Pagkakapasa sa resolusyong kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration, ikinalugod ng DFA

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs ang pagkakapasa ng resolusyon na inihain ng Pilipinas na kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration sa pagresolba ng mga dispute sa mapayapang paraan. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, maituturing na isang mahalagang ambag ng Pilipinas ang resolusyon sa pagpapatupad ng rule of law at… Continue reading Pagkakapasa sa resolusyong kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration, ikinalugod ng DFA

Klase sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2023-2024, magsisimula na sa August 29

Opisyal nang inanunsyo ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan. Batay sa abiso, magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29, 2023. Habang ang mga pribadong paaralan naman ang maaaring magbukas ng klase simula sa unang Lunes ng Hunyo… Continue reading Klase sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2023-2024, magsisimula na sa August 29

DSWD, namahagi na ng emergency cash transfer sa Ilocos Norte

Sinimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang emergency cash transfer (ECT) payout para sa mga nasalanta ng habagat at bagyong Egay sa Ilocos Norte. Tugon na rin ito ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matutukan ang “early recovery” sa mga lugar na hinagupit ng… Continue reading DSWD, namahagi na ng emergency cash transfer sa Ilocos Norte

DND Sec. Teodoro, nagpasalamat sa suporta ng Japan sa Arbitral Ruling

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa suporta ng Japan sa arbitral ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea. Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa pagbisita sa Camp Aguinaldo kahapon ng delegasyon ng mga Hapones na mambabatas ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship… Continue reading DND Sec. Teodoro, nagpasalamat sa suporta ng Japan sa Arbitral Ruling

10 mga kawani ng pamahalaan, ginawaran bilang ‘Most Outstanding Filipinos’ ng Metrobank Foundation

Kinilala ng Metrobank Foundation ang 10 empleyado ng pamahalaan dahil sa katangi-tangi nilang serbisyo sa bansa. Ang mga empleyado na pinarangalan ay nagmula sa sektor ng edukasyon, military at police service kung saan tumanggap ang mga ito ng plaque at isang milyong piso. Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay sina: 1. Rex Sario, Master… Continue reading 10 mga kawani ng pamahalaan, ginawaran bilang ‘Most Outstanding Filipinos’ ng Metrobank Foundation

Halaga ng pinsala sa imprastraktura na iniwan ng habagat at Bagyong Egay, sumampa na sa halos P7 bilyon — DPWH

Umakyat na sa P6,978,388.00 o halos pitong bilyong piso ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng mga nagdaang habagat at bagyong Egay. Ito ang iniulat ng Department of Public Works and Highways o DPWH batay sa kanilang isinagawang monitoring and assessment ngayong araw. Ayon sa DPWH, kabilang sa mga nakapagtala ng pinsala dulot ng kalamidad ay… Continue reading Halaga ng pinsala sa imprastraktura na iniwan ng habagat at Bagyong Egay, sumampa na sa halos P7 bilyon — DPWH

Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P3.17 bilyon — DA

Pumalo na sa P3.17 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat. Batay sa pinakahuling assessment ng Department of Agriculture, siyam na rehiyon ang naapektuhan kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZIB, MIMAROPA, Western Visayas, Soccsksargen at Caraga. Umabot na… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P3.17 bilyon — DA

Food security, MUP pension reform, kalamidad at tumataas na utang ng bansa, kabilang sa ikokonsidera sa pagtalakay ng 2024 NEP

Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na ikukunsidera ang apat na malalaking issue ngayon sa bansa kasabay ng pagbusisi sa 2024 National Expenditure Program. Tinawag ni Recto ang mga isyu ng tumataas utang ng bansa, kalamidad, food security at MUP pension na “elephant in the room”, mga malalaking problema na hindi… Continue reading Food security, MUP pension reform, kalamidad at tumataas na utang ng bansa, kabilang sa ikokonsidera sa pagtalakay ng 2024 NEP

Restructuring sa hanay ng PNP, inaprubahan ng Kamara

187 na mambabatas ang pumabor para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong ayusin ang hanay ng Philippine National Police sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dagdag na tanggapan at maglaan ng pondo para rito. Sa ilalim ng House Bill No. 8327, aamyendahan ang “Department of Interior and Local Government Act of… Continue reading Restructuring sa hanay ng PNP, inaprubahan ng Kamara

Pagsusulong sa human rights-based approach upang protektahan ang mga IDP, pinagtibay ng Kamara sa ikatlong pagbasa

Pasado na sa Kamara ang panukala upang masigurong maprotektahan ang karapatan ng mga internally displaced person ay maiwasan ang tinatawag na arbitrary displacement. Salig sa House Bill 8269, pagtitibayin ang pagtalima sa nakasaad sa Konstitusyon, pamantayan na itinakda ng International Humanitarian Law, mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao, mga tratado at kasunduan… Continue reading Pagsusulong sa human rights-based approach upang protektahan ang mga IDP, pinagtibay ng Kamara sa ikatlong pagbasa