Mindanao solon, pinayuhan ang mga grupo na pinagbabangga ang presidente at bise presidente na unahing magsilbi sa bayan

Nanawagan si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa lahat ng sektor lalo na ang mga opisyal ng gobyerno na suportahan ang Marcos Jr. administration sa hakbang nito na paunlarin pa ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Pimentel, dapat samantalahin ang pambihirang pagkakataon na magkaisa para sa ikatatagumpay ng mga priority program ng pamahalaan. “Our… Continue reading Mindanao solon, pinayuhan ang mga grupo na pinagbabangga ang presidente at bise presidente na unahing magsilbi sa bayan

Pagpapauwi sa mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel, ikinakasa na ng DMW

Patuloy na tumatanggap ng mga request ang Department of Migrant Workers o DMW mula sa mga Pilipino sa Israel na nagnanais nang umuwi sa bansa. Ito ang inihayag ni DMW Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac sa ipinatawag na pulong balitaan ngayong hapon. Aniya, nakatuon ang kanilang repatriation efforts sa Israel kung saan naroon ang humigit… Continue reading Pagpapauwi sa mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel, ikinakasa na ng DMW

DMW, naghahanda na ng mga hakbang kasunod ng pagtataas ng Alert Level 3 sa Gaza Strip

Inihahanda na ng Department of Migrant Workers o DMW ang mga gagawin nitong hakbang para sagipin ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Israel at Gaza Strip. Katunayan, isang pulong balitaan ang ipinatawag ng DMW ngayong hapon na pangunguahan ni DMW Officer-In-Charge, USec. Hans Leo Cacdac. Una rito, kinumpirma ni Department of Foreign Affairs –… Continue reading DMW, naghahanda na ng mga hakbang kasunod ng pagtataas ng Alert Level 3 sa Gaza Strip

Embahada ng Pilipinas sa Israel, nangako sa mga pamilya ng 2 nasawi ng agarang pag-uwi ng mga labi

Nangako ang embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga pamilya ng nasawing OFWs sa Israel na tutulong sila sa agarang pag-uwi ng mga labi nito sa Pilipinas at pagsiguro na makatatangap ng tulong pinansyal sa national government. Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli government upang agarang ma-retrieve… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Israel, nangako sa mga pamilya ng 2 nasawi ng agarang pag-uwi ng mga labi

PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police o PNP ang impormasyon na ilang tauhan umano ng Highway Patrol Group ang nagsisilbing escort ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Ayon kay PNP Public Information Office o PIO Chief, P/Col. Jean Fajardo, maaaring patawan ng paglabag sa Memorandum Circular 2016-002 ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot… Continue reading PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

Inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang wanted na pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Tuguegarao at lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ngayong Huwebes, kinilala ang mga arestadong pulis na sina Pat. Adrian France… Continue reading Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

DICT at NPC, kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng data breach sa PSA

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC) na agad na tukuyin ang mga responsable sa hacking na nangyari sa Philippine Statistics Authority at nakakompromiso ng kanilang Community-Based Monitoring System (CBMS). Ayon kay Gatchalian, ang data breach na ito ay labis na nakakaalarma at nangangailangan… Continue reading DICT at NPC, kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng data breach sa PSA

Pagbabayad ng Philhealth ng claims sa mga pampubliko at pribadong ospital, apektado ng cyber attack

Hindi pa makumpirma ng mga public at private hospital kung nabayaran na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang nasa ₱19 bilyon na claims dahil sa nangyaring cyber attack sa sistema ng ahensya. Ito ang lumabas sa naging pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senadora Pia Cayetano. Sa pagdinig, sinabi ni PhilHealth… Continue reading Pagbabayad ng Philhealth ng claims sa mga pampubliko at pribadong ospital, apektado ng cyber attack

DFA, itinaas na sa Alert Level 2 ang Israel; deployment ng bagong OFWs sa naturang bansa, suspendido

Itinaas na sa Alert Level 2 ang bansang Israel dahil sa tumitinding kaguluhan doon. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang naturang pagtaas ng alerto ay dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas group at dahil na rin sa patuloy na banta sa seguridad ng ating… Continue reading DFA, itinaas na sa Alert Level 2 ang Israel; deployment ng bagong OFWs sa naturang bansa, suspendido

Pro-Movers Transport Alliance, hindi sasali sa transport strike sa Lunes

Walang balak na magtigil pasada ang grupo ng mga transport operators at drivers ng Pro-modern Vehicles for Economic Response Stability o Pro-Movers Transport Alliance. Sa isinagawang pulong balitaan sa QC, sinabi ng grupo na hindi sila makikilahok sa isasagawang “transport strike” ng Manibela na anila ay layon lang na pahirapan ang riding public. Handa rin… Continue reading Pro-Movers Transport Alliance, hindi sasali sa transport strike sa Lunes