Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang ginampanang papel ng Chief Security Officer ng HDJ Tolong Compound, na pagmamay-ari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at walong iba pa. Ito ay makaraang makuha ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga… Continue reading Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Commitment ng Pangulo sa full implementation ng Bangsamoro Peace Agreements, suportado ng DND

Nagpahayag ng suporta si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpletuhin ang implementasyon ng Bangsamoro Peace Agreement. Sa isang statement sa ika-9 na anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation… Continue reading Commitment ng Pangulo sa full implementation ng Bangsamoro Peace Agreements, suportado ng DND

Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly

Muling itinulak ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang Constituent Assembly (ConAss) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon sa Pampanga solon, pinakamabilis, matipid at kontroladong paraan ng Charter Change ang ConAss. Kung Constitutional Convention kasi aniya ang gagawin na isinusulong ng Kamara ay hindi mapipigilan ang mga delegado na magsulong ng iba pang… Continue reading Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly

Pilipinas, ititigil na ang anomang uri ng komunikasyon sa ICC

Ititigil na ng Pilipinas ang anomang uri ng komunikasyon sa International Criminal Court (ICC). Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang hindi pakinggan ng ICC ang apela ng pamahalaan na tigilan na ang imbestigasyon sa umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa, partikular noong nakaraang administrasyon. Sa ambush interview sa pangulo sa Pasay… Continue reading Pilipinas, ititigil na ang anomang uri ng komunikasyon sa ICC

“Tribute to soldiers” inilunsad ng DND, AFP at Manila Times

Lumagda si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at The Manila Times (TMT) Chairperson Emeritus Dante Ang sa isang Manifesto of Support para sa pagtatatag ng “Tribute to Soldiers” awarding Ceremony. Dito ay pararangalan ang 10 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang military unit… Continue reading “Tribute to soldiers” inilunsad ng DND, AFP at Manila Times

MERALCO, nagtayo ng subsidiary na tututok sa paglikha ng e-vehicles

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na natanggap na nila ang mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ito ay para sa pagtatayo ng kanilang subsidiary na Movem Electric Incorporated, na nakatutok naman sa paggawa, maintenance, at pagbebenta ng mga electronic vehicle. Ayon sa MERALCO, bukod dito ay maaari rin silang mag-import at… Continue reading MERALCO, nagtayo ng subsidiary na tututok sa paglikha ng e-vehicles

S&P Global Ratings, itinaas ang growth outlook ng Pilipinas para sa taong 2023

Itinaas ng S&P Global Ratings ang growth forecast para sa Pilipinas ng 5.8 percent para sa taong ito. Sa unang pagtaya ng S&P Global ito ay nasa 5.2 percent, pero base sa kanilang projection ang Pilipinas ay third-fastest growing economy sa Asia Pacific. Ayon kay Asia Pacific at S&P Chief Economist Louis Kujis, ang GDP… Continue reading S&P Global Ratings, itinaas ang growth outlook ng Pilipinas para sa taong 2023

MMDA, magpapatupad ng “Summer Heat Stroke Break” simula sa Abril

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisimula na ang implementasyon ng “Summer Heat Stroke Break” para sa mga tauhan nito sa Abril. Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Atty. Victor Nuñez, naglabas na ng memorandum circular si acting Chairperson Romando Artes para sa naturang break simula April 1 hanggang May 31. Sa… Continue reading MMDA, magpapatupad ng “Summer Heat Stroke Break” simula sa Abril

Kaligtasan ng mga estudyante pag may fire at earthquake drill, pinatitiyak sa mga eskwelahan

Pinatitiyak ni Act Teacher’s Party-list Representative France Castro sa lahat ng mga eskwelahan ang kaligtasan ng mga estudyante tuwing may drills at outside activities. Ayon kay Rep. France Castro, dapat siguruhin ang safety ng lahat tuwing may fire at earthquake drill. Ginawa ng lady solon ang pahayag matapos ang insidente sa Cabuyao, Laguna, na may… Continue reading Kaligtasan ng mga estudyante pag may fire at earthquake drill, pinatitiyak sa mga eskwelahan

Sen. Villanueva sa Kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kidnapping-slay case sa isang Filipino-Chinese businessman

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Pambansang Pulisya na suriin ang lahat ng mga posibleng anggulo sa pag-iimbestiga sa kaso ng kidnapping at pamamaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Mario Uy. Giit ni Villanueva, ang mga ganitong insidente ay nakakagawa lang ng takot sa ating mga kababayan. Kabilang aniya sa mga anggulo na… Continue reading Sen. Villanueva sa Kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kidnapping-slay case sa isang Filipino-Chinese businessman