DSWD, magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima ng lumubog na bangka sa Binangonan, Rizal

Tiniyak na Department of Social Welfare and Development o DSWD na tutulungan nito ang mga nakaligtas na indibidwal at pamilya ng mga biktima ng lumubog na bangka sa Talim Island sa Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal. Ayon kay DSWD Calabarzon Regional Director Barry Chua, bibigyan ng tig-P10,000 tulong pinansyal ang bawat pamilya ng mga biktima pati… Continue reading DSWD, magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima ng lumubog na bangka sa Binangonan, Rizal

DOTr, DHSUD, lumagda sa kasunduan para sa tranport at housing programs ng pamahalaan

Lumagda sa kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para matulungan ang mga residente na maaapektuhan ng mga transportation project ng pamahalaan. Sa ilalim ng kasunduan, ang DOTr at DHSUD ay magtutulungan para sa relocation at resettlement activities ng mga residente na matatamaan ng transportation projects sa… Continue reading DOTr, DHSUD, lumagda sa kasunduan para sa tranport at housing programs ng pamahalaan

Licensure exam fee para sa mga mahihirap na indibidwal, pinalilibre ng isang mambabatas

Pinalilibre ni Davao City Rep. Paolo Duterte mula sa pagbabayad ng licensure at bar exams ang mga kwalipikadong mahihirap na nais kumuha ng pagsusulit. Punto ng mambabatas sa paghahain ng House Bill 4927, kasama si Benguet Rep. Eric Yap, hindi dapat maging hadlang sa pagkamit ng inaasam na professional license ang pagiging mahirap at kakapusan… Continue reading Licensure exam fee para sa mga mahihirap na indibidwal, pinalilibre ng isang mambabatas

Kontribusyon ng reservists sa pambansang seguridad, kinilala ng AFP Chief

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang malaking kontribusyon ng mga reservist sa pambansang seguridad. Ang pahayg ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa kauna-unahang Jamboree ng National Defense College of the Philippines (NDCP) sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Sa kanyang… Continue reading Kontribusyon ng reservists sa pambansang seguridad, kinilala ng AFP Chief

Pag-monitor sa profiteering at hoarding sa mga deklaradong calamity areas, ipinag-utos ni PNP Chief

Inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga police unit sa mga lugar na deklaradong calamity areas dahil sa bagyong Egay na mag-monitor sa posibleng profiteering, hoarding at unfair trade practices at tumulong sa mga LGU at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapatupad ng price freeze. Ayon kay PNP Public… Continue reading Pag-monitor sa profiteering at hoarding sa mga deklaradong calamity areas, ipinag-utos ni PNP Chief

Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund Nakakuha ng suporta ang Philippine delegation mula sa malaysian businessmen, nang ibida ang bubuksan Maharlika Investment Fund (MIF) ng bansa. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi na nakakagulat ang pahayag na interes ng mga ito, lalo’t negosyo ang pinag-uusapan sa dito. “Yes, lahat. Lahat… Continue reading Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

2 tauhan ng PCG sinibak sa pwesto matapos ang pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal

Pansamantalang sinibak sa puwesto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang tauhan nito na nakaposte sa kanilang Binangonan Sub-Station sa Rizal. Ito’y kasunod ng pagkakataob ng MBCA Princess Aya Express habang papatawid sa Laguna de Bay patungong Talim Island na ikinasawi ng halos 30 katao. Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu, layon ng… Continue reading 2 tauhan ng PCG sinibak sa pwesto matapos ang pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal

Tulong ng Kamara para sa mga taga-Baguio at Benguet na sinalanta ni Egay, sinimulan nang ipamahagi

Personal na nagtungo ngayong hapon si House Speaker Martin Romualdez sa Baguio City upang pangunahan ang pamamahagi ng relief goods at tulong pinansyal sa mga residente doon na naapektuhan ng bagyong Egay. Kabuuang ₱3 milyon, o tig-₱1-milyon ang natanggap na financial assistance nina Benguet Representative Eric Yap, Baguio Representative Mark Go at Baguio City Mayor… Continue reading Tulong ng Kamara para sa mga taga-Baguio at Benguet na sinalanta ni Egay, sinimulan nang ipamahagi

Mahigit ₱5.9-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga awtoridad sa isang courier warehouse sa Pasay City

Nasabat sa pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang iligal na droga na nagkakahalaga ng nasa mahigit 5.9 milyong piso sa lungsod ng Pasay. Nakuha ang naturang halaga ng iligal na droga sa shipment ng isang courier company sa Andrews Avenue sa Pasay City. Batay sa… Continue reading Mahigit ₱5.9-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga awtoridad sa isang courier warehouse sa Pasay City

Halos ₱10-M halaga ng donasyon sa mga guro at estudyante na apektado ng Mayon, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Pinagkalooban ng United States Agency for International Development (USAID) ng 9.7 milyong pisong halaga ng donasyon ang mga guro at out-of-school youth na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Ang donasyon na binubuo ng educational materials at hygiene kits ay tinurn-over ni USAID Philippines Resident Legal Officer Michelle McLeod at Department of Education (DepEd) Region… Continue reading Halos ₱10-M halaga ng donasyon sa mga guro at estudyante na apektado ng Mayon, ipinagkaloob ng Estados Unidos