17% na pagbaba ng index crimes sa ikalawang quarter ng taon, iniulat ng PNP

Bumaba ng 17.26 percent ang insidente ng Index Crimes mula April 24, 2023 hanggang July 30, 2023, kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Base sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management Crime Research Analysis Center (CRAC), ang iba pang klase ng mga krimen tulad ng Focus Crime na kinabibilangan ng murder,… Continue reading 17% na pagbaba ng index crimes sa ikalawang quarter ng taon, iniulat ng PNP

NYC, pinuna ng COA sa magastos na training, travel at giveaways

Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang National Youth Commission (NYC) na kontrolin ang kanilang paggastos. Pinuna ng COA ang NYC matapos na umabot sa Php36.82 milyon ang winaldas nito para lamang sa training at traveling expenses, maging ang sobra-sobrang halaga ng giveaways para sa mga kalahok na Php 1.03 milyon. Sa audit report noong… Continue reading NYC, pinuna ng COA sa magastos na training, travel at giveaways

Mga katutubong apektado isang proyekto ng NIA na hindi natapos, humarap sa pagdinig ng Senado

Dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang grupo ng mga katutubo na kabilang sa mga apektado ng hindi natapos an proyekto ng National Irrigation Administration (NIA). Sa pagdinig ng Blue Ribbon, binahagi ni Commitee Chairman Sen. Francis Tolentino na ang Balog-Balog Multipurpose Irrigation project ay ilang dekada nang ginagawa at napondohan na ng… Continue reading Mga katutubong apektado isang proyekto ng NIA na hindi natapos, humarap sa pagdinig ng Senado

Publiko, binalaan ng DOH sa mga kumakalat na disinformation gamit ang larawan ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa mga kumakalat na maling impormasyon sa social media at ginagamit pa ang pangalan ng ilang opisyal nito. Kasunod ito ng pag-ikot sa social media ng artikulo mula sa isang website na nagtataguri kay Health USec. Ma. Rosario Vergeire bilang German Cardiologist, at tila nag-endorso pa… Continue reading Publiko, binalaan ng DOH sa mga kumakalat na disinformation gamit ang larawan ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire

Kamara, nahanapan na ng solusyon ang pagpopondo para sa MUP pension reform program

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nakahanap na sila ng solusyon para pondohan ang panukalang MUP pension reform program. Matapos ang tatlong oras na pulong kasama ang House economic team at leadership ay nakapaglatag na aniya ng paraan kung paano matitiyak na mapondohan ang MUP pension at makapagpapatupad ng taas sahod sa kanilang hanay.… Continue reading Kamara, nahanapan na ng solusyon ang pagpopondo para sa MUP pension reform program

10 QC-based hospitals, tumanggap ng P50-M medical assistance fund

Nakatanggap ng P50-milyong medical assistance fund ang 10 government hospitals sa Quezon City, upang makatulong sa tuloy tuloy na pagbibigay serbisyo sa mga kapus palad na Pilipino. Kasunod ito ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pangunguna nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Quezon City Mayor Joy Belmonte, para sa pag-turnover ng medical assistance… Continue reading 10 QC-based hospitals, tumanggap ng P50-M medical assistance fund

DepEd, tiniyak ang kaligtasan ng mga student athlete na kalahok sa Palarong Pambansa 2023

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang kaligtasan ng mga student-athlete na kalahok sa Palarong Pambansa 2023, na idinaraos sa Marikina City. Ayon kay DepEd Assistant Secretary at Palarong Pambansa 2023 Secretary General Francis Bringas, prayoridad nila ang kaligtasan ng mga student athlete. Kasunod ito ng insidente na knock-out ang isang student boxer sa isang… Continue reading DepEd, tiniyak ang kaligtasan ng mga student athlete na kalahok sa Palarong Pambansa 2023

Pagpasa ng Senado ng resolusyon na mag-uudyok na iakyat ang 2016 arbitral ruling sa UNGA, kumakatawan lamang sa national consensus ng bansa – Department of Foreign Affairs

Naglabas ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pagkakapasa ng Senate Resolution na nagtataguyod sa 2016 arbitral ruling kung saan sinabi ng kagawaran na kumakatawan ito sa national consensus ng bansa. Ayon sa DFA, ang Senate Resolution 718 na inihain nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Risa Hontiveros ay nagmumungkahi… Continue reading Pagpasa ng Senado ng resolusyon na mag-uudyok na iakyat ang 2016 arbitral ruling sa UNGA, kumakatawan lamang sa national consensus ng bansa – Department of Foreign Affairs

Iba’t ibang mga inisyatibo, inilatag ng pamahalaan upang maaabot ang sustainable development goals ng bansa, ayon sa NEDA

Sa katatapos na International Association of Schools and Institutes of Administration 2023 conference, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga inisyatibo ng pamahalaan upang maabot ang sustainable development goals ng bansa. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ito ay sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng bansa partikular na ang COVID-19… Continue reading Iba’t ibang mga inisyatibo, inilatag ng pamahalaan upang maaabot ang sustainable development goals ng bansa, ayon sa NEDA

Resolusyon na kumikilala sa makasaysang FIFA match ng Pilipinas kontra New Zealand, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang resolusyon na kumikilala sa Philippine Women’s National Football Team na Filipinas sa kanilang makasaysayang laban sa 2023 FIFA Women’s World Cup kontra New Zealand noong July 25. Sa sesyon ngayong Miyerkules, in-adopt ng Kamara ang House Resolution 1145 na nagpapaabot ng pagbati sa 23 miyembro ng Filipinas matapos maitala ang… Continue reading Resolusyon na kumikilala sa makasaysang FIFA match ng Pilipinas kontra New Zealand, pinagtibay ng Kamara