PBBM, inilarawan ang pakikipag-usap sa mga naulilang kaanak ng 2 nasawing Pilipino sa Israel

Nakausap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaanak ng dalawang OFW sa Israel na nakabilang sa listahan ng casualties kaugnay ng sumiklab na kaguluhan roon. Sa Facebook post ng Pangulo, inihayag nito na iyon ang pinakamahirap na phone call na kaniyang nagawa bilang Presidente ng bansa. Makikita sa larawan ng Presidente ang magkahalong pag-alala,… Continue reading PBBM, inilarawan ang pakikipag-usap sa mga naulilang kaanak ng 2 nasawing Pilipino sa Israel

SEC, pupulungin ang mga business group ngayong araw upang talakayin ang plano na pagtataas ng regulatory fees

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang ilang grupo ng  mga negosyante at ang Securities and Exchange Commission (SEC)  upang talakayin ang panukalang pagtataas ng fees and charges ng komisyon. Sa statement ng SEC, sinabi nito na welcome sa kanila ang mga concerns ng mga business groups kung saan inireklamo ng mga ito ang planong pagtataas ng… Continue reading SEC, pupulungin ang mga business group ngayong araw upang talakayin ang plano na pagtataas ng regulatory fees

House tax panel, inaprubahan ang panukalang bawasan ang buwis sa taya at panalo sa lotto

Pinagtibay na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto. Sa ilalim ng House Bill 9277, ang final tax rate para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at panalo sa lotto ay ibababa na sa 10% mula sa kasalukuyang 20%. Mananatili namang… Continue reading House tax panel, inaprubahan ang panukalang bawasan ang buwis sa taya at panalo sa lotto

Pamilya ni Francis Jay Gumikib, pinag-aaralan ang pagkuha ng 2nd opinion matapos malaman ang autopsy report sa pagkamatay ng binatilyo

Inamin ng ina ni Francis Jay Gumikib na si Aling Elena Minggoy na hindi nila matanggap ang naging resulta ng autopsy report na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Aling Elena, iginiit nito ang kaniyang paniniwalang sa sampal ng guro nasawi ang kaniyang anak. Kuwento niya, nagsimulang… Continue reading Pamilya ni Francis Jay Gumikib, pinag-aaralan ang pagkuha ng 2nd opinion matapos malaman ang autopsy report sa pagkamatay ng binatilyo

OFW lounge sa NAIA Terminal 1 at 3, target buksan sa Disyembre

Posibleng maging operational na sa Disyembre ang itatayong OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 3. Ito ang sinabi ng Manila International Airport Authority kay OFW partylist Rep. Marissa Magsino kasabay ng ginawang ocular inspection sa lugar kung saan itatayo ang lounge. Ang sukat ng OFW lounge na itatayo sa Terminal… Continue reading OFW lounge sa NAIA Terminal 1 at 3, target buksan sa Disyembre

DSWD, magbibigay ng ₱1-B ayuda sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Egay noong Hulyo

Patuloy pa rin ang paglalaan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga rehiyong tinamaan ng pananalasa ng Super Typhoon Egay noong Hulyo. Ayon sa DSWD, nakatakda pa itong mamahagi ng ₱1.1 billion Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad. Ito ay ilalaan sa mga apektado sa Cordillera… Continue reading DSWD, magbibigay ng ₱1-B ayuda sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Egay noong Hulyo

Police trainee na sumagip sa nalulunod na bata, pinuri ng PNP Chief

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang police trainee ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakuhanan ng video sa aktong pagligtas ng nalulunod na bata. Ayon sa PNP Chief, nagpamalas ng kakaibang lakas ng loob at walang pag-iimbot si Police Trainee August David nang sagipin niya ang batang babae mula… Continue reading Police trainee na sumagip sa nalulunod na bata, pinuri ng PNP Chief

Finland, magsisilbing inspirasyon ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng edukasyon —VP Sara Duterte

Magsisilbing inspirasyon ng Pilipinas ang bansang Finland para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Ito ang inihayag ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte nang makipagpulong siya kay Finland Ambassador to the Philippines Markus Pyykko nang magsagawa ito ng courtesy call. Ayon kay VP Sara, naging mabunga naman ang pagpupulong nila ng… Continue reading Finland, magsisilbing inspirasyon ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng edukasyon —VP Sara Duterte

PH Embassy sa Amman, inirekomenda na itaas sa Alert Level 3 ang estado ng Gaza

Palestinians walk through the rubble of buildings destroyed by Israeli airstrikes in Gaza City on Tuesday, Oct. 10, 2023. (AP Photo/Hassan Eslaiah)

Inirekomenda ni Philippine Ambassador to Amman Wilfredo Santos kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas sa Alert Level 3 ang estado sa Gaza. Ito ang ibinahagi mismo ng embahador sa briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs patungkol sa gulo sa southern region ng Israel partikular sa Gaza. Ang naturang rekomendasyon ay bunsod… Continue reading PH Embassy sa Amman, inirekomenda na itaas sa Alert Level 3 ang estado ng Gaza

33% ng mga Pinoy, naniniwalang bumuti ang kalidad ng buhay — SWS

Naniniwala ang 33% ng mga Pilipino na bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay kung ikukumpara noong nakalipas na 12 buwan, batay yan sa survey ng Social Weathers Stations (SWS). Mas mataas ito kung ikukumpara sa 29% na resulta ng kaparehong survey na isinagawa noong Marso. Sa survey na isinagawa mula June 28-July 1, bumaba rin… Continue reading 33% ng mga Pinoy, naniniwalang bumuti ang kalidad ng buhay — SWS