Veteran lawmaker, hiling din na maimbestigahan ang bagong PAGCOR logo

Nadagdagan pa ang mambabatas sa Kamara na nais paimbestigahan ang P3 million na bagong PAGCOR logo design. Ayon kay Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa pagbubukas ng sesyon sa susunod na linggo ay maghahain siya ng resolusyon para siyasatin ang isyu sa halaga, disenyo at pangangailangan sa bagong logo. Para sa mambabatas,… Continue reading Veteran lawmaker, hiling din na maimbestigahan ang bagong PAGCOR logo

MIF, inaasahang mapapalawig ang fiscal space ng pamahalaan — House Speaker Romualdez

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang tuluyang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act o Republic Act (RA) 11954. Aniya, ngayon ay may dagdag pagkukunan na ng pondo ang pamahalaan sa pagpapatupad ng big-ticket infrastructure projects nang hindi kailangan mangutang o magpataw ng dagdag na buwis. Makatutulong din aniya ito upang mapaluwag ang fiscal… Continue reading MIF, inaasahang mapapalawig ang fiscal space ng pamahalaan — House Speaker Romualdez

Aprubadong investments sa bansa sa unang kalahati ng 2023, umabot na sa halos ₱700-B

Aabot sa ₱698 bilyon ang halaga ng investments na inaprubahan ng Board of Investments (BOI) para sa first half ng 2023. Ito ay mas mataas ng 203 percent kumpara sa ₱230 bilyong halaga ng investments sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. 60 porsyento ng investments na naaprubahan ay foreign investments na nagkakahalaga ng ₱423 bilyon… Continue reading Aprubadong investments sa bansa sa unang kalahati ng 2023, umabot na sa halos ₱700-B

QC LGU, nagdeklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Idineklara na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lunes, Hulyo 24, 2023. Ito’y upang bigyang daan ang State Of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex. Nilagdaan na ni QC Mayor Joy Belmonte ang Executive… Continue reading QC LGU, nagdeklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Ganap na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund, welcome sa DBM

Malugod na tinanggap ng Department of Budget and Management o DBM ang ganap nang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund. Ito’y ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman makaraang malagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw. Ayon kay Pangandaman, makatutulong ito upang mabigyan pa ng mas malawak na pagkakataon ang pamahalaan na maihatid… Continue reading Ganap na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund, welcome sa DBM

Brownout sa mga sakop ng MORE sa Iloilo, nabawasan ng 90%

Bumaba ng 90 porsyento ang power interruption sa Iloilo City. Ayon kay MORE Power President Roel Castro, kasunod na din ito ng kanilang ipinatupad na modernization efforts mula ng hawakan nila ang power distribution sa lungsod. Nasa ₱1.5 bilyong piso na aniya ang kanilang na-invest para sa modernization ng kanilang power distribution facilities. Malaki aniya… Continue reading Brownout sa mga sakop ng MORE sa Iloilo, nabawasan ng 90%

7,612 na narekober na armas, winasak ng PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagwasak ng 7,612 captured, confiscated, surrendered, deposited, abandoned, and forfeited firearms (CCSDAF) sa Camp Crame. Bahagi ito ng “demilitarization” ng nasabing mga armas para masiguro na hindi na magagamit ang mga ito sa hindi magandang paraan. Ang aktibidad kahapon na pinangasiwaan ng Logistics… Continue reading 7,612 na narekober na armas, winasak ng PNP

Pagsama sa cybercrime bilang Index Crime dahil sa paglobo ng kaso, pag-aaralan ng PNP

Kinokonsidera ng PNP na isama bilang Index Crime ang Cybercrime, kasunod ng mahigit 150 porsyentong pagtaas ng mga kaso sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, bumuo na ang PNP ng technical working group (TWG) para pag-aralan ang naturang hakbang. Sa kasalukuyan, walong focus… Continue reading Pagsama sa cybercrime bilang Index Crime dahil sa paglobo ng kaso, pag-aaralan ng PNP

DepEd, nagdaos ng Disaster Resilience Forum ngayong National Disaster Resilience Month

Upang matiyak na sapat ang kapasidad ng ahensya sa gitna ng mga sakuna at emergency, nagsagawa ang Department of Education o DepEd ng orientation at forum kaugnay sa mga konsepto ng Public Service Continuity Plan. Layon ng forum na matiyak na walang patid na operasyon at mas mahusay na pagtugon ng mga opisyal at kawani… Continue reading DepEd, nagdaos ng Disaster Resilience Forum ngayong National Disaster Resilience Month

MMDA, nakapagtala ng 100k pasahero na naserbisyuhan ng Pasig River Ferry sa unang anim na buwan ng taon

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority ng mahigit 100,000 pasahero ang naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service sa unang anim na buwan ng 2023. Kung saan may kabuuang 133, 585 ang kabuuang bilang at naitala naman ang pinakamalaking bilang ng pasahero sa buwan ng Mayo. Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang… Continue reading MMDA, nakapagtala ng 100k pasahero na naserbisyuhan ng Pasig River Ferry sa unang anim na buwan ng taon