Ilang dayuhan, nahuling gumagamit ng Philippine passport para makapasok sa bansa

Isang modus ng ilegal na pagpasok ng mga dayuhan sa bansa ang nabunyag sa pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng Department of Justice (DOJ). Sa pagdinig, ibinahagi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na nasa 10 dayuhan na ang nahuli nilang sumubok na makapasok ng Pilipinas gamit ang lehitimong Philippine passports. Ipinaliwanag… Continue reading Ilang dayuhan, nahuling gumagamit ng Philippine passport para makapasok sa bansa

PhilHealth, bukas sa anumang imbestigasyon sa nangyaring data breach sa kanilang sistema

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na handa itong humarap sa anumang imbestigasyon sakaling kailanganin. Kaugnay pa rin ito sa nangyaring data breach sa online system ng State Health Insurer matapos ang pag-atake ng Medusa ransomware syndicate. Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, patuloy ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang mga ahensya… Continue reading PhilHealth, bukas sa anumang imbestigasyon sa nangyaring data breach sa kanilang sistema

Publiko, kinalma ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad na makapamiminsala sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. Ito ang pagtitiyak ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat, partikular na sa mga paliparan noong isang linggo. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col.… Continue reading Publiko, kinalma ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat

DND, makikipagtulungan sa DepEd at CHED sa pagsulong ng mandatory ROTC Program

Paiigtingin ng Department of National Defense (DND) ang kolaborasyon sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para isulong ang mga programa sa estudyante kabilang ang mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program. Ito ang inihayag ni DND Senior Undersecretary Irineo Espino na kumatawan kay DND Secretary Gilbert Teodoro sa pagbubukas ng… Continue reading DND, makikipagtulungan sa DepEd at CHED sa pagsulong ng mandatory ROTC Program

Mas masusing pagsusuri sa ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng guro, isasagawa ng PNP forensic group

Magsasagawa ng mas masusing pagsusuri ang Philippine National Police (PNP) Forensic Group sa ikinamatay ng Grade 5 student matapos umanong sampalin ng guro. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame sinabi ni Dr. Hector Sorra, ang medicolegal division chief ng PNP Forensic Group, na magsasagawa na rin sila ng histopath exam sa labi ng biktimang si Francis… Continue reading Mas masusing pagsusuri sa ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng guro, isasagawa ng PNP forensic group

Automatic promotion ng mga civil servants kasabay ng pagreretiro nila sa serbisyo, pinapanukala ni Senador Escudero

Isinusulong ni Sen. Chiz Escudero na awtomatikong ma-promote ang mga empleyado ng gobyerno kasabay ng kanilang pagreretiro gaya ng mga sundalo at pulis. Sa ilalim ng Senate Bill 297 na inihain ng senador, pinapanukalang ibigay sa magreretirong civil servant ang salary grade na isang lebel na mas mataas sa kasalukuyan nitong posisyon sa oras ng… Continue reading Automatic promotion ng mga civil servants kasabay ng pagreretiro nila sa serbisyo, pinapanukala ni Senador Escudero

Senador Villanueva, naghain ng resolusyon para parangalan ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyon para parangalan ang Gilas Pilipinas National Men’s Basketball team para sa pagkakasungkit nila ng gintong medalya sa 19th Asian Games. Sa ilalim ng Senate Resolution 822 ni Villanueva, nagawa ng Gilas Pilipinas na maputol ang 61 na taong pagkakabigo ng Pilipinas na manalo sa basketball… Continue reading Senador Villanueva, naghain ng resolusyon para parangalan ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

‘Demanda Me’ modus ng ilang undesirable aliens sa Pilipinas, isiniwalat ng DOJ

Nabunyag sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang “Demanda Me” system kung saan nagbabayad ang mga foreign nationals para sampahan sila ng kaso dito sa ating bansa. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napansin nilang ginagawa ito ng mga dayuhan para hindi sila mapa-deport at mapaalis… Continue reading ‘Demanda Me’ modus ng ilang undesirable aliens sa Pilipinas, isiniwalat ng DOJ

Office of the Solicitor General, handang ibigay sa ibang ahensyang nangangailangan ang kanilang confidential fund

Nagpahayag ang Office of the Solicitor General na handa nilang isuko ang kanilang confidential fund para sa susunod na taon. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na nasa P19.2 million ang inilaan sa kanilang confi fund sa ilalim ng… Continue reading Office of the Solicitor General, handang ibigay sa ibang ahensyang nangangailangan ang kanilang confidential fund

Dagdag pondo para sa training ng mga bagong NBI agents, hinihiling sa Senado

Nanghihingi ng tulong sa Senado ang National Bureau of Investigation (NBI) para mapataas ang bilang ng kanilang mga agents sa buong bansa. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni NBI Director Medardo De Lemos na sa ngayon ay wala pang 500 ang NBI agents… Continue reading Dagdag pondo para sa training ng mga bagong NBI agents, hinihiling sa Senado