransomware attack — DICT

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi nabiktima ng isang ransomware ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa nangyaring data breach sa sistema nito. Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na mahigpit na itong nakatutok sa nangyaring data leak sa PSA kung saan naapektuhan ang Community-Based Monitoring System nito. Kasama sa iniimbestigahan… Continue reading PSA data breach, hindi isang ransomware attack — DICT

Paglalabas ng mga imported na asukal sa merkado, ipinatigil ng SRA

Iniutos ngayon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagpapatigil sa distribusyon at conversion ng mga imported na asukal. Alinsunod ito sa ilalim ng inilabas nitong Sugar Order 7 upang mapigilan ang pagbagsak ng farm gate price sa asukal ngayong harvest season. Sa naturang kautusan, mananatili munang “reserved” ang klasipikasyon ng 150,000 metric tons (MT) ng… Continue reading Paglalabas ng mga imported na asukal sa merkado, ipinatigil ng SRA

Bentahan ng baboy sa Muñoz Market, nananatiling mataas

Nananatiling mataas ang bentahan ng baboy sa Muñoz Market sa Quezon City. Aminado rito ang ilang nagtitinda sa palengke sa gitna ng tumataas ring halaga ng kanilang kuha sa mga supplier. Sa ngayon, naglalaro sa ₱290-₱300 ang bentahan sa kada kilo ng kasim sa Muñoz Market, habang ₱340-₱350 naman sa liempo. Dahil dito, medyo matumal… Continue reading Bentahan ng baboy sa Muñoz Market, nananatiling mataas

Paghahain ng kaso vs. mga sangkot sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas, ikinalugod ng House Committee on Agriculture Chair

Welcome para kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang pag-usad ng kaso laban sa mga sangkot sa hoarding at price manipulation ng sibuyas noong nakaraang taon. Aniya, ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga indibidwal na sangkot ay patunay na produktibo ang ginawa nilang serye… Continue reading Paghahain ng kaso vs. mga sangkot sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas, ikinalugod ng House Committee on Agriculture Chair

Pamilya ng isa sa 2 Pilipinong nasawi kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Israel, nakausap na ng DMW

Personal nang naipaabot ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikiramay sa pamilya ng isa sa dalawang Pilipino na nasawi sa nagpapatuloy na gulo sa Israel. Mismong si DMW Officer-in-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac ang humarap sa mga ito at tiniyak ang tulong na ihahatid ng pamahalaan para sa kanila. Samantala, sinabi ni Cacdac na… Continue reading Pamilya ng isa sa 2 Pilipinong nasawi kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Israel, nakausap na ng DMW