Kamara, kaisa sa nais ni dating Pang. Rodrigo Duterte na maging transparent sa paggugol ng pondo

Sinang-ayunan ng Kamara ang pahayag ni dating Pang. Rodrigo Duterte na kailangan maging ‘transparent’ at ‘auditable’ ang paggugol sa pondo batay sa inilabas na pahayag ni House Sec. Gen. Reginald Velasco. Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ng dating pangulo na kung gustong tumakbo ni House Speaker Martin Romualdez sa pagkapangulo ay wala itong problema… Continue reading Kamara, kaisa sa nais ni dating Pang. Rodrigo Duterte na maging transparent sa paggugol ng pondo

PSA, iniimbestigahan na ang napaulat na data breach sa kanilang sistema

Nagkasa na ng imbestigasyon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa napaulat na data breach sa kanilang sistema. Ayon sa PSA, agad nitong inactivate ang kanilang Data Breach Response Team (DBRT) para imbestigahan ito at nakikipagtulungan na rin sa National Privacy Commission (NPC), National Computer Emergency Response Team-Philippines (NCERT-PH) ng DICT at Anti-Cybercrime Group ng Philippine… Continue reading PSA, iniimbestigahan na ang napaulat na data breach sa kanilang sistema

Anim na ahensya ng gobyerno, tinapyasan ng confidential fund

Maliban sa limang ahensya ng gobyerno na tinanggalan ng confidential fund, ay mayroong anim na iba pang kagawaran na binawasan naman ng naturang pondo. Ayon kay Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo, sa kabuuang P1.23 billion confidential fund na ni-realign, P1.05 billion dito ang mula sa limang national agencies na tinaggalan ng CF. Ito ang… Continue reading Anim na ahensya ng gobyerno, tinapyasan ng confidential fund

Batangas solon, hiniling sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa Israel at Gaza

Pinakokonsidera ni Batangas Representative Jerville Luistro sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa mga kababayan nating Pilipino sa Israel at Gaza. Sa ikinasang briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs tungkol sa sitwasyon sa Israel, sinabi ni Luistro na kung pagbabatayan ang international news reports ay masasabi na ang mga pag-atake ay… Continue reading Batangas solon, hiniling sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa Israel at Gaza

Pilipinas, mahigpit na binabantayan ang presyo ng langis sa world market sa gitna ng  posibleng ‘supply disruption’ bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas

Binabantayan ngayon ng gobyerno ang potensyal na epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa ekonomiya ng Pilipinas. Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na minimal pa lamang ang epekto ng tensyon sa Israel sa presyo ng langis sa ngayon pero aniya posibleng magkaroon ito ng epekto sa pandaigdigang… Continue reading Pilipinas, mahigpit na binabantayan ang presyo ng langis sa world market sa gitna ng  posibleng ‘supply disruption’ bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas

Humanitarian workers sa Israel, dapat magkaroon ng free passage para tulungan ang mga naiipit sa gulo roon — Int’l Committe of the Red Cross

Nakahanda ang International Committee of the Red Cross (ICRC) na mag-abot ng mga kinakailangang tulong sa mga naiipit sa gulo sa Israel. Ayon kay ICRC President Mirjana Spoljaric (Miryana Spolyarich), nasaksihan na ng kanilang grupo ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine lalo na sa Gaza Strip at walang ibang namayani roon kundi ang… Continue reading Humanitarian workers sa Israel, dapat magkaroon ng free passage para tulungan ang mga naiipit sa gulo roon — Int’l Committe of the Red Cross

Pagkasawi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, di bunga ng pananampal ng guro nito — Antipolo Police

Kinumpirma ng Antipolo City Police Office na nailahad na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group mula sa Kampo Crame ang resulta ng isinagawang autopsy report nito sa labi ni Francis Jay Gumikib. Ayon kay Antipolo City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, walang kaugnayan sa pananampal kay Francis Jay ng kaniyang guro sa… Continue reading Pagkasawi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, di bunga ng pananampal ng guro nito — Antipolo Police

Senador Angara, pinabulaanang may napagkasunduan ang Kamara at Senado tungkol sa pag-aalis ng CIF ng ilang government agencies

Itinanggi ni Senate Committee on Finance Chairman Senador Sonny Angara na ‘done deal’ na ginawang hakbang ng kamara na alisan ng confidential and intelligence fund (CIF) ang limang ahensya ng gobyerno. Tugon ito ni Angara na sa pahayag ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co na hindi na mababago ang desisyon ng Kamara at na… Continue reading Senador Angara, pinabulaanang may napagkasunduan ang Kamara at Senado tungkol sa pag-aalis ng CIF ng ilang government agencies

Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Nagkausap sa Malacañan ngayong araw (October 11) sina Pangulong Ferdinand F. Marcos Jr. at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, kung saan binigyan ng ambahador ng update ang pangulo kaugnay sa sitwasyon sa Israel. Sa pagu-usap ng dalawang opisyal, naghayag ng paga-alala ang pangulo sa kalagayan ng tatlo pang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan, hindi… Continue reading Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Cyber attack laban sa PSA, kinondena ni Sen. Mark Villar

Kinondena ni Senador Mark Villar ang sunod-sunod na cyber attacks na naranasan ng ilang mga ahensya ng gobyerno, kung saan ang pinakabagong biktima ay ang Philippine Statistics Authority (PSA). Nakakabahala aniya ang ganitong cyber attacks dahil laging may panganib na mapunta sa cyber space ang impormasyon ng general public at mapasakamay ng mga kriminal. Sa… Continue reading Cyber attack laban sa PSA, kinondena ni Sen. Mark Villar