DOT, pinasinayaan ang kauna-unahang Tourist Rest Area sa Mindanao

Photo courtesy of Department of Tourism FB page

Pinasinayaan ngayong araw ng Department of Tourism (DOT), kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang pagbubukas ng kauna-unahang Tourist Rest Area (TRA) sa Mindanao, na matatagpuan sa bayan ng Manolo Fortich sa Bukidnon. Ito ang ikalawang tourist rest area na nai-handover ng DOT sa lokal na pamahalaan, kasunod ng Medellin, Cebu nitong Hulyo.… Continue reading DOT, pinasinayaan ang kauna-unahang Tourist Rest Area sa Mindanao

Finance Chief, nagpasalamat sa suporta ni PBBM at ng Kongreso na maipasa ang priority reforms ng DOF bago matapos ang taon

Welcome sa Department of Finance (DOF) ang pagendorso ng Legislative-Executive Development Advisory Council, LEDAC ng limang “key fiscal and economic reforms” na siyang aaprubahan ng Kongreso hanggang December 2023. Pinasalamatan ni Finance Secretary Benjamin Diokno si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang mga mambabatas sa kanilang suporta para makamit ang sustainable and inclusive economic… Continue reading Finance Chief, nagpasalamat sa suporta ni PBBM at ng Kongreso na maipasa ang priority reforms ng DOF bago matapos ang taon

Kasunduan para sa mas mababang singil sa kuryente sa Iloilo City, nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power

Lumagda sa isang tripartite agreement ang Energy Regulatory Commission, Iloilo City Government at More Electric and Power Corporation na nagsusulong ng paggamit ng renewable energy resources na magbibigay daan sa pagbaba pa ng presyo ng kuryente. Sa ilalim ng kasunduan ay maglalagay ang MORE Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya… Continue reading Kasunduan para sa mas mababang singil sa kuryente sa Iloilo City, nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power

National Patient Referral System, nais gawing isang batas

Isinusulong ni Davao City Rep. Paolo Duterte na gawing permanente ang National Patient Referral System sa pamamagitan ng pagsasabatas ng House Bill 7574. Sa ilalim ng National Patient Navigation and Referral System Bill, gagawing magkaka-ugnay ang mga healthcare provider para mas madaling malaman ng mga pasyente kung saan maaaring pumunta para makapagpagamot. Ang naturang referral… Continue reading National Patient Referral System, nais gawing isang batas

Meralco, pinaigting ang barangay caravans para hikayatin ang kwalipikadong customers na mag-apply sa Lifeline Rate Program

Mas pinaigting pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagsasagawa ng barangay caravans sa iba’t ibang lungsod at lalawigan, upang hikayatin ang mga kwalipikadong customer na mag-apply sa kanilang Lifeline Rate Program. Layon ng programa na mabigyan ng discount sa electricity bills ang mga kwalipikadong benepisyaryo gaya ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program… Continue reading Meralco, pinaigting ang barangay caravans para hikayatin ang kwalipikadong customers na mag-apply sa Lifeline Rate Program

Posibleng ‘misapplication’ ng Anti-Terrorism Law kay Rep. Teves, pinasisilip

Nagpahayag ng pagkabahala si House Human Rights Committee Chair Bienvenido Abante hinggil sa posibleng ‘misapplication’ o pang-aabuso sa Anti-Terrorism Law. Kasabay nito ay hinimok din ng kinatawan ang Joint Congressional Oversight Committee na silipin ang pagturing kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at 12 iba pa bilang terorista gamit ang naturang… Continue reading Posibleng ‘misapplication’ ng Anti-Terrorism Law kay Rep. Teves, pinasisilip

Ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, at Imus City sa Cavite, makakaranas ng arawang water service interruption hanggang Nobyembre – Maynilad

Naglabas ng abiso ang kumpanyang Maynilad kung saan ilang lugar sa Las Piñas City, Bacoor City, at Imus City sa Cavite ang makakaranas ng daily water service interruption. Ang nasabing daily water service interruption ay magsisimula sa Martes, August 8 tuwing 5 PM hanggang 6 AM at ito ay matatapos sa November 2 o Todos… Continue reading Ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, at Imus City sa Cavite, makakaranas ng arawang water service interruption hanggang Nobyembre – Maynilad

Pilipinas at Vietnam, muling pinagtibay ang commitment na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang commitment nito na patibayin ang strategic partnership at palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa sa isinagawang 10th Philippines-Vietnam Joint Commission on Bilateral Cooperation sa Hanoi, Vietnam. Sa naging bilateral meeting na kapwa pinamumunuan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at ng kanyang counterpart na si G. Bui… Continue reading Pilipinas at Vietnam, muling pinagtibay ang commitment na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa

Pagbuo ng Philippine Railway Masterplan, makatutulong na mapaganda ang railway system sa Greater Capital Region — DOTr

Inihayag ng Department of Transportation o DOTr na ang pagbuo ng 30-year railway masterplan para sa Greater Capital Region ay makatutulong na magkaroon ng long-term railway systems sa National Capital Region, Central Luzon, at Calabarzon. Sa ceremonial signing of records sa pagitan ng DOTr at Japan International Cooperation Agency o JICA, sinabi ni Transportation Secretary… Continue reading Pagbuo ng Philippine Railway Masterplan, makatutulong na mapaganda ang railway system sa Greater Capital Region — DOTr

4.7% July inflation, welcome sa Department of Finance

Welcome sa Department of Finance ang 4.7 percent na July inflation. Mas mababa ito mula sa 5.4 inflation ng June at pinakamababa mula March 2022. Ayon sa DOF. ang tuloy-tuloy na pagbaba nito ay dahil sa mabagal na year-on-year increase sa housing, water, electricity, gas, and other fuels; food and non-alcoholic beverages; at transport. Bagaman… Continue reading 4.7% July inflation, welcome sa Department of Finance