Kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, nananatiling top-priority ng pamahalaan – House Speaker Romualdez

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa pagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Pilipino dahil sa nagpapatuloy na gulo sa southern region ng Israel. Aniya, ang pagkawala ng buhay ng dalawa nating kababayan ay malagim na paalala sa kung ano ang epekto ng karahasan sa buhay ng mga inosente. Panawagan ng House Leader sa combatants, na… Continue reading Kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, nananatiling top-priority ng pamahalaan – House Speaker Romualdez

PH at US Navy, nagsagawa ng Gunnery at Air Defense Exercise

Nagsagawa ang Philippine Navy at US Navy ng Gunnery (GUNNEX) at Air Defense exercise (ADEX) sa ika-apat na araw ng “Sea phase” ng SAMASAMA 2023 Bilateral Exercise sa pagitan ng dalawang pwersa. Sa GUNNEX ay ginamit ng BRP Antonio Luna (FF151) ang kanyang Aselsan SMASH 30mm gun at .50cal guns; habang ang USS Dewey (DDG105)… Continue reading PH at US Navy, nagsagawa ng Gunnery at Air Defense Exercise

May-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig, ipinatawag ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig City. Sa naturang kautusan na pirmado ni LTO-National Capital Region Regional Director Roque Verzosa III, pinagpapaliwanag ng registered owner ng motor kung bakit hindi ito dapat na managot sa patong-patong na traffic… Continue reading May-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig, ipinatawag ng LTO

OFW Party-list solon, ikinalungkot ang pagkamatay ng 2 Pilipino dahil sa gulo sa Israel

Nagpaabot ng pakikiramay si OFW Partylist Representative Marissa Magsino sa naiwang pamilya ng dalawang Pilipino na nasawi dahil sa gulo sa Israel at Gaza Strip. Ayon kay Magsino, nakakalungkot ang pangyayari at kaisa sila sa pagdadalamhati ng Filipino Community sa Israel. Batid aniya ng pamahalaan ang napakahirap na sitwasyon ngayon ng mga Overseas Filipinos at… Continue reading OFW Party-list solon, ikinalungkot ang pagkamatay ng 2 Pilipino dahil sa gulo sa Israel

Mga tauhan ng DSWD, sumailalim sa cybersecurity workshop

Kasunod ng dumaraming insidente ng cybercrime, mas pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hakbang nito para hindi mabiktima ng mga hacker. Sumailalim sa tatlong araw na cybersecurity workshop ang Information and Communications Technology (ICT) team ng ahensya sa direktiba na rin ni DSWD Sec Rec Gatchalian. Ayon kay DSWD Asec.… Continue reading Mga tauhan ng DSWD, sumailalim sa cybersecurity workshop

Pagbubukas ng AFP-PNP-PCG-BFP-BJMP OLYMPICS 2023, pinangunahan ni Gen. Brawner

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng AFP-PNP-PCG-BFP-BJMP (AFP-Philippine National Police-Philippine Coast Guard-Bureau of Fire Protection-Bureau of Jail Management and Penology) Olympics 2023 sa Lapu-Lapu Grandstand, Camp Aguinaldo kahapon. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng “camaraderie” sa pagitan ng… Continue reading Pagbubukas ng AFP-PNP-PCG-BFP-BJMP OLYMPICS 2023, pinangunahan ni Gen. Brawner

Mas mabilis na aksyon para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, panawagan ng House Panel Chief

Binigyang diin ni Overseas Workers Affairs Committee Chair Ron Salo ang kahalagahan ng agarang aksyon ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel bunsod na lumalalang gulo sa naturang bansa. Kasunod ito ng pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pilipino ang nasawi dahil sa pag-atake ng grupong Hamas sa Gaza.… Continue reading Mas mabilis na aksyon para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, panawagan ng House Panel Chief

Iba pang online service ng PhilHealth, nagbalik na rin

Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na nakabalik na ang iba pa nilang online service matapos ang pag-atake ng Medusa ransomware syndicate noong isang buwan. Batay sa abiso ng PhilHealth, maaari na ring ma-access ng kanilang mga miyembro ang iba pa nilang serbisyo gaya ng eGroup na magagamit para sa group enrollment sa… Continue reading Iba pang online service ng PhilHealth, nagbalik na rin

Aquaculture at Post Harvest Development, tampok sa 10th Fisheries Scientific Conference

Nagsamasama ang mga researcher at mga estudyanteng nangangarap na maging scientist sa ika-10 Fisheries Scientific Conference na idinaos sa Marikina Convention Center ngayong araw. Layunin ng biennial conference na mapag-usapan ang food security, tamang nutrisyon at kung paano pa mapalalakas ang sektor ng pangingisda. Pinangunahan ni Department of Agriculture Undersecretary at National Fisheries Research and… Continue reading Aquaculture at Post Harvest Development, tampok sa 10th Fisheries Scientific Conference

Mataas na presyo ng krudo, papalapit na Pasko, dahilan ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy — mga tindero

Isinisisi ng mga tindero sa Marikina City Public Market ang pananatiling mataas ng presyo ng karneng baboy sa papalapit na Pasko at mataas pa ring presyo ng mga produktong petrolyo. Ito’y sa kabila ng ipinatupad na ₱3 rollback ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto kahapon. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱360… Continue reading Mataas na presyo ng krudo, papalapit na Pasko, dahilan ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy — mga tindero