Ulat sa serye ng pagnanakaw sa mga establisyimento sa QC, fake news — PNP

Binansagan ng Philippine National Police bilang fake news ang mga ulat tungkol sa umano’y serye ng pagnanakaw sa mga establisyimento sa Lungsod Quezon na kumakalat sa social media. Sa isang statement ni Quezon City Police District Director Police Brig. Gen. Red Maranan na inilabas ng PNP Public Information Office, maring pinabulaanan ng heneral ang mga… Continue reading Ulat sa serye ng pagnanakaw sa mga establisyimento sa QC, fake news — PNP

BIR, napanatili ang 100% compliance rating sa 888 Citizens’ Complaint Center

Sa ikawalong sunod na buwan, ay muling naitala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 100% na compliance rating nito sa 8888 Citizens’ Complaint Center (8888 CCC). Batay sa report ng 8888, lumalabas na mula Enero hanggang nitong Agosto ay umabot sa 962 citizens concerns ang natanggap ng ahensya na lahat ay naresolba sa loob… Continue reading BIR, napanatili ang 100% compliance rating sa 888 Citizens’ Complaint Center

Suspek na NAIA Terminal-3 molotov incident, napasakamay na ng awtoridad — MIAA

Nahuli na ang ang utak sa nangyaring molotov incident sa NAIA Terminal-3 open parking kamakailan. Pinangalanan ang suspek na si Renieldo Dela Peña Perez, alyas “Bolayog,” ang may kakagawan ng pagsabog sa parking lot ng NAIA Termial-3 kung saan nagdulot ng pangamba sa mga pasahero at seguridad ng paliparan at umabot sa tatlong sasakyan ang… Continue reading Suspek na NAIA Terminal-3 molotov incident, napasakamay na ng awtoridad — MIAA

BIR, nagpaalala sa pinalawig na deadline at coverage ng Estate Tax Amnesty

Muling hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga indibidwal na mayroon pang hindi nababayarang Estate Tax na i-avail na ang pinalawig na Estate Tax Amnesty. Sa inisyung Revenue Regulations (RR) No. 10-2023, maaari pang kumuha ng amnesty ang mga may hindi pa bayad na Estate Tax hanggang June 14, 2025. Pinalawig rin ang… Continue reading BIR, nagpaalala sa pinalawig na deadline at coverage ng Estate Tax Amnesty

Bilang ng mga Pilipinong nawawala sa Israel, umabot na sa 6, isa nadukot ng Hamas — DFA

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa anim ang kumpirmadong nawawala at isa naman ang naiulat na dinukot ng grupong Hamas sa bansang Israel. Patuloy naman na kino-contact ang Pilipinong nawawala gamit ang kanyang contact number ngunit hindi ito makontak kabilang na ang anim na nawawala. Samantala, umabot na sa 1,100… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong nawawala sa Israel, umabot na sa 6, isa nadukot ng Hamas — DFA

DOF chief, naniniwalang lalago ang GDP ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na babawi ang economic growth ng bansa sa pangalawang bahagi ng taon. Sa kaniyang weekend press briefing, sinabi ni Diokno na mas mabilis ang second half growth dahil sa ‘accelerated spending efforts’ ng gobyerno. Paliwanag ng kalihim, kaya bumagal ang paglago sa unang bahagi ng taon ay dahil bigo… Continue reading DOF chief, naniniwalang lalago ang GDP ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon

Direktiba ni PBBM na gamiting pantulong sa mga magsasaka ang sobrang koleksyon ng RCEF, pinuri ni Speaker Romualdez

Welcome para kay House Speaker Martin Romualdez ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang koleksyon ng taripa mula sa bigas para tulungan ang mga magsasaka. Batay sa direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. sa DA, anomang kita na sosobra sa ₱10-billion na kailangan sa RCEF o… Continue reading Direktiba ni PBBM na gamiting pantulong sa mga magsasaka ang sobrang koleksyon ng RCEF, pinuri ni Speaker Romualdez

Pulis na nasibak sa pagpapahinto ng trapiko dahil sa VIP, pinababalik sa pwesto ni QC Mayor Belmonte

Hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier General Redrico Maranan na ibalik na sa pwesto ang nasibak na pulis na si Executive Master Sergeant Verdo Pantollano dahil sa viral video na pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue. Ginawa ng alkalde ang panawagan matapos sabihin ni Acting Metropolitan… Continue reading Pulis na nasibak sa pagpapahinto ng trapiko dahil sa VIP, pinababalik sa pwesto ni QC Mayor Belmonte

Ilang trike drivers sa QC, umaasang magtuloy-tuloy na ang bigtime rollback sa gasolina

Good news para sa mga tricycle driver sa Maharlika Street, sa Quezon City ang pagpapatupad ng panibagong bigtime rollback sa presyo ng gasolina. Ngayong araw, epektibo na ang rollback na: • Diesel – ₱2.45/liter• Gasolina – ₱3.05/liter• Kerosene – ₱3.00/liter Ayon kay Mang Ferdinand, malaking bagay na rin ito dahil kahit papano ay may pandagdag… Continue reading Ilang trike drivers sa QC, umaasang magtuloy-tuloy na ang bigtime rollback sa gasolina

Contingent fund, maaaring gamitin para asistehan ang mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel

Tinukoy ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang contingent fund para pagkunan ng pondo sakaling magpatupad na ng repatriation para sa mga Pilipino na naiipit ngayon sa gulo sa Israel dahil sa pag-atake ng grupong Hamas. Ayon sa vice-chair ng Appropriations Committee, isa sa maaaring paggamitan ng contingent fund ay… Continue reading Contingent fund, maaaring gamitin para asistehan ang mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel