Joint Maritime Patrol sa West Philippine Sea, muling ipinanawagan ng isang mambabatas

Muling humirit si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na magkasa ang Pilipinas ng joint maritime patrol sa West Philippine Sea kasama ang US at iba pang ka-alyadong bansa. Kasunod na rin ito ng muling pagdagsa ng Chinese vessels sa Del Pilar Reef at Escoda Shoal na sakop ng West Philippine Sea. β€œIt is our hope… Continue reading Joint Maritime Patrol sa West Philippine Sea, muling ipinanawagan ng isang mambabatas

Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang PNP sa limang pulis-Maynila na sangkot sa robbery-extortion ng isang computer shop sa sa Sampaloc, Maynila. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inatasan na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) na tumulong sa… Continue reading Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Pamilya ng Pinay na namatay sa Hong Kong, humingi ng privacy sa publiko

Nakikiusap ang pamilya ng Pinay worker na namatay sa Hong Kong na huwag na lamang isapubliko ang pangalan ng OFW, ayon sa Department of Foreign Affairs. Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Raymond Cortez, ito ang dahilan kung bakit pinili nila na huwag na lamang ilabas ang pangalan ng Pinay at maging ng employer nito.… Continue reading Pamilya ng Pinay na namatay sa Hong Kong, humingi ng privacy sa publiko

5,000 plastic license cards, ilalabas ng LTO bago ang SONA ni PBBM

Posibleng makapag-isyu na muli ang Land Transportation Office ng mga plastic license card bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay LTO OIC Asec. Hector Villacorta, may commitment na ang kanilang supplier, Banner Plasticard Inc. na makapag-deliver ng inisyal na 5,000 license cards sa LTO bago matapos ang… Continue reading 5,000 plastic license cards, ilalabas ng LTO bago ang SONA ni PBBM

Simulation exercises para sa SONA ng Pangulo, isasagawa ngayong linggo ayon sa PNP

Magsasagawa ng simulation exercises ang PNP ngayong linggo bilang paghahanda sa State of the Nation Address ng Pangulo sa susunod na Lunes. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasama sa paghahanda ang pagsubok sa kanilang komunikasyon, occular inspection, walk-through sa areas of convergence, at clearing operations. Magkakaroon din ng dry-run sa seguridad na… Continue reading Simulation exercises para sa SONA ng Pangulo, isasagawa ngayong linggo ayon sa PNP

SUCs, hinimok na bumuo ng drought at flood-resistant crops

Iminungkahi ng isang mambabatas na i-tap ang mga state educational institution para sa pagbuo ng mga drought at flood resistant crop. Una nang sinabi ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, na maiging mga drought resistant seeds o mga binhi ang itanim ng mga magsasaka dahil sa hindi nito kailangan ng maraming tubig. Aminado ang mambabatas… Continue reading SUCs, hinimok na bumuo ng drought at flood-resistant crops

Panukalang isailalim sa Office of the President ang PhilHealth, walang legal obstruction β€” DOJ

Walang nakikita na legal obstruction ang Department of Justice (DOJ) kung ililipat sa Tanggapan ng Pangulo ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Ito ang nilalaman ng legal opinion ng DOJ matapos hingiin ng Technical Working Group na siyang nangunguna para sa pag-aaral kung dapat bang ilipat ang PhilHealth sa Office of the President. Ayon… Continue reading Panukalang isailalim sa Office of the President ang PhilHealth, walang legal obstruction β€” DOJ

Crime index, bumaba ng 10 porsyento sa unang 6 na buwan ng 2023 kumpara sa nakalipas na taon

Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na bumaba ang crime index ng 10 porsyento sa unang anim na buwan ng taon. Ayon kay Fajardo, 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, na mas mababa sa 20,765 na insidente ni iniulat sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.… Continue reading Crime index, bumaba ng 10 porsyento sa unang 6 na buwan ng 2023 kumpara sa nakalipas na taon

PAO Chief Persida Acosta, humingi ng paumanhin sa SC

Buong pusong nagpakumbaba sa Supreme Court si Atty. Percida Acosta, hepe ng Public Attorneys Office. Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang petition ng PAO na ipabura ang Section 22 ng Cannon Law ng Code of Professional Responsibility and Accountability. Sinabi ni Acosta, hindi niya intension na sirain ang mga mahistrado, bagkus nais lamang nila… Continue reading PAO Chief Persida Acosta, humingi ng paumanhin sa SC

Coast Guard, binabantayan ang posibleng oil spill sa tumagilid na barko sa Romblon

Naglagay na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog para makontrol ang posibleng banta ng oil spill sa tumagilid na barko sa Banton Island, Romblon kahapon ng umaga. Ayon sa PCG, ang oil spill boom ay isang paraan para mapigilan ang posibleng oil spill sa karagatan ng Barangay Nasunugan, Banton,… Continue reading Coast Guard, binabantayan ang posibleng oil spill sa tumagilid na barko sa Romblon